Tuyong Krismas

Wala pang alas siete kaninang umaga ay brownout na sa mansion ko kaya napilitan tuloy akong maligo (?), magbihis, mag fuck up ng computer at tumambay sa peborit kong coffee shop dito sa downtown Iligan. Nakakaburat kasi sa bahay pag walang kuryente at hindi ko rin naman na-recharge ang vibrator ko kaya wala rin magawa. Jookeee! Lol.

Heynaku! Wala na nga ako makausap maghapon sa bahay eh hindi pa ako makapag internet. Tragis na buhay! Enways, buti na lang at wifi zone na rin sila (coffee shop) kaya mas lalong napapamahal sa akin ang lugar na ‘to. 

** Zoey Cafe, Iligan City

Kahapon ay may natanggap akong not-so-good-news galing kay Santa Claus. Hindi naman deretsahan ang pagkasabi pero nagpahiwatig na TUYONG krismas kami sa 25th dahil sa mga hindi maiiwasang pangyayari. Kaya emote na emote ako kagabi bago natulog.

Hays… sige na nga, magpapaka-plastik na lang ako. Iisipin ko na lang na basta kumpleto kaming mag-nanay ngayong pasko eh AYUS na yun.

Kaya eto… imbes na ituloy ang senti-mood ko, dadaanin ko na lang ang lahat sa pagpapakabundat sa lafang ngayon. Tama na muna ang emote-emote. Mamaya pag uwi ko, pag bumalik na ang kuryente, magbe-bake ako REVEL Bars at oatmeal cookies para naman maiba ang mood ko.  

Taena talaga, nakaka-stress na ‘tong darating na pasko ha! Parang hindi na ako natutuwa.

Lord, sana Valentines Day na agad!

One thought on “Tuyong Krismas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *