Nag-inarte

Last week, gusto sana namin ni Keziah bumili ng dagdag na christmas decorations sa bahay namin…gusto sana namin yung mga malalaki at assorted colors of christmas balls, hindi para isabit sa krismas tree kundi para isabit sa ceiling at ipormang chandelier. As usual, due to budget constraint, hindi natuloy ang pagbili namin.

Well, since undefeated ako sa title ko as Diskarte Queen (ahem!), gumawa na lang ako ng paraan para di na kami gumastos pa sa dagdag na dekorasyon namin. Madami na rin lang kami mga basag, gasgas at lumang compact discs eh, kesa naman itapon, eto ang ginawa ko sa mga yun.

CD ornaments. Kung gagawa ka ng mga original holiday decors gaya neto, eto ang mga kakailanganin mo:

  • Broken CD (yung mga luma at gasgas na o kaya yung mga freebies)
  • Sequins, beads, or colored stones
  • Glue (Elmer’s Glue ang ginamit ko)
  • Ribbons
Madami kaming mga nakatiwangwang na sequins,beads at ribbons…pamana sa akin ng late sister ko na mahilig sa cross-stitching at embroidery dati. Kaya naman hindi na ako gumastos pa sa pagbili.

Dalawang araw kong kinarir ang pag gawa nyan kaya ilang araw ko rin dedma ang blog ko. Hehehe! Nakaka-aliw at kami ng bagets kong si Keziah ang may gawa nyan (dalawa ang nagawa nya). Therapeutic ang dating sa akin sa pinaggagawa kong ‘to. Tsaka alam nyo naman ako, mahilig sa artee-artee, at mag-inarte.

Wish I have a better camera. Sensya na at webcam lang ang gamit ko sa pagkuha ng pictures sa ceiling. Hindi masyadong litaw ang ganda ng pagkasabit. Pero pag napapasyal dito sa haus yung 3 taon na anak ng niece ko, at pag napa-“WOW” ang bagets sa nakita nya na gaya netong mga ginawa ko…then alam kong MAGANDA nga ang ginawa ko. 😆 Orig pa!

10 thoughts on “Nag-inarte

  1. Ang ganda… napaka artistic, simple yung designs pero maganda.

    Sa panahon ngayon, practical and logical lang na hwag ng masyadong gumastos para sa decor.

    Ah’Kongs last blog post..Cool na cool Tukmol

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    uu nga eh. tsaka aliw din gawin. di ko nga namamalayan ang mga oras habang ginagawa. merry christmas ah’kong dear.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *