Morning Thoughts
Lumilipad na sapatos ang bumulaga sa akin ng buksan ko ang TV kanina. Aliw! Napanood o nabasa nyo ba yung pagbato ng sapatos ng isang galit na galit na journalist kay President Bush during the press conference sa Iraq? At bilib ako kay Bush ha, ang galing umilag! At nagawa pang magbiro sa nakakagulat na pangyayari. Sabi nga nya, “It was a size 10.” Hahaha! Kelan kaya yan mangyayari kay GMA? Wish ko lang. More of the story here.
- Hanggang wednesday na lang ang pasok ng mga bagets ko. At bago ang bakasyon nila ay mag i-exams muna sila kaya purnada na ang pang-xmas shopping sana namin kasi bayaran na naman ng tuition. Kaliwa’t kanan din ang hingi ng pang exchange gifts at pang Christmas party nila. Haysss… Nasan na ba mga tatay ng mga bagets ko? Huuuy! Tulungan nyo naman ako! Mga indot!
- My apology dun sa mga nawawalang comments. Hindi po ako nag delete ng mga comments last week. Nagkataon lang na nagpalit ako ng webhost ko at hindi ko naisama yung mga bagong comments sa backup na ginawa ko. Wish ko lang na sana naman ay i-refund ako ng dati kong webhost ng kahit kalahati lang. Hindi ko kasalanan kung bakit kelangan ko magbago ng host. Ayoko na magpaka-martir. For six months, wala akong napapalang after sales support sa kanila dun sa serbisyong binayaran ko ng BUO para sana sa isang buong taon.
- It’s ten days more to go at Pasko na. At tinatamad akong mag shopping. Nakakatamad pumunta sa mall ng walang pera. Lol. Kelan kaya magkakaroon din ng bonus o 13th month pay ang mga single moms?
Leave a Reply