Excited Na Ako!

Pagkagising ko pa lang makulimlim na ang panahon. Parang nakakatamad bumangon kaso kelangan na ang magkilos-kilos para magluto ng almusal at may pasok ang mga bagets ko.

May darating ba na bagyo? Ang kulimlim kasi ng panahon, parang mas lalo lang nakaka-depress. Pinilit kong pasiglahin ang bodylicious kong nananamlay  kanina kaya nag grass cut na muna ako sa labas ng bahay (alangan naman sa loob ng bahay. helllo! ). Naks! Grass cut daw. Ang totoo ay nagbunot ako ng mga damo at iningles ko lang para medyo shushal naman sa pandinig. Gusto ko sana sabihin na nag lawn-mowing ako para americanized ang arrive kaso parang exajs na at ang OA.

Heynako! Buset na buset ako tuwing napapanood ko sa news sa TV kung paano aligaga ang sambayanang pinoy sa mga kung anu-anong christmas activities at siempre kasama na dun ang pagsa-shopping ng mga pipol sa malls na hindi mo aakalain na naghihirap ang isang Juan de la Cruz. Aaminin ko, nabubuset ako kasi naiinggit ako. Hehe! Kunyari pa ako.

Ako na lang yata ang nasa petiks mood pa rin hanggang sa araw na ‘to. Kahit dito sa blogosphere, ang tahimik. Lahat yata ay naka-blog hiatus na. Huy! Wag nyo naman ako iwanan!

Gusto ko sana lumuwas papuntang General Santos City para makikain sa handa ng bertdey boy,  ang ating Pambansang Kamao na si Money Pakyaw. Balita ko malalaking pa-premyo ang mga parapol ni Money, baka kako maambunan. Kaso sabi ko nga eh makulimlim ang panahon kaya di na ako tumuloy. At siempre, echoos ko lang ‘to at wala lang ako ibang na maisulat kasi.

Isang bagay lang ang medyo nagpapa-excite sa akin pag naiisip ko ang darating na mga araw – definitely hindi yung darating na PASKO. (Sus, wish ko lang ay lumipas na agad ang December.) Excited na ako at dalawang linggo walang pasok ang mga junakis ko at ibig sabihin nun dalawang linggo din akong hindi obligado para gumising ng 5:15 tuwing umaga. Yahoo!

 

Related Posts with Thumbnails

6 comments

  1. gayNo Gravatar says:

    ah! excited diay ha.. meron kaya si aindreia matatangap na gep from her lola =D para ma excite ang mama.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @gay, murag makahatag jud ko ani kay ang inahan ni Aindee nag-atang. Pagka-nanay ra gayud. Hahaha!

    [Reply]

  2. jwNo Gravatar says:

    Madilim pa ba ang 5:15am na gising pag ns Iligan? silly question hehe, like ur blog, nakakaaliw basahin. keep it up

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @jw, Bossssssing! Asus, akala ko naman kung sino ‘tong si JW. Nakikibasa ka rin pala sa mga kalandian ko. Maraming salamat at sana marami kang matutunan sa KALANDIAN 101. LOL! Mwaaah!

    [Reply]

  3. dotepNo Gravatar says:

    kanya-kanyang gimik ngayung pasko…

    lawnmowing services, may kalabaw kame for rent… hehe

    doteps last blog post..exchange gift!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @dotep, kontakin kita pag kelangan ko ng kalabaw ha? hehehe

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge