Nakaraos Din

Hay salamat, nairaos din ang pasko. May lafang man o wala, may gips man o wala, pag pasko, isa lang talaga ang pinaka-importante sa lahat — ang magsama-sama ang magkapamilya at magkapuso. 

Ang makasama ko lang ang mga bagets ko…ang mapang-asar kong si Kevin at si sweetie pie Keziah noong myerkules, ayos na ako! Masaya ang pagtitipon-tipon ng angkan naming magaganda sa bahay ng ate ko. As in kakaiba ang halakhakan at tawanan namin sa sobrang pag i-enjoy.

xmas2008reyes

Maalala ko, last year medyo naiba rin ang araw ng pasko namin kasi na-sponsoran kaming mag-iina ng isang Christmas dinner ni Moo sa isang hotel sa Malate. Bah! Naging malaking bagay yun sa akin kasi kilala ko si Moo, sa kuripot ba naman nun ay nagawa nya kaming i-treat last year. Hehe!  Moo, if you are reading this, thank you very much at sana wag ka muna magka-jowa next year at baka sakaling maulit pa yung panlilibre sa susunod na pasko. I miss you so much, my friend. I miss our chikahan, kulitan at asaran lalo na noong hindi ka pa napo-promote sa trabaho. 😀 Noong corporate slave ka pa lang. Ngayon kasi, busy ka na sa pagiging slave driver. 

To my friend Roderick aka wow_kalabaw, huyyyy! hindi ko alam paano kita mapapasalamatan sa “unconditional” na pagmamahal mo sa akin bilang kaibigan. Ang tagal na rin natin na magkakaibigan and still, hanggang ngayon you never cease to impress me sa mga effort mo para maramdaman ko na hindi ako nag iisa, that I always have a friend in you. Wala kang kupas. Maraming salamat at sana wag ka rin muna magka-jowa. Lol!

Lastly, to Ronnie. Ilang years na rin ba ang friendship natin? Sana ay abutin pa ng mahabang panahon. Maraming salamat sa yo for being my sounding board. Salamat at matiyaga kang nakikinig sa pagiging emo ko paminsan-minsan. At sana magka jowa ka na para hindi na maging malamig ang pasko mo diyan sa Canada at may mag-alaga na sa yo.

Hays, iilan na lang talaga ang mga maituturing kong malalapit na kaibigan…at sana humaba pa ang pagkakaibigan namin. 

2 thoughts on “Nakaraos Din

  1. mami maru…merry xmas sayu at sa pamily mo…

    tama yan…kahit walang wala basta magkasama lang ang pamilya..sapat na yun para tawaging xmas!

    Malditos last blog post..A tale Before Xmas

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Maldito dear, sabi ko na nga ba na isa ka ring EMO na nagpapanggap na komedyante. hahaha! Happy New Year, langga!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *