Ang Kasabihan

Sa sobrang eksayment ko sa bagong taon na 2009…at sa dami ng gusto ko baguhin sa buhay ko, pati tuloy ang pagbo-blog ay halos maiwan ko na. Naks! charing lang. Ang totoo nyan ay panay tulog lang naman ako netong nakaraan na mga araw. Kumbaga, eh nagpataba lang naman ako ng pekpek sa katutulog!

Uyyy! Year of the Oks ngayon! Kaya kita nyo naman ang blog theme ko – may corned beef este COW sa header ko. Nai-eksayt ako kasi sabi ng mga chekwa, ang mga isinilang sa Year of the Horse ay magiging Oks na Oks ang taon sa Year of the Oks. Maswerte daw kami.

image002image017

Pinanganak akong kabayoako sa taon ng kabayo. Hmmmn… kaya siguro sabi ng ex-jowa ko ay magaling ako mangabayo.

* * * * * * * * * *

Isa lang ang New Year resolution ko ngayon: Ang TIGILAN na ang paggawa ng resolution!

* * * * * * * * * *

Kaloka talaga ang taste ni Manny Pacquiao pagdating sa pagpili ng name ng bagong baby girl nya. Queen Elizabeth! Ano sila? Dugong-bughaw? Nakakailang kasi bigkasin eh… “Queen Elizabeth Pacquiao”. Ngek! Malamang sa susunod nya na anak, “Prince William Pacquiao”. Shushal!

Naalala ko tuloy ang interview ng isang reporter kay Nanay Dionisia (ermat ni Manny). Hindi ko masyadong nakuha ang eksaktong tanong pero parang ganito:

Reporter: “Nanay, ano ang masasabi nyo sa pagdating ng bagong apo nyo?”
Nanay Dionisia: (tumatawa ng ala-sisa) “hahaha! Gusto ko na nga makita ang apo ko. Basta parang kapangalan sya ng higaan ko.”

Queen Elizabeth ang name ng bagong apo ni Nanay Dionisia at queen-size naman ang higaan nya. Magkapangalan nga!!

* * * * * * * * * * *

Sa usapang showbiz, alam ko na medyo panis na ang hiwalayang Vicki Belo at Hayden Kho. Nakngpuke! Pinaka-baduy na yata sa lahat ang ginawa ng boylet ni Belo na nag suicide attempt tapos may pasulat-sulat pa ng “I love Vicks” sa may tiyan nya gamit ang pentel pen. Bwahaha! Nuknukan talaga ng pagkajologs! Tumayo ang balahibo ko nung nabasa ko yun sa Philippine Star. Sana sa titi nya na lang isinulat yung “I love Vicks” para may DATING. Tutal wala naman naniniwala na labs nya yung doktora.

Hays…kitams! Kung si Belo nga na isang multi-millionaire, sikat at mukang may asim pa naman ay nagawa pang lokohin ng boylet nya, eh ano pa kaya kung ang babae ay isang ordinaryo at simpleng katulad ko lang na ang tanging meron ay GANDA lang?

Imagine, binigyan yung boylet ng Porsche, pinatira sa bonggang condo, mga first class na mga travel abroad, five-star hotels at kung anik anik pa tapos nagloko lang? Aruuuu! mga lalaki talaga, madalas kung mag isip ang gamit ay yung nakalawit sa pagitan ng hita nila imbes na utak.

* * * * * * * * * * *

At eto pa. Sagarin ko na ang pagiging tsismosa ko sa mga usapang showbiz. Si Jolina Magdangal at fiancee nyang lawyer na si Bebong Munoz — hiwalay na!Hehehe! O di ba, bagong taon…umaarangkada ako sa pagiging tsismosa.

Josko! Six years silang mag syota, at kung kelan malapit na silang ikasal sa year na ‘to ay tsaka maghihiwalay? Napaka sayang naman! Kaya naniniwala talaga ako sa kasabihan na “pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, pag umulan ay nagkakawatak-watak rin!”

Nways, isa lang talaga ang matutunan natin sa mga nangyayari, may kasabihan na – walang kasiguraduhan sa mundo kundi ang pagbabago lamang.

14 thoughts on “Ang Kasabihan

  1. iba nga naman ang nagagawa ng pahinga mamaru…hehehe…ang dami mong latest tsimis ah!

    ang sagwa nga nman nung combination ng name nung anak ni manny….hahahaha…queen elizabeth pacquiao.

    eh yung ky hayden kho..bka nman ang ibig sabihin nya dun sa ” I LOVE VICKS” eh vicks vapor rub yun…hehehe..adik!

    • @ikay, palagay ko nga VICKS vapor rub ang tiutukoy ng mokong. At eto pa ha, ang balita eh sandamakmak na liquid paper eraser ang ginamit para mabura yung nakasulat sa puson nya. Lols.

  2. tsaka nga pla mamaru ni add ko nga pla ikaw sa blogroll ko eh w/o your permission…hehehe.. eh pasensya na masyado lng akong na eksayt sa bago kong bahay eh…
    ikay0708.wordpress.com

    • @ikay, ateng! hanukaba, it’s my honor na mailagay sa blogroll mo. nakakahiya nga kasi hindi man lang ako makapaglibot sa mga blog nyo. Strict kasi mga parents ko. Sige i’ll add u rin ha? Kaso inaayos ko pa ang archive ng blogroll ko. maraming salamat.

  3. ahehe ang kulit ni pacman..prehong royalty ang bebi gels nia..ung isa princess ung b go naman queen..woder wats nxt.lol!

    ngaps buti kapa alam mung buenas ka neong yr of the ox..ang mga rabbit kea buenas din..*hoping*

    • @azul, aguyyy! year of the rabbit ka pala. ano nga ba ang mga katangian ng mga kuneho bukod sa…hmmmmn….ayoko na lang sabihin at baka isipin mong pinararatangan kitang malibog. wahaha! juk lang.

    • @marlcorp, waaaaaaaa! akala ko naman ako na ang pinaka-tsismosa. segunda lang pala ako sau. hehehe! 8 years nga ba? ang tindi nila at bakit kaya pinatagal ng ganun?

    • @parekoy, ibig mong sabihin magaling ka rin mangabayo? tsk tsk tsk…kung nagkataon na anak- mayaman ako…malamang naging equestrian ako at hinding-hindi makikilala si mikee cojuangco. bwahaha!

    • @a.r.d.y.e.y., haynaku! kami nga sa pamilya namin todo-tawa din dun sa interview kay nanay dionisia. happy moo year, RJ! sana OK ka lang jan sa Qatar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.