Si Bespren Thez

thez I received this message from a long lost bestfriend noong lunes. Medyo nawindang ng slight si Mamaru kasi nakakadalawang asawa na pala ang bruha! At nagka-anak pa ulit! Waaaa!

Pucha! 2-0 ang naging scoring namin! Naka-dalawang JOWA na sya samantalang ni hindi man lang ako maka-ISA. Life is so unfair, kung tutuusin di hamak na mas maganda ako sa kanya ng milya-milya! (at sana maligaw siya dito sa blog ko at mabasa nya ‘to. bwahaha!)

Labyu, Thez. Wala akong itinuring na pinaka-bespren ng buhay ko kundi ikaw lang.  Ang dami rin natin pinagsamahan sa buhay mula pa noong college. Umulan at umaraw, ikaw ang nakasama ko sa paghahanap ng trabaho hanggang sa  naging magka-opismeyt pa tayo NOON sa unang employment natin sa Makati. Naka-ilang lipat ba tayo ng boarding house noon?  Hmmmn… from Estrella – Makati to Mandaluyong then balik sa JP Rizal – Makati tapos lipat na naman sa Sta. Ana.

Naalala mo pa ba noong nag-shop lift tayo ng hikaw sa SM Makati? Bwahaha! We’re partners in crime indeed. At natatandaan mo pa ba yung weekend na nanood tayo ng sine sa lumang Greenbelt Cinema (ng libre dahil tiketera doon ang isang roommate natin), nagwewe tayo sa CR at hindi natin namalayan na MEN CR pala ang napasok natin?

Natatandaan ko pa rin hanggang ngayong kung paano ang style natin noon pag sumasakay ng bus mula EDSA-Boni hanggang Estrella. Pinipili natin ang bus na may dalawang pintuan (uso pa yun noon) at sinisipat muna natin kung saan naka-pwesto ang kundoktor. NapakaWAIS natin kasi bago marating ng konduktor ang kinaroroonan natin para mang-tiket ay nakababa na tayo sa Estrella. Siempre tantyado natin ang takbo ng bus. Tuwang-tuwa tayo pag nakaababa ng bus na hindi nakakapagbayad ng pamasahe. Hehe!

Di ba, ikaw din ang kasama ko noon sa unang pregnancy test ko? Natulala lang naman ako ng malaman ang resulta. Ikaw ang tumayong parang mister ko sa pag aalaga sa akin.

Ni minsan hindi ko maalala na nag-away tayo. Naging mas higit pa sa kapatid ang turingan natin noon dahil hanggang sa huling piso sa pitaka ay pinaghahatian talaga natin.

Naghihiraman tayo ng damit. Ikaw ang taga-ayos ng make-up ko lagi dahil wala akong know-how talaga pagdating sa pagtatapal ng make-up sa mukha. Yung pagiging mag-bespren natin ay umabot yun hanggang DUBAI. Magka-opismeyt pa rin tayo dun at flatmates. Naputol nga lang yung communication natin noong nauna kang umuwi ng Pinas at nagka-jowa. Ang aga mong nabiyuda sa unang jowa mo pero ngayon may bago ka na palang jowa! Tragis talaga! Napaka-aksayado mo sa etits. Wahaha!

Hamisyu bespren! Sana magkita tayo diyan sa Paranaque… next month.

Related Posts with Thumbnails

10 comments

  1. manilenyaNo Gravatar says:

    hehehe! sumasakit yung opera ko sa pagka aliw sa nakakaiyak na mensahe mo kay thess :)

    manilenyas last blog post..Eksena

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @manilenya, hoisssst! ano nangyari sa yo at inoperahan ka? :( ceasarian ba yan? hahaha! di nga? maraming salamat sa pagdalaw ulit.

    [Reply]

  2. azulNo Gravatar says:

    namiss ko bigla ung bespren ko dahil sa posting mo.hehe
    lat xmas ko cia huling nakasama.cmula kasi ng nagkaasawa cia di ko na cia nakasamang tumambay.tapos nakawork pa ko at lumipat sa quezon city kaya lalong nagkalayo kami.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @azul, buti nga at anjan lang sya sa QC…madali sa inyo ang magkita-kita ulit kayo. Unlike sa amin ni bespren Thez…ang layo namin.

    [Reply]

  3. katcarneoNo Gravatar says:

    Nakakatuwa naman kayo mag bestfriend. Naalala ko tuloy yung sabi sabi na ” A good friend will bail you out of jail, but a true friend will be sitting there with you, saying ‘Boy that was fun!’ ”

    Naalala ko tuloy yung bestfriend ko nun high school. Nagshoplift din kami ng tiglilimang-pisong singsing. Tapos sa school pinaguuntog namin ang mga singsing namin at sumigiaw ng “Magic Girls!” wahahaha (Para yung super twins na cartoon noon.)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @kat, gustong-gusto ko yung chika mong kasabihan. sa panahon ngayon, ang hirap makakita ng kaibigan na talagang di ka iiwanan.
    Hehehe! Nangiti naman ako sa inyong mga Magic Girls.

    [Reply]

  4. ikayNo Gravatar says:

    grabe pla ang pgkaloka loka mo noong young age mo pa mamaru…hehehe!! at tlgang hindi ka pa ng iisa ha!

    huwell gnun daw tlga mamaru kapag medyo kagandahan eh tlgang minsan eh nagiging looser pagdating sa lablyp…hehehe.^_^

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @ikay, siguro nga isang sumpa sa akin ang kagandahan ko. bwahaha! hindi na yata ako suswertehin sa lablayp. tiis-ganda na lang si mamaru.

    [Reply]

  5. fooNo Gravatar says:

    life is unfair? ok lang yan, marami pa namang… you know… lalake jan. ^_^ nyahaha!

    foos last blog post..Unexpected Love: Chapter 4

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @foo, i agree! at mas lalong marami pang babae jan. kaya malamang mambabae na lang ako.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge