Eto at sumilip na naman ako sa pinaka-peborit na bahagi ng blog dashboard ko: Search Engine Terms. The terms people used to find my blog.
Tuwang-tuwa talaga ako pag nababasa ko yung mga terms at siempre iniisip ko rin kung may napala ba sila sa pagkapadpad nila dito sa blog ko. O may nahanap naman kaya silang kasagutan sa paghahanap nila?
Screenshot of yesterday’s search engine terms:
1. maruism/maruism.com – Natutuwa naman ako at medyo marami na rin ang nakaka-memorize ng domain name ko. Kita nyo naman, 8 views na silang lahat. Hehe! Dati kasi 2 lang ang nakaka-alala. Magsubscribe na lang kasi kayo ng RSS ko. Hmp!
2. nagawa ni napoleon bonaparte sa france – Haynaku! Marami pong nagawa si Nap (close kami) sa France. Dahil sa pagiging astig nya, pinakamabuluhan na yata sa lahat ang pag preserve o mummify ng etits nya nung natigok sya. Basahin ang tungkol sa mga Mga Sikat Na Etits.
3. suggestions for stag party games – Hindi ko alam kung may naisulat ako tungkol sa stag party games. Siguro dati may nai-post akong paid opportunity ng tungkol dito pero hindi ko na matandaan kung ano yun.
Enways, nabanggit na rin lang ang stag party, may tanong ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kelangan may pokpok o hired na girlalu na present dun sa party ng mga lalaki at kung bakit kelangan ma-chukchak muna ng groom-to-be yung girl-4-rent bago tuluyang magpakasal.
Eh di ba kaya nga magpapakasal na si groom ay dahil nga nakita o natagpuan na nya si The One? So bakit titingin o gagalaw pa ng iba prior to the wedding?
Ewan ko ha, pero parang isang “pangangaliwa” ang dating nun sa akin. O baka naman nagpapaka-manang lang ako. Guys, ano nga ba ang rason nyo dito?
4. alamat ng titi – Bakit kaya ang Google pag may nagta-type sa search engine nila ng TITI ay dito hinahatid sa blog ko? Mukha bang mahilig sa titi si Mamaru? Bwahaha! Inaamin ko, bukod sa blog post na Mga sikat Na Etits, may nai-post din akong Ang Alamat Ng Sinumpang “BIRD”. Pero “bird” naman ang binanggit ko a. Hays…wateber!
5. mga pangarap ko sa buhay – Sigurado ko yung searchee ay napunta at namangha sa mga simpleng pangarap ni Mamaru.
6. bob ong – Walang kupas ‘tong si Idol. Hanggang ngayon mabenta pa rin yung nai-post ko tungkol sa masaya at matiwasay na pagpapatiwakal, ang 10 Suicide Tips na kinuha ko sa book ni Bob Ong.
7. kaibahan ng lalaki at babae – Aysus! Maraming pagkakaiba ng lalaki at babae. Dagdagan ko na lang sa pamamagitan ng drawing:
Ang Lalaki:
Ang Babae:
8. +maruism – pucha! bakit may krus? magse-search lang ng maruism, may krus pa. Para naman napaka-banal ko.
Tsaka di ba pag may sign of cross ang name ay ibig sabihin nun ay tigok na? Okinam!
9. asawa ko tikman mo – Hindi ako maka-relate. Ang masasabi ko lang ay. . . mister mo tikman ko. Pwede?
10. larawan ng tumbong – Ewwww! Iniisip ko baka yung pic ni Moo hinahanap dito. Wahaha! Well, para sa kasagutan, may iilan akong sampol na maibibigay para sa larawan ng tumbong. Eto, eto, at eto pa. Wala naman silang pinagkaiba di ba? Ano ba english ng tumbong?
11. kaseksihan – Hmmmnnn….kaseksihan?
That’s synonym to Maruism. Wag kang kokontra! Dito ka sumilip.
12. article tugkol sa moral values – Kung naghahanap ka ng mga blog entries written in tagalog na punong-puno ng moral values, dito mo lang yan makikita sa blog ko. Nanggigitata sa leksyon ang makukuha mo lalo na DITO. Amen?
Quote of the Day:
”Give a man a fire and he’s warm for a day, but set fire to him and he’s warm for the rest of his life.”
–Terry Pratchett








salamat at napatawa mo ako ngayong araw na to sa post mo. hahaha aliw ako lagi sa mga search engine terms mo eh.
dabest ang ‘alamat ng titi’ at ‘asawa ko tikman mo’.
Reply
MARU
reply on January 12th, 2009 6:55 am:
@a.r.d.y.e.y., mabigat sa loob ko na tuwing may naghahanap ng titi ay blog ko ang itinuturo ng Google.
Reply
ang pagkakaalam ko sa stag party (kunwari may alam) *himas chin* kea may pokpok kasi tinetest ng mga frnds at kamag anak ng both parties kung gano kafaithful c husband to be..ewan kung tama ako o ginamit na palusot lang sa kin un ng ex ko…hmmmmm
Reply
MARU
reply on January 12th, 2009 7:00 am:
@azul, nakow! palusot lang yun. baka hindi faithfulness ang tine-test dun …baka dinidiskubre kung marunong ba talaga si lalaki pagdating sa sex. hehehe!
Reply
happy New Year Ms.. Maru.. mwuaaahhhh…
Melais last blog post..2009 Resolution…..
Reply
MARU
reply on January 12th, 2009 7:01 am:
@Melaisky, happy new year! sana maging malakas ang benta mo sa call center sa taong ‘to. weeeee!
Reply
naintriga naman ako kung anong masasabi mo sa “bugok na itlog”.
minsan nakakatawa talaga yang mga nagssearch, napaka literal. inaasa lahat kay google, pati pagpapatikim ng asawa.
Leyn ?s last blog post..Belo vs Ellen
Reply
MARU
reply on January 12th, 2009 7:07 am:
@Leyn, mas naintriga ako dun sa “asawa ko, tikman mo”. at kung bakit blog ko ang itinuro ng Google. Mukha ba akong naghahanap ng asawa? Bwahaha!
Reply
ahaha! kung anu-ano talagang pumapasok sa kukote ng mga Pinoy. nadadamay pa ang *inosenteng* blog mo, ate. XP
hmm.. naisip ko rin yung sa stag parties. siguro sa mga kalalakihan, nakakatawa yung ganon na may mang-aakit, pero di ba example na yun ng infidelity na maakit sa iba, nights before the wedding? kasi syempre nasa loob pa rin naman ng isang relationship yung lalaki.
mayuis last blog post..I will. I promise.
Reply
MARU
reply on January 12th, 2009 7:04 am:
@mayui, hehehe! korek ka! napaka-hulsam ng blog ko para ituro ng Google kung may naghahanap ng kamanyakan. whahaha!
re: stag party. that’s what i’m pointing out. ikakasal na nga yung guy eh gagalaw pa ng iba.
Reply
ang salbahe nman ni google kc bkit kapag T…T ang hinahanap eh d2 sa hauz mo tinuturo…hehehe.
Reply
MARU
reply on January 12th, 2009 7:08 am:
@ikay, baka alam ng Google na peborit ko yun. Waaaa!
Reply
para saken ang pagtsuktsak(sa stag party) ng isang lalaking ikakasal na eh huling tikim n nya ng ibang putahe or ngpapraktis lng xa hehe
Reply
MARU
reply on January 12th, 2009 7:10 am:
@buryry, hmmmn… ganun ba yun? ang mga babae kaya pwede rin tumikim ng ibang putahe bago magpakasal? hehehe! heynaku.
Reply
cool naman ng blog mo my Search Engine Terms…. wordpress ba gamit mo?
Reply
MARU
reply on January 20th, 2009 6:40 am:
@markey, hello! yeah…wordpresss ang gamit ko.
Reply
talaga ano install mo para my search engine term?
markeys last blog post..Quotable quotes
Reply
MARU
reply on January 20th, 2009 4:00 pm:
@markey dear, if ur using wordpress din sa blog mo….nasa dashboard mo na sya. di na kelangan ng plugin o kung ano pang anik-anik. explore mo lang yung dashboard mo.
Reply
Hahah—funny! Binigyan mo ako ng ideya. Nagkakainteres din ako sa mga search engine termsna nakikita ko sa blog ko.
Reply