Ang Sulat

…forwarded galing Gmail ko… may kalumaan na.

___________________________________

Anak,

Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal  ka ring magbasa. Nandito na kami sa Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay ng kapatid mo. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil  dinala ng dating nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses  lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong  pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko  na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi “FOR DRY HAIR” kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart  at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay “YALE”, eh aba  namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo  din ako sa nag benta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang  tagalog ng “YALE”, wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na  magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa  “Federal Express” medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang  ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako  ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto  ko na maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko  pa.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon  siyang 500 na tao sa ilalim niya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa  memorial park, okey naman ang kita above minimum ang  sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam  kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle  or auntie.

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng  madalas.

Love,

Papa

P.S.

Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang  ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha?..

 

Quote of the Day:
“If at first you don’t succeed, skydiving is not for you.”  –Francis Roberts

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge