Pinagdiskitan sampolan ng dalawa kong bagets ang skipping rope na pang cardio exercise ko na nabili noong bagong taon. Aba! medyo nagulat ako, hindi marunong gumamit ang mga bagets ko ng skipping rope. I mean, hirap sila maka tiempo ng talon sa pag ikot ng lubid. Eh kasi magyayabang na ako ha … champion ang lola nyo sa luksong-lubid nung kabataan pa. Hehehe!
Name it, jackstone, chinese garter, at luksong lubid – pinag aagawan ako ng mga kalaro ko noon pag may hatian na ng grupo para maglaban-laban. Peborit ko talaga ang luksong-lubid. Kasehodang makitaan ng panty tuwing tumatalon….keber at arya pa rin! Pucha! Magaling din ako sa taguan noon. Sa liit ko ba naman ‘to talagang madali akong makapatago.
Enways, kinagabihan noon, napag isip ako dun sa na-realize ko. Bakit para yatang mas masaya ang buhay ng mga bata noong naunang panahon kesa ngayon? Mas maliliksi at mas bibo.
I mean, yung natural na tawanan o halakhakan o hagikhikan ng mga bata, bihira mo ng marinig sa mga kalye-kalye. Kung may mga couch potato kids noon, mga anak- mayaman lang mga yun.
Naikumpara ko mga bagets ko noong kabataan ko. May panahon noon na sinusundo pa ako ng tatay ko para pauwiin dahil kahit gabi ay nasa kalye pa rin ako nakikipaglaro.
Ngayon, kung ayaw mo ma-side sweep ng sasakyan, kung ayaw mo na mapagtripan ng mga tambay ang anak mo… kelangan pagkatapos ng eskwela ay deretso na ng uwi. Delikado na ang mga kalye nating ngayon. Kaya hindi mo masisisi na sa video games, xbox, psp na lang nakikipag laro ang mga bagets ngayon.
Kahit si Keziah ko pag uwi galing sa school, pag nakasingit sa computer ko… sa Friendster at Facebook nya agad nakasilip. Sa yahoo messenger, friendster bulletin o sa texting na sila nakikipag interact sa mga kaibigan. Unlike before na talagang harapan ang pakikipag balitaktakan sa isa’t isa. Mas nakikilala mo ang ugali ng isang tao personally and not virtually. Kaya nga siguro mas malalim ang kahulugan ng pagkakaibigan noon kesa ngayon. Tama ba ako?
Makabago na nga siguro ang panahon ngayon…daming pagbabago…instant o automatic na kung gawin ang mga bagay-bagay at trabaho kaya andaming tamad. Dumadami ang mga matataba dahil sa hindi na marunong magkikilos. Kaya ang swerte ko pala dahil ipinanganak ako NOON. Noong panahon na di hamak na may QUALITY ang buhay o pamumuhay kesa ngayon.
Quote of the Day:
”Sharing money is what gives it its value.”
–Elvis Presley, singer









totally agree. hehe.
masarap maglaro ng piko.ng tumbang-preso. ng patintero. ang pinaka-ayoko nga lang luksong baka at luksong tinik. bobo ako dun. hehe.
antukens last blog post..bed-weather day again!
Reply
MARU
reply on January 13th, 2009 8:12 am:
@antuken, nakaka-miss ang piko! pagka-pikon na lang ang nararanasan ko ngayon imbes piko. hehehe! korni ko.
Reply
oo nga ano…dati rin akong batang kalye,at mas masaya ang mga larong kalye noon…hehehe,
tsaka i remember din tlagang ngpupuntahan pa kmi sa kanya kanyang hauz ng mga friends ko pra lng makapagkwentuhan..
Reply
MARU
reply on January 13th, 2009 8:15 am:
@ikay, hindi lang ang pagdadayo ng bahay ng kaibigan ang ginagawa ko para makipaglaro at makipag kwentuhan… hinihintay ko rin na abutan ako ng pananghalian dun para makalibre ng pagkain. lol.
Reply
di ka nagiisa mamaru. ganyan din ang sentimyento ko. hindi nila naranasan yung mga kasiyahan noong panahon natin.
magaling ako noon sa taguan. madalas kasi ang brownout noon. kaya nagtatanggal lang ako ng damit at pupuwesto sa madilim eh hindi na ko makikita.
Reply
MARU
reply on January 13th, 2009 8:16 am:
@a.r.d.y.e.y., nyahaha! ganun ka ba talaga ka-nognog?
di baleng charcoal ka….charming naman.
Reply
peborit ko nun baril-barilan ala counterstrike pero gamit improvised guns hehe. keep on posting Mamaru, nakakatuwa eh
Reply
MARU
reply on January 13th, 2009 8:19 am:
@jerson, naalala ko tuloy kung paano ang magpatay-patayan pag tinatamaan sa baril-barilan. siempre hindi pwede gumalaw pag kunyari patay na. akting na akting pag kunyari tinamaan di ba? hehe!
Reply
siguro may edad me ng konti sau pero tama ka iba sa panahon natin lahat manumano ang laro talagang laro hindi sa harap ng monitor at tinitipa ang keyboard, kaya bihira ang lampa noong araw hindi gaya ngayon hindi tuloy nila alam ang tunay na buhay
Reply
MARU
reply on January 13th, 2009 8:21 am:
@mondepogi, agree ako na ang daming malalamya ngayon kaya hindi nakakapagtaka kung dumarami ang population ng mga bading. parang nanganganak sila eh wala naman silang matris.
Reply