- BAHA
Mula pa nung sabado ang pag uulan dito sa Mindanao. Kaya hanggang ngayon di pa rin ako nagbubukas ng mga bintana namin kasi ang lamig-lamig talaga. Paksyet! Buong araw naninigas ang utong ko. Lol.
Kawawa yung mga apektado ng baha lalo na dun sa Cagayan de Oro. Di naman bahain ang mga lugar dito sa Mindanao at kung hindi pa dahil sa baha na nangyari ay hindi pa siguro mabibisto na sobra-sobra na pala ang pagkalbo sa kabundukan. Nagkabistuhan tuloy! Mga ayuf! Sana nga unang tinangay na lang ng baha ay yung mga salarin!
- LAB KO ‘TO
Biglang naging peborit ng karamihan ang latest “First Love” TV commercial ng McDo. With matching song of E-Head’s na Huling El Bimbo kaya patok na patok talaga. Kahit kaming mag-iina nung lumabas ang tv ad na yun ay talagang tats na tats sa takbo ng storya. Galing ng concept!
Nangingiti ako dun sa porma ng batang lalaki hanggang sa paglaki nya. Yung girl naman eh mukang kerengkeng na talaga mula pagkabata kaya no wonder naunang nagka-jowa Lol!
Naka-relate ako dun sa pagsawsaw ng french fries sa sundae kasi gawain ko rin yun. Nakakadismaya lang ang Mcdo dito sa Iligan, they don’t serve strawberry sundae here.
* * * * * * * * * *
Quote of the Day:
“We need not all agree, but if we disagree, let us not be disagreeable in our disagreements. ”
–Martin R. DeHaan





grabe nga ang pagbabago ng klima mama maru,maski daw sa maynila eh laging umuulan..dito naman sa davao eh paambon-ambon lang pero kailangan lagi ka anka-jacket,grabe kasi ang lamig ng hangin..
type ko din yan commercial na yan…cutie nung guy nung bata pa,funny yung itsura habang nagpapahila sya sa babae eh hahaha…simple lang pero touching…
pero pinaka gusto ko yung sa dalawang matanda
lola: mahal mo pa ba ko?(nakaharap kay lolo sa higaan)
lolo: syempre naman!
lola: wow loyal! pa jerjer ka naman! jer jer! jer jer!
nyahahaha!!!
[Reply]
MARU
Reply:
January 15th, 2009 at 7:01 am
@Pryss, nami-miss ko na si haring-araw. Ilang araw na rin na makulimlim ang panahon kaya ilang araw na rin akong di makaligo. joke!
tawa ako ng tawa sa joke mo. sa dinami-daming magagandang ads ng mcdo eh yan talaga ang tumatak sa isip mo ha? dahil ba sa may jerjer? lol.
[Reply]
gang neon ba may bagyo pa din sa mindanao?di na xe ko nakakapanood ng news mula ng nagpalit ako ng shift kea di na ko updated.tsk madami na namang ariarian ang nawasak at madaming pinoy na naman ang maghihirap nian.wawa aman…
inpernes kinilig ako nung una q nanood ung sa mcdo.haha kala ko sila n ngka2luyan.buti na lang ndi kasi mas mukhang yummy ung napangasawa ng gel.
huling hirit:
uhmmm naaliw ako dun sa chatbox mu..hehe..baka kc nakita nia ung sungay kea akala nia kalabawa.jeje..
piz yow (o.0).\/,,
[Reply]
MARU
Reply:
January 15th, 2009 at 7:04 am
@azul, wala naman bagyo. “cold front” ang tawag nila sa panahon na ganito. pers taym ‘tong halos isang linggong continous ang pag uulan. tungkol naman sa theme ko…obyus naman na baka yun nasa drawing. hehehe!
[Reply]
hello ms. maru, i’m a huge fan of your blog.. you are truly one of a kind! dito naman sa manila, they don’t serve ung caramel naman.. hehe..
more power to you and your blog!
[Reply]
MARU
Reply:
January 15th, 2009 at 7:06 am
@blutin24, yey! nadagdagan ng isa ang tatlong taga subaybay ng blog ko. hehe! maraming salamat. regarding dun sa caramel sundae…haynako, wag mo na lang pangarapin yun…sobrang tamis at ewan ko ha…pero di ko type ang caramel. yung strawberry sundae ang nami-miss ko. waaaaa!
[Reply]
oo nga eh napanood ko rin d2 sa TFC yang wlang tigil na ulan jan sa mindanao..kawawa nga yung mga bata kc halos lahat na may sakit.
na tats nman ako sa komersyal na yan….mdyo naawa ako dun sa guy kc mukang luv nya pa yung girl…oo nga mamaru mukang kerengkeng nga yung girl..hehehe
[Reply]
MARU
Reply:
January 15th, 2009 at 7:07 am
@ikay, korek! mukang kerengkeng yung girl at mukang engot naman yung guy. wahaha! joke lang.
[Reply]
natuwa rin ako sa commercial na yan, eheads pa yung background song! sayang nga lang at hindi nagkatuluyan yung dalawa. ang cute pa naman ng childhood sweethearts.
at! trulalu ang quote na yun ah. ahaha..
mayuis last blog post..I will. I promise.
[Reply]
MARU
Reply:
January 15th, 2009 at 7:08 am
@mayui, patunay lang din na walang kupas pa rin ang eheads!
[Reply]
ey. pareho tayo. i used to dip my fries sa sundae rin. kaya lang matagal ko nang di nagagawa yun. matagal na ko di umo-order ng sundae e. nawala ang sweet tooth ko e. di ako mahilig sa matatamis na pagkain. hehe.
[Reply]
MARU
Reply:
January 15th, 2009 at 7:11 am
@antuken, hmmmmn….parang alam ko na ang kinahihiligan mong KAININ ngayon.
“i used to dip my fries..” — saan mo na dini-dip yung “fries” mo ngayon? wahaha! kulot na kulot ang pa iisip ko ngayon.
[Reply]
Kaya fan na ako ng blog mo, pati kiliti ng karamihan nakukuha mong i-entry sa blog mo. Napakain kami sa Mc Donald’s kahapon ng long lost friend ko dahil sa commercial na yan
[Reply]
MARU
Reply:
January 20th, 2009 at 6:35 am
@jay, girl ba yung long lost friend mo? nagholding hands din ba kau? lol.
[Reply]
syempre girl hehe, … she was 16 and im 19 nun ha
tagal na yung sinariwa namin, lagpas isang dekada na, lammo mo dahil sa fr….ster social network eh nagkita kami
sya enaf na kwento na ito. holding hands at akbay pa hehe
[Reply]
MARU
Reply:
January 23rd, 2009 at 9:00 am
@jerson, hmmmn….holding hands at akpay pa….hmmmnn…ano nga ulit email address ng current syota mo? kelangan makarating ‘to sa kinauukulan. ensigueda!
[Reply]
Ma’am! taga malabon ako. kaya way of life ang baha sa amin. basta may mag tapon lang ng isang basong tubig sa kalsada, asahan mo! may goldfish na lalangoy. hehehe
Denniss last blog post..Where Have All The Money Gone?
[Reply]
MARU
Reply:
January 28th, 2009 at 6:16 pm
@Dennis, hahaha! natawa naman ako dito sa comment mo! kelan kaya malulutas ang problema sa baha jan sa malabon noh? parang lumalala a.
[Reply]
Ay naku! Wala ng pag-asa! Wow! napatawa ko si maru!!! My life’s complete.
Denniss last blog post..Where Have All The Money Gone?
[Reply]