Lab Ko Ang Pula

Kung may nagustuhan akong regalo na natanggap noong pasko, yun ay ang shoulder BAG na itetch. Hindi man sya branded at di man sya mamahalin — wa ko keyr! Ang importante ay kyut sya, magaan at higit sa lahat ay PULA ang kulay nya!

Kever ko ba kung mumurahin lang eh wala naman sa presyo ng isang bagay ang kaligayahan ng tao di ba? (Plastikan na!)

bag1img_3174

Bigay ‘to ni Millette (ate ko), sa tulong at pagpupursige ng niece kong si Tweetums na ‘to ang ibalot para sa akin. Tweet knows that I’m a sucker of color RED. At di naman sila nagkamali dahil I love my red bag soooo much!

Wanna take a peek of what’s inside my red bag TODAY?

bag2

  1. MY NEW RED BAG ( engot ko, hindi ko na dapat isinama ‘to sa pic.)
  2. PRESSED POWDER (na hindi naman ginagamit. yung compact mirror lang ang pakinabang)
  3. WALLET (bigay ng co-blogger, Kiko)
  4. SUNGLASSES (na gasgas)
  5. HAIR CLAMP (pang ipit sa bulbol sa ulo)
  6. CELLPHONE (na walang load)
  7. TIC TAC MINT (incase na may halikan na magaganap…mabuti na ang handa)
  8. NOTEBOOK WITH SIGN PEN (notebook: listahan ng utang; sign pen: para sa mga magpapa-otograp na pans.)
  9. IPOD (na walang headphone)
  10. BURT’s BEES LIP BALM/LIP SHIMMER ( peborit na pampakintab ng nguso)
  11. HAIR CLIP/PIN (pag feel ko magpa-girly)

Tsaka, isa sa mga nagustuhan kong bigay rin sa akin last year ay ‘tong wallet. Para syang wallet na maswerte para sa akin. 

wallet

Labs ko sya dahil kasyang-kasya sa loob ang lahat ng mga datung ko na lagi naman puro BARYA lang. Pasalubong ‘to ni Kiko Matsing of Ireland nung umuwi silang mag-pamilya last February 2008.

Kung bubulatlatin nyo ang loob… hanggang ngayon ay nakatupi at naka-ipit pa rin dun ang halos naninilaw ng note ni Kiko nung ipinadala sa akin via Air21. Nasan na kaya ang poging mama na ‘to?  Miss na kita, Kiko Matsing! Kelan ulit kayo uuwi? Lol.

* * * * * * *

 

Quote of the Day:

“Recommend to your children virtue; that alone can make them happy, not gold.”

–Ludwig van Beethoven

Related Posts with Thumbnails

6 comments

  1. fooNo Gravatar says:

    susmeyo. ibang red ang pumapasok sa isip ko.

    *tulo laway*

    foos last blog post..Chapter 1: Love Maze

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @foo, masyadong naman “green” ang utak mo.

    [Reply]

  2. MelaiNo Gravatar says:

    hay naku gurl.. ako naman subrang inlababu sa color green, mula bedsheet, punda ng unan, curtain ng rum q green.. at take note lahat ng bagay sa rum q may touch of green pati pambahy na tsinelas, green.. peborit q ang green kasi green minded aq, wahehehe…

    Melais last blog post..2009 Resolution…..

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Melai, mas OC ka pala kesa akin. kunsabagay malamig talaga sa mata ang green.

    [Reply]

  3. antukenNo Gravatar says:

    mamu, lab ko rin yang red bag ko. i got a red bag last christmas too. gayahin ko kaya ang post mo? hahaha. ang unti ng laman ng bag mo. unlike my bag. naco, andaming laman. hahaha.

    miss ko na rin si kiko.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @antuken, naniniwala ako sau tungkol sa dami ng laman ng bag mo. natatawa nga ako sau dahil may bitbit ka pang 2-piece swimsuit sa bag mo. remember? parang aparador ang bitbit mo a!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge