May dalawa akong puno ng mangga dito sa lupain ko. (Lupain daw o!) Isa sa harap ng bahay at yung isa naman ay nasa likod at tapat ng kwarto ko. Kaso may problema noong una kasi parang mga baog ang mga puno.
Opss! Naalala ko, namunga na pala noon minsan ng mga sandosena lang pero hindi na nasundan.
![]()
Hanggang sa may kumausap sa akin na mga lalaki na mga ka-barangay ko at yung lider nila ay itago na lang natin sa pangalan na Manong.
Type daw nila magsaboy ng sperm cells este mag-spray ng chemicals para pampabunga ng mga puno ko. Pinaka-type nila yung puno na nasa likod ng haybol ko.
Deal namin, sila ang mag i-spray hanggang sa mamulaklak at pag lumabas na ang mga bunga…sila na rin ang bahala sa pagbabalot ng newspaper sa bawat bunga.
![]()
Imperness, marami din akong natutunan sa kanila sa cycle ng pagpapabunga ng mangga mula ng inalagaan nila ang puno ko. Hindi rin pala madali.
Kala ko nung namulaklak na sya, ay yun na yun at hahayaan lang. Susme, yuyugyugin pa pala muna yung buong puno para malaglag yung mga walang wenta na bulaklak hanggang sa matira yung mga matitino.
![]()
Akala ko noon kaya sila tinatakpan o binabalot ay para SURPRISE pag hina-harvest na sila! Akala ko ay para hindi makita ng mga tao kung gaano na sya kalaki at para hindi pag interesan nakawin. Hehe!
Mali ako, kaya pala kelangan balutin ng papel yung bunga ay para maprotektahan sila kontra insekto.
2:1 ang usapan namin na hatian ng mga bunga. 2 sa kanila, 1 sa akin. Bah! Hindi na masama. ‘Kako kahit sandosena nga lang ang ibigay ay OK na sa akin.
Katwiran ko, kesa naman tumanda at maging inutil lang yung mga puno ko… mas mabuti na yung napapakinabangan. Wala din naman akong gagastusin para sa pag-aalaga ng mango orchard ko. (Mango orchard daw o!)
October nang inumpisahan nina Manong ang pag-spray. Last week lang dahil sa sama ng panahon, may mga nalalaglag na mga hinog na bunga at tinikman ko. Aba! Aba! Matamis! Wagi!
Dahil sa more than one week na pag uulan… noong sabado nag decide si Manong na i-harvest na ang mga mangga at baka daw masira lang ang mga bunga.
Hindi ko akalain na makaka-SAMPUNG kaing kami.
Kung bibilangin namin isa-isa para sa hatian na 2:1, sa sobrang dami . . .ay baka abutin kami ng Valentines Day bago matapos kaya minabuti namin na timbangin na lang lahat. ![]()
At ang SHARE ko? Dyaraannnn! TATLONG KAING lang naman!
Siempre tuwang-tuwa si Mamaru kahit napagod. Pero sa totoo lang ay namomobrelema ako kung aanhin ko ang ganitong kadaming MANGGA!
Namigay na ako sa lahat ng kapitbahay namin. Nagbigay na rin ako sa kapatid ko at mga pamangkin. Pinabenta ko na nga yung iba sa ate ko para mabawasan. Pero madami pa rin ang natira dito sa bahay. Hindi ko alam kung paano namin kakainin ng mga bagets ko pag nagkasabay-sabay na mahinog ang mga ‘to.
Panay na ang surf ko ng mga recipes na may kinalaman sa mangga. Kaya sana hindi magtaka ang mga bagets ko pag pati sinaing namin ay mango-flavored na rin sa susunod na mga araw.
Well, para sa bwena-mano na pakinabang sa mga biyayang bunga, gumawa agad ako ng BANANA MANGO SMOOTHIE kahit nilalamig kami noong sabado.
Abangan ang mga susunod kong gimik sa pag-ubos ng mga mangga ko.
* * * * * * * * *
Quote of the Day:
“Recommend to your children virtue; that alone can make them happy, not gold. ”
–Ludwig van Beethoven





Question lang po… gumawa kayo ng Banana Smoothie gamit ang mangga?! Hehe.. penge naman ng recipie nun
[Reply]
MARU
Reply:
January 20th, 2009 at 8:38 am
@Mavie, nyay! na-WOW MALI ako! lol! sensya na at magandang tao lang po ako at nagkakamali din. MANGO SMOOTHIE pala dapat. Hays…
Salamat nga pala sa paghingi ng RECIPIE. hahaha! peace!
[Reply]
Hahahaha!!!! pasensya din po at kagandahan lang din na nagkakamali =) recipe po pala….
fair talaga si god, kasi ang mga uber ganda, hindi masyado magaling sa spelling
Hahaha!!
(pero seriously, pa-display po ng recipe sa smoothie…mukhang masarap eh.. baka may ice cream yan or milk na kasama? )
[Reply]
MARU
Reply:
January 20th, 2009 at 3:50 pm
@Mavie, naku ateng, di na kelangan ang recipe nyan. sugar, milk (powdered, condensed o evap…any will do) at crushed ice eh talo-talo na. pagsama-samahin mo lang silang lahat sa blender. at siempre nevah forget ang manggang hinog.
[Reply]
uhhhhmmmm namnamin ang asim ng manggang hilaw…ang sarap nyan isawsaw sa bagoong mamaru… tumutulo tuloy laway ko…imagine pa lng asim na!:):)
gawa ka din ng graham mango…
[Reply]
MARU
Reply:
January 20th, 2009 at 3:51 pm
@marisa, korekkkk! kaso umiiwas ako sa maaalat kaya pinahihinog ko talaga muna. tsaka parang iba talaga ang lasa ng mangga pag galing sa puno mo. mas malinamnam.
[Reply]
wow daming mango nman nyan mamaru…ang sarap nga nyan sa bagoong…nangangasim tuloy ako.
[Reply]
MARU
Reply:
January 20th, 2009 at 3:52 pm
@ikay, hay naku ateng…as in dami talaga. mango festival nga ang drama namin dito ngayon sa bahay.
[Reply]
naku naman ms maru, pinaasim mo ang gabi q.. ang sarap nmn nyan.. nangasim aq ng todo. waaahh.. kung malapit lang aq sa u nilusob na kita… wahehehheh..
Melais last blog post..2009 Resolution…..
[Reply]
MARU
Reply:
January 23rd, 2009 at 9:05 am
@Melai, di ka naman jontis sa lagay na yan ha?
[Reply]
aun tagal kong di nakadalaw..
at wow ang daming manga sarap aman nian.nku matagal ko ng pinapangarap na magkaron ng puno ng manga sa sementado kong bakuran.hahay…fav ko kasi ang manga..
[Reply]
MARU
Reply:
January 23rd, 2009 at 9:01 am
@azul, ano kaya kung magtanim ka na lang ng mangga sa paso?
[Reply]
ganda nung green mango model ah
[Reply]
MARU
Reply:
January 23rd, 2009 at 8:58 am
@jerson, ur so landi! tsinelasin kaya kita dyan?
[Reply]
[...] noong nag harvest kami ng mangga … araw-araw na lang yata ako naghahabol sa paghinog ng mga mangga ko. Hindi ko na halos alam kung [...]