Quick n Easy Chicken Curry

Minsan sa buhay ng mga nanay lalo na sa mga single mom na gaya ko ay malaking ginhawa talaga ang lutuin ang isang masarap na ulam sa pinakamadaling paraan na hindi naman nakokompromiso ang quality.

Kunsabagay, sa panahon ngayon hindi na ‘to bago. Naglipana na ang mga INSTANT  kaya nakakatuwa din kasi nga nakakatipid ng oras.

Namataan ko ‘to kahapon habang nag go-grocery ako. Quick n Easy Curry Mix.

Mapili sa ulam ang bagets kong lalaki. Isa sa gusto nya ay ang chicken curry kaya di ko pinalagpas ang pagbili neto.

Sa mga brand ng mga produkto, loyal na ako sa Del Monte. Ilang taon na rin akong member ng DM Kitchenomics Club. Plugging na kung plugging pero subok ko na talaga ang DM na maaasahan kung kalidad ng produkto ang pag uusapan.

Madami na sila naitulong sa akin. Sa kanila ko nakuha ang ideya noon kung paano gumawa ng pineapple flavored na polvoron.

Uy! sa mga nanay diyan, try nyo ‘to ‘neng! Dali lang gawin ‘tas ang sarap pa. As in WAGI talaga! Nasa likod na ng pakete ang recipe pero ipo-post ko pa rin dahil medyo ganado ako ngayon sa pagta-type.

IMG_3274

CHICKEN CURRY

  • 1 pack Del Monte Quick n’ Easy Curry Mix, combined with 3/4 cup water and milk
  • 4 pc medium potatoes, cut into chunks
  • 2 pc medium carrots, cut into chunks
  • 3 cloves garlic, crushed
  • 1 pc medium onion, sliced
  • 1 kg chicken, cut up
  • 1/3 cup evaporated milk (or 1 cup thick coconut milk)
  • 1 pc small red bell pepper, cut into cubes

Just 3 Easy Steps!

  1. Fry potatoes and carrots. Set aside.
  2. Saute garlic, onion and chicken in 2 tbsp oil. Pour in Del Monte Quick n Easy Curry Mix mixture.
  3. Simmer until chicken is done. Add fried potatoes, carrots and bell pepper. Simmer for 5 minutes  or until sauce thickens.

Makes 8 servings.

Totoo, at agree ako sa naka-print sa likod ng pakete: “When it comes to family, you’re never busy especially when it comes to their health. Keep your powow going with Del Monte Quick n Easy — for delicious and healthy meals you can make in a jiffy!”

Eto naman ang luto ko gamit ang DM curry mix.

IMG_3278 IMG_3277

IMG_3279

* * * * * * * * *

Quote of the Day:

“Cooking is like making love, you do it well, or you do not do it at all”
- Harriet van Horne

6 thoughts on “Quick n Easy Chicken Curry

  1. ate maru, when you say fry the potatoes and carrots, isagol-sagol lang fry in cooking oil like how we fry veggies na isagol sa bihon ba or sotanghon? serious question ni ha. hehe.

    kaiths last blog post..Stupid vs Smart

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @kaith langga, prituhon nimo nga murag nag prito ka ug kamote pero ayaw lang ipa-brown jud kaayo…then set aside mo lang dayon.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *