Iba’t Ibang Gimik Sa Mangga

Sa buong buhay ko ngayon lang talaga ako nagsawa sa pagkain ng  manggang hinog. Pag ni leps-to-leps mo nga ako ngayon… asahan mo amoy-mangga ang bibig ko.

Pati utot dighay ko – amoy-mangga din!

Mula noong nag harvest kami ng mangga … araw-araw na lang yata ako naghahabol sa paghinog ng mga mangga ko. Hindi ko na halos alam kung ano gagawin ko para hindi ako maabutan ng pagka-over ripe.

Google ako ng google kung ano ang mga pwede kong gawin sa mga prutas ko.

Mag tu-two weeks na kaming napupurga sa panghimagas namin na fresh mango. Pero ayoko umangal at dapat nga pasalamat pa ako lalo na pag naalala ko nung kumain kami sa Fisherman’s Wharf at umorder ng fresh mango as dessert.

Anakngwekwek! Yung isang mangga na ganito ang pagkahiwa at nilagyan lang ng crushed ice… P95.00 na! At iisang piraso lang yun ha!

fresh_mango1

Siempre dahil nanay ako, sekreto akong nagkukwenta sa utak ko. Susme, kako P35-40 lang ang kilo ng mangga dito sa amin tapos mga 5-6 na piraso na yun!

 

Di ko maiwasan ang manghinayang. Sa loob-loob ko, kung ako siguro ang magbabayad ng kinain namin…malamang di na lang ako oorder kaso nilibre lang naman ako noon kaya Oks lang. Kever! Hala,  lafang!

IMG_3357

Nways, I’ve tried also putting mango balls in my morning oatmeal and I swear… sobrang yummy!

I asked my kids kung ano gusto nila gawin ko sa harvest namin. MANGO FLOAT agad ang request ni Kevin!

mango_float1

Graham crackers, all-purpose cream at condensed milk lang naman ang kailangan at napakadaling gawin kaya wish granted agad si Kev.

IMG_3330

Tip ko para sa inyo, kung gagawa kayo ng MANGO FLOAT ay gamitan nyo ng electric mixer ang mixture ng cream and milk para maging double ang volume.

mango_float3

As toppings, mas like namin ang hindi masyadong durog na graham crakers.

mango_float2

Sinubukan ko rin ang MANGO MUFFINS recipe na nakita ko sa internet.     IMG_3300

At dahil mayaman kami ngayon sa mangga, I fold in very generous amount of mangoes into the batter mixture.

IMG_3319

Eto ang resulta.  IMG_3318At eto pa.   IMG_3320

Very ideal for afternoon snack.

IMG_3323

Pag nagkakasabay-sabay na ang paghinog ng mga prutas ko…. ginagawa ko ng MANGO PUREE para may stock kaming pang-shakes at juice.

Walang preservatives talaga ‘to. Yung iba hinahaluan nila ng sugar ang paggawa ng puree…ako naman, i wanted them PURE talaga.

mango_preserve2

Gumawa din ako ng sandamakmak na MANGO PRESERVE.

Napilitan akong matuto kung paano ang paggawa ng puree at kung anong pretreatment ang kailangan para sa pag preserve at para hindi mangitim yung mga mango pulps.

Medyo matrabaho din ‘to kasi kelangan malinis talaga ang mga bottles and jars. Kelangan i-sterilize mo talaga ng maayos.

mango_preserve

MANGO PRESERVE in different shapes and sizes. May cubes/diced. . .strips . . . at may balls.

mango_preserve1Slices for my FROZEN MANGO. Kaya ang sikip ng freezer namin ngayon.

mango_slices2Nag-try din ako ng slices para gawin DRIED MANGOES. Dito ako olats! Ang dami ko pa naman na-slice kaso 2 araw na naging makulimlim ang panahon dito.

Sinubukan ko na nga ang mag-sundance pero bigo pa rin ako. Hindi ako sinipot ni haring-araw kaya dalawang PYREX dish ng sliced mangoes ang itinapon ko kasi hindi na naging kaaya-aya ang amoy nya.

Na-realize ko, kelangan talaga ng dehydrator kung gagawa ng dried fruits. Kung solar drier lang ang aasahan mo….aabutan ka ng nine-nine (siyam-siyam).     mango_slices1

 

 

Grabe, napahaba yata ang entry ko. Next time na lang ulit yung ibang gimik ko sa sandamakmak na mangga ko.

 

* * * * *

Quote of the Day:
”The deeper that sorrow carves into your being, the more joy you can contain.”
–Kahlil Gibran

Related Posts with Thumbnails

21 Comments

  1. grabe daming mangga…ganyan din dito sa bahay pag harvest sa farm ng bf ko…isang kaing na mangga binibigay sa kin,pinapamigay ko lang…bawat classmates and teachers ko,may mangga talaga..pinapapila ko mga classmates ko,mangga ng gobyerno daw hahahaha!!!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Pryss, 3 kaing ang naging share ko at pers taym ko nagkaroon ng ganitong kadaming mangga kaya nakakataranta, ateng.

    [Reply]

  2. Bravo…nabisita ko lang site mo while ginogoogle ko ang hayop (naghanap ako ng cebuano version ng animal care and management)..napasaya mo ako sa mga nabasa kong posts mo…Ang galing talaga.. Matalino!..Masarap!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Bunguton, nakakakiliti naman ng handle mo…bunguton. Balbas-sarado ka ba? Tsaka kumusta naman ang paghahanap mo? Nakatulong ba ang blog ko? Palagay ko nabasa mo yung post ko tungkol sa pag witness ko sa kahayupan. hahahaha!

    Nways, maraming salamat sa appreciation tsaka sa comment mo.

    [Reply]

  3. try mo aman gumawa ng ice cream mango..hehe siguro kung kami may ganyang kadaming manga pramis ndi na cia mahihinog.mgaa adik sa manga mga mahal kong kamag anak weh..

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @azul, tatatlo lang kasi kami dito sa bahay. yung bagets kong lalaki eh hindi pa mahilig sa mangga kaya napurga ako ng todo sa kakakain.

    [Reply]

  4. ambi beh. dili na madaut ipadala diri cebu? willing ko mudawat and even pay sa shipping. haha.

    kaiths last blog post..Stupid vs Smart

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @kaith, hahaha! sus sige lang kay sa sunod kabalo nako unsaon para dili ko abtan ug kahinog. basig makapadala nako sa uban…sa sunod.

    [Reply]

  5. mader gagayahin ko yung mango float recipe mo..pero hindi mango ilalagay ko…hehehe…di kasi masarap ang manggang kalabaw dito sa SG…ahahaha….

    lyziuss last blog post..Usapang MRT

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @lyzius ateng, try mo ang peaches halves. kahit yung naka preserve.

    [Reply]

  6. buti p kyo km dmi manga over ripe 160kaing.. syempre lugi over n nga eh.. pno kyang gawin d2..

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @marlon panganiban, isa sa pinakamaganda mong gawin…ipadala mo sa akin yung mga kaing ng mangga na hindi pa-over ripe. :D

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge