Hay ambot!
Ikay dear, alam mo bang parang kiniliti ako sa k*ntil netong comment mo sa post ko na ‘to? Ateng, pinangiti mo ko at pinakilig, as in!
Oist! Ngayon lang ako magbo-blog ng tungkol sa estado buhay-pag ibig ko. Aktwali kahit in real life, wala akong napagsasabihan kung ano ang nararamdaman ko kasi iniisip ko ay… “ano naman care nila” sa akin? Keber ba naman nila kung inlab ako, di ba?
Pero since nagtanong ka na rin lang sa akin…sana ay atin-atin na lang ‘to. Kunyari ikaw lang ang nakakabasa neto kaya kung pwede wag mo na sana i-chismax ‘to sa iba. Pramis?
Ikay dear, natumbok mo, ‘day. Oo naman! INLAB ako at sus matagal na. Medyo taon na nga kung bibilangin. Ako yata yung taong hindi pwedeng mawalan ng inspirasyon sa buhay dahil sa totoo lang – pusong mamon lang ako. Kaso ako yung inlab ngayon na walang bf, jowa o fafa.
Inaamin ko na bukod sa mga bagets ko, may isa akong espesyal na inspirasyon at itatago na lang natin sya sa pangalan na John Lloyd Cruise! Hehe!
Di nga, may minamahal talaga ako kaso sekret lang. Para sa akin, jowa ko sya kaso hindi nya alam na fafa ko sya kasi nga sekret lang! Kulit!
Hindi rin nya kelangan malaman dahil sigurado ako, as in siento por siento kahit suhulan o may free cash pa akong ibigay sa kanya ay wala rin naman mangyayari.
Seriously, para que na malaman pa nya? Para sabihin din nya na he loves me too kahit hindi totoo? Nyeee! Wag na uy!Ayokong ma-ouch! Alam ko naman na hindi talaga pwede.
Alam ko na medyo may pagka-martir ang dating ko kasi kahit alam ko that my feelings will not be reciprocated, ay sige pa rin ako. Kakatawa kasi my affection for him perseveres kahit hindi man lang nya ako naa-appreciate in return.
Mas ayus sana kung lab din nya ako di ba? Pero OKs lang yun dahil sabi ko nga, ayokong maging ilusyunada.
Ikay ineng, alam mo bang…
…sa dinami-dami ng aking minahal…panandalian lamang at ilan ang nagtagal… iisa pa lamang ang binabalikan…alaala ng kahapong pinabayaan.
…sa dinami-dami ng aking nakapiling…kung sinu-sino ang umiibig sa akin…
Ops teka! lyrics na ng kanta ‘to! Na kerid-away ako a! Lol!
Hays…
Kung minabuti kong solohin na lang ang nararamdaman ko ay dahil sa nagiging realistic lang ako. Tsaka siguro natututo na ako pagdating sa pag-ibig, ateng. Naks!
I remember, a guy once told me that…mukhang tumigas na raw yata ang puso ko. Hirap ko daw papaniwalain. Uy! di noh! Di ko lang masabi dun sa guy na nag-iingat lang po ako kasi nakakapagod na ang maging tanga, yung magpapaniwala ng kung ano-anong ka-eklatan ng mga lalaki.
Ako kasi dati, sa sobrang bobo at tanga…ang dali ko maniwala at magtiwala sa sinasabi ng lalaki. Eh ang kadalasan naman ay big winner ako sa ending…big winner sa pagiging BIGO at LUHAAN. Nyeta! Nakakapagod kaya!
Lagi na lang ako palpak. Ang masaklap pa neto ay pag nagkakaedad na ang isang taong kagaya ko…pinagbabawal na ang magkamali. Inaasahan na ng mga tao na WAIS na ako.
Halimbawa, pag nakipag relasyon ako ngayon at pag naging palpak ulit…tiyak na ganito ang maririnig ko: “Ang tanda mo na tanga ka pa rin? Hindi ka na ba natuto?” Kitams! Pwersado na tuloy akong maging matalino. Pero kelan ba talaga nagkaroon ng matalino pagdating sa tunay na pag ibig? (Syet! Ang baduy ng tunog!)
Ikay, alam mo bang dati-rati ang sama-sama ng loob ko sa mundo? Imagine ba naman, bilyon-bilyon ang lalaki sa buong mundo pero ni isa wala man lang nagka-bayag na ipaglaban o protektahan ako! Hindi ko alam kung bakit wala. Pero ang masasabi ko lang ay …mga paksyet sila! Lol. Hindi naman ako kapangitan ng pagmumukha a! Tsaka siguro naman kahit papano ay nakakalibog pa ako. Bwahaha!
Kunsabagay, tanggap ko na rin – mahirap talaga akong mahalin. Alam ko naman kung bakit. Eto ang tatlo sa MARAMING dahilan:
- Single-mom ako at hindi lang isa ang anak kundi dalawa pa.
- I am no longer in my prime age. Ayoko na rin ang magka-anak pa kung pupwede kasi yung magiging jowa na lang ang gusto kong alagaan ngayon.
- Nasa abroad ang location ko (read: Mindanao)
Kung iisipin talaga…hindi basta-bastang mababaw na dahilan ang mga yan.
Teka, mabalik tayo sa pagiging inlab ko.
Ah basta, bahala na! Ang importante ay kuntento ako kahit one-way lang ang pagiging inlab ko. Hindi ko man sya nakakasama o nakakausap palagi… ni minsan ay hindi naman sya inihiwalay sa isip ko.
Korni na kung korni…pero paggising ko pa lang sa umaga ay sya na agad ang nasa isip ko. Kahit saan ako magpunta…hindi sya nahihiwalay sa akin dahil pilit ko pa rin syang dinadala/sinasama kahit sa isip lang. Believe me, just a mere thought of him really makes me smile.
Ngayon lang din nangyari ang ganito sa akin na nagmamahal ng mag-isa. At happy ako.
And let me end this post with my favorite quote from the movie, The Notebook:
“…I am nothing special. I am just a common woman with common thoughts, and I have led a common life. There are no monuments dedicated to me and my name will soon be forgotten. But in one respect I have succeeded as gloriously as anyone who has ever lived: I have loved another with all my heart and soul, and to me, this has always been enough…”






Hi Ms Maru… For my own opinion, wag ka mapagud magmahal, sa tulad natin na may mga anak na, youre right napakahirap na pumasuk sa isang relasyun, pero gurl, kailangan din natin ng inspirasyun, yong mamahalin daw tau… you deserve to be happy… like me, sobra akong nasasaktan, in my relationship right now, its to near to the END na … pero no regrets pa rin, at least naranasan ko ng sumaya kahit panandalian lamang… wish you na makahanap ka ng iyung mamahalin at mamahalin ka din… ciao…
Melais last blog post..Do Something Meaningful…
[Reply]
hay naku ambot!!! ala ako naintindihan ahahah! basta narito ako para bumati ng advance maligayang bati!!! =)mula sa LP member – JES
[Reply]
nashock nman ako akala ko kung ano ng kasalanan ko at bka na offend kita dun sa comment kong yun…hehehe
pero alam mo mamaru hindi lang ikaw ang inlab…oo mamaru ako rin inlab…inlab din ako kay Lloydie!!
well siryusli mamaru alam mo ok lng yan atlis ikaw may mga bagets ka na, na khit papano may kayakap ka prin sa pgtulog…ok lng yan ang importante MAGANDA KA!!
haylabyu mamaru!
[Reply]
huwow perstaym eber ko na makabasa ng ganito sa blog mo hehe..
seriously speaking hindi kea naiintimidate lang ang mga boylets seo kea ganun?kung anu man ang dahilan ee ndi ko din pu alam…
[Reply]
wow pressure
rans last blog post..Jakult Everyday!
[Reply]
wow inlab si parekoy ah
rhyans last blog post..Internet Marketing Tactics For These Tough Times (From Google and Me!)
[Reply]
landi. pakiss nga…
[Reply]
MARU
Reply:
February 14th, 2009 at 10:59 am
pareng badooooods! mwah! mwah! mwah!
[Reply]
naka2relate aq..haha,.anyway’s, just keep loving.dont get tired..
[Reply]
MARU
Reply:
September 3rd, 2010 at 4:55 pm
On the contrary…pagod na ako. Lol.
[Reply]