Ang Saya-Saya

Habang ang karamihan ng mga pinoy ay aligaga sa kani-kanilang noche buena noong December 24, yung kapatid kong si Evan ay aligaga din sa pagbo-book ng mga ZERO-FARE flights ng CPA. Lahat ng bookings na ginawa nya noong bisperas ng Pasko ay – CONFIRMED! Hehe!

Kaya last saturday, Feb 7,  mga walo kaming sumakay from Cagayan de Oro to Manila. Buong pamilya ng sister kong si Millette, ako, at si Keziah. Kasama sana ang only bigatin son ko…kaso he backed out kasi may mga exams sya sa school.

Ang saya-saya! Isang barangay kaming lumuwas ng Manila dahil nakapag-avail kami ng ZERO-FARE ng Cebu Pacific Airlines. As of this writing, andito ako at nakikilanghap ulit ng fresh air ng Manila.

ticket

Eh sino ba naman ang hindi masisiyahan sa biyahe naming ‘to…bawat isa sa amin ay P56.02 lang ang binayaran – ROUND TRIP na!  Kaya sus, saan ka pa! Ang regular fare ng one-way ticket cdo-mla ay mahigit P3T kaya!

Kung para saan yung P56.02 na babayaran namin ay di ko na inalam. Yun nga lang…dapat hand-carry lang dapat ang bagahe mo. Well, kahit saan naman ang destination mo ay mas ok talaga if you just travel light. Tsaka mga 6-days lang naman bakasyon namin kaya OK na yun na naka-backpack lang kami.

Dahil sa Zero-Fare na gimik ng CPA, ang brother kong si Evan ay bisi din sa kabibiyahe. He spent his birthday last Feb 4 sa Cebu kasama wifey nya. Mga 2 days lang sila. At sa last week naman ng February…lilipad at mamamasyal ulit sya with his son sa Davao naman. They will spend a weekend there.  Halos lahat ng mga biyahe nila ay ZERO-FARE rin! Laking-tipid talaga.

Sana next time na magbigay ulit ang CPA ng ZERO-FARE flights….at sana maka-avail kami ulit. :D

 

Related Posts with Thumbnails

8 comments

  1. azulNo Gravatar says:

    wow yung pinsan ko madalas din maka avail ng ganyan…last month lang ilang beses ciang nagpabalik balik from cebu- manila at from cdo- manila…
    sa summer hopefully meron ulit para matuloy kami sa palawan..

    ngaps enjoi sa bakasyon!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @azul, ayus di ba? tyempuhan lang din talaga.

    [Reply]

  2. ikayNo Gravatar says:

    saya- saya noh!(w/madam gloria accent):)
    pero mamaru pano ba maka avail nyan???kailangan ba eh regular customer ka ng CPA?magbabakasyon kc ako this march eh plano ko ring mgliwaliw jan sa kabisayaan this summer eh syempre mas masaya kung makakatipid ka khit sa pamasahe db!?hehehe

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @ikay, bigla tuloy ako nag imajin ng boses ni ate glo.
    di mo kelangan maging regular customer pero mas maganda kung online ka magbo-book. palagi naman silang may promo. visit mo website nila.

    [Reply]

  3. vhonneNo Gravatar says:

    paano po ang ganyan?

    vhonnes last blog post..Pangarap ng Kapwa Blagero

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @vhonne, check mo ang website ng cebu pacific…every now and then may mga promo fare silang binibigay sa ibat ibang destinations. yung zero-fare promo…tsambahan nga lang yan kasi agawan talaga.

    [Reply]

  4. MelaiNo Gravatar says:

    hi ms maru, paano ba makaka avail ng zero fare na yan, we are planning na magbakasyun sa Dapitan?????????…

    Melais last blog post..When, what and how?

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Melai dear, christmas promo yun ng CPA. Google mo lang yung website nila para malaman mo kung kelan ulit sila magbibigay ng zero-fare promo.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge