Masarap Sa Ibabaw

mooSince nasa Manila na rin lang ako last week, binisita ko na rin ang friendlalu kong si Moo aka Defpotec sa workplace nya at binalak ko talaga magdala ng lugaw sa kanya para pang-asar bagah. Kaya may dala-dala akong basyo ng mangkok nung umalis ng bahay.

Bwahaha! Jologs ako eh. Kaya, Lugaw! Kaso wala akong nahagilap na lugaw nung nasa Greenhills na ako kaya prutas na lang ang nailagay ko sa mangkok.

Nways, may suite room si Moo sa workplace nya. Ang shushal di ba? Ikaw ba naman ang mag-trabaho kay Bill Gates.

3271692500_6c31de4a9e

It’s my second time na nakapasok sa makalat nyang kwarto. At eto ang pinaka gusto kong part ng suite room ni Moo – ang balcony. Kaso naka-lock. Ang ganda kasi ng view pag nasa tuktok ka. Kitang-kita mo ang smog ng Maynila! Lol!

3271700654_5d3e840220 Sarap talaga pag nasa ibabaw ka, i mean pag nasa itaas ka ng building.

Hindi ko natyempuhan ang sunset kasi mga alas-dos ng hapon pa lang. Tsk! Sayang.

3271693496_0d8d3e3666

Habang pumapapak ng Pik-Nik, nag-chikahan kami ng konti habang nanonood ng TV. At dahil sya ang may hawak ng remote control ng TV… inasahan ko na talaga na hindi mapapako sa iisang channel ang TV. At di nga ako nagkamali. Hehehe!

Bakit kaya ganun ang mga lalaki? Pag nakahawak ng remote control, kung mahina-hina ang ulo mo na nanonood…malamang mahihilo ka sa palipat-lipat ng channel.

At since mabait akong kaibigan (ahem!) ipinasyal din ako ni Moo sa may penthouse ng hotel na tinututuluyan nya… dun sa Presidential Suite kung saan tumira ang presidente ng China nung bumisita dito sa Pilipinas at iba pang dignitaries.

3270883933_78209955bc

Para akong paslit na dinala ni Moo sa isang theme park para mamasyal. Hehe! Pagpasok namin sa presidential suite…kulang na lang sabihin sa akin ni Moo na…”o sige, hayan, maglaro ka. Kahit gumulong-gulong ka pa diyan! Wag ka lang makalat”. Siempre may kababawan si Mamaru kaya nakangisi na naglibot sa buong lugar. Manghang-mangha sa ganda ng suite room.

3271698210_b3fd81d5d3At pwede ba naman ang walang kodak?  Siempre, pose agad si Mamaru. Ako fe!

3270876065_1d673760ab

Taga-kodak ko yung kagagaling lang sa sakit. 3271698736_edf7eb94b5 Habang kagalang-galang si Moo sa suot nyang barong na may gusot-pangmayaman, ako naman ay naka-shorts, shirt and sneakers lang. Hehe! Quever!

3271699262_da9dc12212

 

Paminsan-minsan lang naman ‘to kaya nagpaka-walanghiya na ako.

Wish ko next time (kung may next time pa) ay may pic akong katabi ang bossing ni Moo na si Bill Gates. Lol.

 

Quote of the Day:
”If you can look in the mirror without laughing, you have no sense of humor.”
–Anonymous

2 thoughts on “Masarap Sa Ibabaw

Leave a Reply