Higanteng Chikinini

After ng chikahan namin sa isang coffee shop the other day (I’m with my sis Millette, brother Evan who is here in Iligan for a business trip and niece Tweetums), ay nagkayayaan kaming magpa-body massage.

This is my second time na nagpa-body massage with Ventosa or Cupping therapy at ang saraaaaaaap! Pakiramdam ko may sampung Dracula ang nasa likod ko at may sinisipsip na mga anu-ano sa likod ko. Hehe!

Dati yung combi na Swedish, Thai and Shiatsu lang ang ina-avail ko na masahe. Pero mula nung sinubukan ko yung Ventosa or Cupping therapy,hanep! parang gusto kong gawin monthly ang pagpapahigop at pagpapalagay ng higanteng chikinini sa likod.

Yup! sa likod lang pwede gawin ang suction dahil kung gagawin ang cupping na ‘to sa harap o sa dibdib, pucha! baka may gatas na lumabas! Hahaha!

Aktwali hinihigop ng Ventosa ang mga lamig-lamig sa katawan mo at siempre may kasamang body massage din kaya pagkatapos ng session, talaga naman ang gaan-gaan ng feeling mo.

Ano nga ba ang Ventosa or Cupping therapy? According to the web articles that I have read:

“Ventosa or Cupping therapy is one of the ancient way therapies. Warmed glass are used to suction out toxins or what they call in Tagalog “lamig” and helps in improving blood circulation.”

“Cupping is an ancient Chinese method of causing local congestion. A partial vacuum is created in cups placed on the skin either by means of heat or suction. This draws up the underlying tissues. When the cup is left in place on the skin for a few minutes, blood stasis is formed and localized healing takes place.

ecucup

Cupping has also been found to affect the body up to four inches into the tissues, causing tissues to release toxins, activate the lymphatic system, clear colon blockages, help activate and clear the veins, arteries and capillaries, activate the skin, clear stretch marks and improve varicose veins. Cupping is the best deep tissue massage available. Cupping, the technique, is very useful and very safe and can be easily learned and incorporated into your family health practices.”

Eto ang kinalabasan na itsura ng likod ko pagkatapos ng session. Parang mga higanteng chikinini.
Image015

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi ko nakita ang aktwal na ginawa sa akin kasi nakadapa ako at hindi ko malingon. Basta nararamdaman ko na lang na parang may inihelerang coins sa likod ko,may sinindihan at inilagay na apoy tapos may ipinatong na baso. Pagkalagay ng baso, naramdaman ko agad yung higop ng mga basong nakalinya mula sa may balikat ko hanggang sa may “cleavage” ng wetpaks ko.

Image016Hindi naman masakit. Paglabas ko ng massage clinic, feeling ko nasipsip lahat ang rabies at tetano ng katawan ko. Lol! At pati yata yung kakaunting asim na naiwan sa bodylicious ko ay nahigop din. Waaaaaa!

BS090500719061811

Kahapon which is the day after the body massage/theraphy, may unsightly marks pa rin ako. Pero temporary lang naman “to.

Napansin ko….ang macho ko pala pag nakatalikod. Taena, di ba parang katawan ng lalaki ang likod ko?

Quote of the Day:
“Your body is a temple, but only if you treat it as one.” ~Astrid Alauda

7 thoughts on “Higanteng Chikinini

  1. ms. maru, dont know if you still remember me anyway mukang masarap nga yan ah.. saan spa ino offer yan ganyan service. thanks

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hi wency, dito yan sa Iligan City. may isang massage clinic dito na magagaling ang mga masahista nila. sulit na sulit ang ibabayad mo. talagang mare-refresh ka. at mura pa kumpara sa rate diyan sa Manila.

    [Reply]

  2. Meron kaya nyang dito sa Manila. Every month kasi ako nagpapamasahe, pero ung normal lang. Kaya naghahanap ako ng something na kakaiba. Teka, research nga ako ehehe.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @karlo: hello! thank you sa comment. oo naman, sigurado meron ventosa or cupping therapy diyan sa mga massage clinic sa manila. teka, baka naman ibang serbisyo ng mga massage clinic ang pinupuntahan mo ha? hehehe! just kidding.

    [Reply]

  3. ms Maru.. na try ko tong ventosa dito sa palawan.. grabe lahat ng sinabi nyo ay pawang katotohanan, sobrang relax na ng likod ko, feeling ko nga gumaan ako ng sampung beses. lalo na yung likod ko ngaun sobrang firm at magandang daloy ang aking nararanasan, hopefully bago kami umalis eh makapag ventosa ulet..

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *