Bertdey ngayon ng Kevin ko – ang unico hijo ko.
Wala lang.
Sinabi kong wala lang dahil wala siya dito sa bahay. Ganun yata pag lumalaki na ang mga junakis… mas gusto na nila yung mga kaibigan ang nakakasama pag bertdey nila.
![]()
Kunsabagay nagpa-hapunan na ako sa mga kamag-anak namin noong huwebes at tapos na sya nag blow ng birthday candles nya. Haysss… disi-otso na ang bagets ko. Parang kelan lang eh hinuhugasan ko pa pwet nya pag nag-popo. Lol!
Pero ang swerte ko kasi matitino naman ang mga bagets ko. Walang mga masasamang bisyo. Kung may kinalolokohan man na mga hilig yun ay ang mga sports na Frisbee at Soccer lang. Lately lang ay nag apply sya as varsity player ng soccer sa school nila at natanggap naman.
Kahit hirap na hirap ako sa paglalaba ng mga nanlilimahid sa putik na uniforms nila pag may laro sila – oks lang, kahit kadalasan ay itinatapon ko na lang ang mga medyas nila dahil sa hindi ko na kaya paputiin. Aba eh, mas mabuti na siguro ang malulong ang bagets ko sa sports kesa sa kung anu-ano dyan.
Eto may nanenok akong mga pics. Kuha yata ‘to minsan sa mga praktis nila. Hmmmn….kaya siguro ganado mag praktis ang kolokoy ay dahil may mga chickiebabes na kaklase na laging nanonood sa kanila. Lol.
![]()
Abah! Eto at may isa pang cutie pie na kasama! Hehe! Kilala ko ‘to. Kaklase nila mula pa high school.
![]()
Enways, Hapi Bertdey ulit, my SONshine! Halabyu!
* * * *
Quote of the Day:
“Giving your son a skill is better than giving him one thousand pieces of gold.”
~Chinese Proverb





wowoweeee…bagong theme…mamaru ang wafooooo!!!
naman ni fafa kevin mo, pede bang hintayin ko nlng sya!?hehehehe…
hapi burtdey kay SONshine mo!
ikays last blog post..unsent letter for manong
[Reply]
MARU
Reply:
February 24th, 2009 at 3:36 pm
hehehe! sa lagay ba eh “momma” na rin ang itatawag mo sa akin? pwede!
[Reply]
MARU
Reply:
February 24th, 2009 at 3:37 pm
ikay, uu, nasa lahi na talaga namin ang magaganda. kakainis nga eh. bwahaha!
[Reply]
ay naku cutie ang son mo Ms Maru.. siguradong maraming girls ang hahabol sa kanya.. pero ur too lucky sa pics pa alng mukha ngang super bait ang son mo… enweis.. happy bday uli kay Kevin…
Melais last blog post..First lunch in Puerto…
[Reply]
happy birthday kay kevin… o, eh sa mga chicks na yan, sino ang tipo ni kevin? naco baka ang isa sa mga yan ang gelpren nya mamaru! hehehe.
[Reply]
mama, ang ganda ng bihis ng bahay mo ngayon! musta na ang pag-aacounting ni only boy mo?
echos last blog post..Apat na Buwan…
[Reply]
MARU
Reply:
February 28th, 2009 at 7:14 am
maraming salamat, echo dear. alam mo naman si mamaru madaling magsawa sa damit ng blog. accounting pa rin naman ang kinukuha ng unico hijo ko at so far so good naman.
[Reply]
aww… ayos! inggit naman me!
foos last blog post..RE: Ramos hits Arroyo no-show at EDSA rites
[Reply]
hey, i was reading about malou fernandez stuff (some old issues) and i found your your blog and it really caught my attention. saw your pics and was awestuck (and it’s an understatement pa, hehehe). well, you are indeed one hot momma. wala lang, i just wanted you to know that. may you always be gorgeous. hehe
[Reply]
MARU
Reply:
February 28th, 2009 at 7:11 am
hey! thank you so much for the read, comment and for inflating my ego. hehe! hope u keep coming back. u take care always.
[Reply]
mama maru…hapy beerday sa junakis mo..pwde na pala uminom yan eh.wahahha
Malditos last blog post..I realized.
[Reply]
MARU
Reply:
February 28th, 2009 at 7:08 am
uu naman. at pwede na nga maka buntis. wahaha! wag naman sana.
[Reply]
Happy birthday Kevintot ni mamatot! hays.. ang mga bata ang laki na.. ang dalaga ko rin kitang-kita na ang bukol tsk..
Mamatot, miss yah!!
[Reply]