Matakot Ka Sa Madamot

Q & A portion, grand finals ng Miss Fitrum 2008 sa Wowowee last January 2009:

Rene Salud: “Iranggo mo ang mga qualities ng lalaki ayun sa importansya sa yo:

  • good looks
  • sense of humor
  • financial stability

…alin ang number 1, number 2, number 3 para sa ‘yo?”.

Contestant: “Well, ang mauuna po ay ang financial stability, especially ngayon dahil ah…malakas ang krisis…i mean dahil nga po sa krisis. So isipin muna natin ang future natin. Lalo na sa mga magiging anak natin. Pangalawa po ay…siguro… masasabi ko po na huli-huli yung good-looking kasi sa akin po ay hindi importante ang … yung looks. Ang mas importante talaga, yung iisipin nyo muna unang-una talaga ay ang kinabukasan.”

Rene Salud: “Eh ang sense of humor?”

Contestant: “Sense of humor, siempre po pangalawa po. Kailangan po masaya kayo sa relasyon nyo.”

Hmmmn…it make sense. Nagiging praktikal lang siguro si ineng kaya number 1 sa rank of importance para sa kanya ang financial stability ng isang guy. Medyo plastik naman ang dating sa akin na last daw yung physical appearance ng lalaki. Tse! Pekpek nya! Lol!

May naging jowa ako dati na superb ang sense of humor, meron din yung napaka-seryoso at ang laki talaga ng pagkakaiba. Ang gaan kasama ng lalaking may taglay na humor sa katawan. May kasabihan na pag may humor…may sense.

At may naging follow-up na opinion si Ms. Gloria Diaz dun sa sagot ng contestant na bonggang-bongga and I can’t help but AGREE.

Gloria Diaz: “And follow up answer dun sa “financial etc..”… kahit financially stable ang lalaki kelangan hindi MAMOT (aka madamot)…di ba? kelangan sini-share…kasi even if you find a financially stable… sense of humor… etsetera, etsetera…ang pinaka-importante, sabi nga nila…“wag ka matakot daw sa multo, matakot ka sa madamot”

(Tawanan)

Willy Revillame: “Madamot in what sense? Ano ibig mong sabihin?”

Gloria Diaz: “That they would share their financial success, right? Dapat ganun.”

Howel, malaking puntos ang mga lalaking may trabaho o kaya financially stable. Sa hirap ng buhay ngayon ay hindi na umuubra yung kasabihan na “ok lang kahit saging (ang kinakain) basta loving”.

Pero totoo din na ang daming lalaki ngayon na may stable na work…kumikita, pero madamot naman.

Langya! Ang hirap pa naman and it would take time talaga to detect ang lalaking mamot.

Best foot forward ang normal na arte ng mga lalaki. Siempre todo pa-impress ang taktika sa umpisa kaya galante! Kung anu-ano ang ibinibigay na material na bagay. Kaya hindi mo agad masasabing madamot.

Pero pag naging jowa mo na ang guy, dun medyo makikita mo na rin ang totong senyales ng pagiging “mamot” ni bhebhie mo.Ayoko na masyado i-elaborate o pahabain ang satsat ko kasi ang daming pwede pagbasehan para masabing madamot ang lalaki.

Siempre may sarili akong batayan. Ang pwede ko lang i-share… ay ang sarili kong opinyon. Para sa akin, ang lalaking GENEROUS sa ORAS – it follows o asahan mong generous din yan hindi lang sa MONEY kundi sa LOVE din. Kaso kadalasan lumalabas ang true color ng lalaki on generosity ay pag naging kayo na.

Kaya pag katagalan ang isang lalaki ay panay “i’m busy” ang alibi sa ‘yo o kaya hindi nakakatawag o nakaka-text sa yo ng gaya ng dati….mag isip-isip ka. May tendency na madamot yan hindi lang sa pagmamahal kundi sa pera din.

 

6 thoughts on “Matakot Ka Sa Madamot

  1. kaya nga ako hindi ako naniniwala sa ligawan na yan.
    kc nga napaplastikan ako sa mga nanliligaw..kc kapg nanliligaw plng laging may oras pero kpag jowa mo na nakuh asa ka pang ikaw ang maging first sa listahan nya..hehehe

    ikays last blog post..unsent letter for manong

  2. aray ko ng todong todo heheheh… ang ex ko na si Bhe madamot sa oras it means madamot din sa iba pang bagay… huwaaahhh.. wala pla dapat paghinayangan.. hehehe..
    pero ang naging ex honey ko sa states sobrang mapagbigay, naudlot lang ang aming love story huwaahhh…

    Melais last blog post..First lunch in Puerto

  3. Ang asawa ko madamot sa oras (kahit noong di pa kami mag asawa) kasi laging abala sa paghanap ng extra mapagkakakitaan ng pera, madamot sa pera dahil marami syang gustong bilhin na di nya ma afford bilhin ever .
    Pero kahit ganon napipilit ko pa rin syang ibigay sa akin lahat ng sweldo nya (liban sa sideline na mahirap i-account). Simple lang automatic isusurender sayo sweldo, walang battle, kasi ginagastos ko naman wisely, priority ang pagkain at pangangailangan sa bahay at pag may natirang pangluho syempre una don luho ng bata at sunod luho naming magasawa.
    Kayo rin mahirap tumanda ng magisa no. Ang piliin nyo yong mapagmahal sa pamilya sa magulang sa mga kapatid at pamangkin and u will never go wrong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.