Kani-kanina lang ng mga 1pm, pagkatapos ko gawin ang mga “To Do’s” ko like pagbabayad ng electricity bill, broadband bill and sending GCash payment to my eBay seller, naisipan kong dumaan sa isang beauty parlor para ipaayos ang labing-anim at kahalati na hibla ng bangs ko.
Buti na lang bangs ko lang ang ipinaayos ko. Ibig sabihin nun, saglit lang ako sa parlor. At salamat kay “BRO” na nakaalis agad ako dun dahil kung nagtagal-tagal pa siguro ako …baka naduwal na ako. Bakit? Eh kasi habang pumapasada ang kamay nung haircutter sa harap ng fez ko, naaamoy ko ang malansa nyang kamay. Ang lansa talaga! Kapapananghalian pa lang yata ng hitad. Pucha! Hindi man lang nagpahid ng alcohol para hindi nangamoy ang kamay nya.
At habang panay ang EXHALE ko at paminsan-minsan na INHALE, kahit papano ay parang nahuhulaan ko na rin ang ulam nya kaninang tanghali.
At siento porsyento eto ang ulam nya: PINIRITONG ISDA na may SAWSAWAN NA TOYO na pinigaan ng KALAMANSI!!!!
Buti na lang at nasa kabilang kanto lang ang location ng pinakabagong tambayan ko na coffee shop ang – ARUMA. Nag-kape ako agad para maalis ang pagkaduwal ko.
Nagugustuhan ko na tumambay dito hindi dahil sa lasa ng coffee nila o food, like ko pumunta dito kasi mas nakakapag-blog ako dito ng dire-deretso kesa sa bahay. Pag sa bahay kasi ang daming interruptions at inaantok din ako pag nakaharap ng matagal sa pc.
Tsaka mababait ang service crew nila dito sa ARUMA. Kahit madaming customer ang labas-pasok…hindi ako nadi-distract.
Dami ko satsat noh? Ang totoo nyan, kaya lab ko mag-internet dito sa coffee shop na ‘to ay dahil high na high ako sa aroma ng bagong giniling na kape na bumabalot sa buong lounge. Hehehe! Adik! Eh kasi parang nakakagising ng laman! Nakaka-arouse!
Hmmnn… kaya siguro minsan pag labas ko galing ng Aruma ay– lembot na lembot ako.





hmmm. okay lang naman ang amoy ng isda at kalamansi, kapag sarili kong kamay. kaso naamoy mo habang hinahawak-hawakan niya yung buhok mo? yuck! buti di nag-amoy isdatoyomansi ang bangs mo. at nagkamay siguro siya kaya dumikit sa kamay niya ang amoy! tsk!
…naglaway ako sa churros! ahaha!
mayuis last blog post..When I’m feeling bad…
[Reply]