Kainis

Hays, ilang taon na akong nagbo-blog pero hanggang ngayon hindi pa rin ako magkaroon ng isang  matinong kamera. Punyemas! Meron akong kamera dito pero kelangan lagyan pa ng rolyo ng film. Nyahaha!

Ang lakas pa ng loob ko dati na sumali sa grupong Litratong Pinoy, magregister sa mga forum ng mga mahihilig sa photography at  ang kapal-muks ko gumawa ng isang photo blog eh wala naman akong kamera. (kamot-ulo).

Kung may nakikita man na mga photo shots dito sa blog ko, at kung medyo malinaw ang kuha …isa lang ibig sabihin nun – nakahiram ako ng kamera sa kapitbahay.

Pag medyo malabo naman ang kuha ng litrato … naku! kuha yan ng mumurahing selpon ko.

Naiinis ako habang nagtatayp ng entry na ‘to kasi nagluto ako kanina tanghali ng Ampalaya con Carne and i wanted to take pictures with better resolution nga sana. Kaso nada-dyahi akong humiram na naman kay nebor kaya eto…sa selpon ko na lang kinunan.

Noong isang taon ko pa pinagplanuhan ang bumili ng kamera. Sabi ko, reregaluhan ko na lang ang sarili ko kasi asa pa akong may magreregalo sa akin. Pucha! dumaan ang berdey ko last year – olats ako. Sabi ko ulit, ay! sa krismas na lang at mag iipon ako. Ayun, dumaan ang pasko at bagong taon – olats pa rin ako! Dumaan ulit ang berdey ko this year pero mas lalong olats! Ni bertdey keyk di ko nahandugan sarili ko… kamera pa kaya? Lol!

Kaya minsan parang nakakatamad mag blog eh. (palusot)

Enways, pagtiyagaan na ninyo ang mga kuha ng selpon ko. Ang importante masarap ang luto ko! (ang angas!)

 

 Image000 Image003Image001  Image002

Ampalaya con Carne

In a pan, heat 3 tablespoon oil then saute 1 tablespoon minced garlic, 1 chopped onion and 1 tablespoon minced ginger. Add 1/4 kilo pork strips and cook lightly browned. Pour in3/4 cup water, 1 tablespoon oyster sauce and 1 pork bouillon cube. Simmer until beef is tender. Add 1 seeded and sliced ampalaya. Cook until ampalaya is tender. Season with some pepper and sugar.

 

* * * *

Quote of the Day:
Champions aren’t made in the gyms. Champions are made from something they have deep inside of them – a desire, a dream, a vision. They have last-minute stamina, they have to be a little faster, they have to have the skill, and the will. But the will must.
–Muhammad Ali

Related Posts with Thumbnails

5 comments

  1. pidroNo Gravatar says:

    dapat mailink etong is yugatech.com dito, tinatapon lang yata ang camera nun after ma-review, Mamaru sa Quiapo sa Hidalgo St., just back of old SM nandun store ni Mayers c/o Mang Ramon pinamimigay ang camera

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    yaan mo…pupunta na rin lang ako ng maynila dis summer…tatambay siguro ako dun sa hidalgo street sa quiapo. magsusuot na rin ako ng dark sunglasses at magdadala ng lata. :D para cool!

    [Reply]

Leave a Reply

CommentLuv badge