Mag Smile Sa Buhay

Hindi ko alam kung nagkaka-diarrhea na ang mga readers ko sa sunod-sunod puro SMS Jokes na posting ko. Aba! Eh pagpasensya nyo na po kung wala kayong nababasang medyo interesante na entries sa ngayon. (As if naman makabuluhan lagi at punong-puno ng mga gintong-aral ang mga pinagsusulat ko dito noon. ) 

Siempre, bakasyon na kaya. Lalarin la rin lang ang arte ko sa mga araw ko ngayon.  Di masyado nagbababad sa computer.

Eto talaga ang gusto ko pag summer kasi ito ang panahon na petiks lang ako. 

Kukuya-kuyakoy. Kukula-kulangot. Pa-chill chill at nagpapataba lang ng pekpek si Mamaru. 

Mga dalawang buwan din akong hindi obligado na gumising ng maaga para magluto ng almusal.  Two months akong makakapagpahinga sa kabibigay ng allowance sa mga bagets ko at iba pa.

Hays sarapppp! Medyo pahinga ako sa gawain- bahay at gastos. :D

Mga nakaka-limang araw na rin kami ni Keziah mula ng dumating dito sa kalakhang-Maynila and so far so good kahit nasa bahay lang kami lagi. Pati doter ko, panay ang tulog. Parang patabaing mamoy. Hehehe! Tsaka na lang kami maglalakwatsa pag natapos na ang Holy Week. 

Basta sa ngayon… la ako pakialam sa mundo.  Papetik-petiks lang muna ako. Pa-relaks relaks, pa-coke coke, at pa-smile smile sa buhay! Sana kayo rin. :D

Related Posts with Thumbnails

One comment

  1. kirksydneyNo Gravatar says:

    Psssst!

    Penge naman akong fan sign for my blog’s 1st anniversary. Here’s the link to the entry: http://kirksydney.com/2009/04/apinebersari/

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge