Korak! Para akong naglilihi. Pero siguradong hindi ako jontis dahil matagal ng nanumbalik ang pagka-birhen ko (ulit). At wala na akong plano na hubarin pa ulit ang chastity belt ko sa kung sinong pontio pilato lang.Tsaroot!
Di nga, may pinaglilihian ako. Eto, pep toe wedge shoes.
Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ang pagnanasa kong magkaroon ng wedge shoes for this summer. Tuwing may nakikita akong picture ng wedge shoes sa magazine, at pag napupunta ako sa ladies shoes store sa mall… parang mangga na hilaw ang tingin ko sa trip kong shoepatos ngayon . Naglalaway ako! Amp!
![]()
![]()
Maraming mapagpipilian na design at ang ku-kyut ng mga nakita kong naka-display sa mga malls. Kaso as usual… wala na naman silang abelabol na size ng sapatos para sa akin. Pucha talaga! Pang unano kasi ang sukat ng paa ko at nakaka-prostate frustrate talaga.
Minsan may nakita akong size 4.5 na wedge shoes sa Trinoma. Ang ganda ng style at panalo din ang quality! As in kasyang-kasya sa mga mala-lotus feet kong faa nung isinukat ko! Kaso nung makita ko naman ang fresyo, ay! parang nanlabo ang paningin ko. Hehehe! Mahigit sanlibutan (sanlibo) ang presyo ng lekat!
Bitaw naman agad si Mamaru sa isinukat na sapatos. Maingat na ibinalik sa display rack at sabay na rin nagpahid ng tumutulo na laway. Sabi ko sa tindera, “ay! hindi sanay sa mamahaling sapatos ang mga faa ko, natatapilok ako. ‘yoko neto.” (Palusot) Lol!
Hays..kung may naimbentong penis enlarger, eh kelan naman kaya makaka-imbento ng pangdagdag sa sukat ng paa?
Totoo kaya ang kasabihan na pag malaki ang paa ay malaki ang ari? At kung totoo man yun, since maliit ang paa ko, ibig ba sabihin nun ay maliit ang…. Hmmmn…ahmmn…uhmmn…ahem… ko?
* * * * *
Quote of the Day:
“Age shouldn’t affect you. It’s just like the size of your shoes – they don’t determine how you live your life! You’re either marvellous or you’re boring, regardless of your age.” – Steven Morrissey








pang barbie model pala paa mo mamaru, i think pag maganda at malilit ang paa ng isang dilag, maganda rin sya in and out at yang ang maganda bigyan ng foot massage
Reply
MARU
reply on April 18th, 2009 7:39 am:
nyay! mga punggok nga eh.
Reply
Baket wala akong mabasa??? Anong kulay ba ang text mo maru??? Pakipalitan please…
Reply
MARU
reply on April 18th, 2009 7:39 am:
joh, di kaya brownout sa inyo? lol! ok naman ang mga text … black ang kulay.
Reply
hay mamaru, malungkot na tuloy ako diko na nababasa mga blog mo, eh nakikibasa pa naman ako, ano bang kulay pinagsulat mo’t di ko na mabasa? pakipalitan lng po~~~~~~hehehe
i like those shoes mamaru, where we can purchase those styles?
love U:)
Reply
MARU
reply on April 21st, 2009 8:24 pm:
hello marisa, nataranta naman ako at dalawa na kayo ni Joh na hindi makabasa ng blog post ko. maraming salamat at eto aayusin ko. kindly tell me kung ok na kasi hindi yata nababasa pag ibang browser o computer.
tungkol dun sa mga sapatos..marami sa Trinoma, dun medyo marami akong nakita…sa Landmark.
Reply
marisa
reply on April 22nd, 2009 11:04 am:
hay!!! slamat naman at ok na, now mababasa ko na ulit yong mga blog mo mamaru…eto lng kasi libangan ko pag ala me ginagawa dito sa ofis hehehe..
thanks sa hint mo kung san ko mabibili yong mga sapatos hehehe bibili ako nyan pag uwi ko ng pinas sana uso pa din
Reply
MARU
reply on April 22nd, 2009 4:25 pm:
basta ikaw, ateng! ur welkam. tingnan mo yung multiply website na bigay ni joh…baka gusto mo magpagawa dun. kung oorder ka dun, baka gusto mo rin i-order ang size ko. joke! lols!
Reply
ay ken rid yur blags naw mamaru.. ay donut no way i ken nat rid it bepor.. tenk u mamaru.. yu rak!
Johs last blog post..Hale
Reply
MARU
reply on April 21st, 2009 8:27 pm:
hi Joh! ayan, malakas ka sa akin eh kaya iniba ko muna ang template ko para mabasa mo.
may inayos na ako kaya eto balik na ulit sa dating template…baka pwedeng abisuhan mo ko ulit pag hindi pa rin nababasa ang mga fonts. maraming salamat.
Reply
buti naman naniwala ka di ko mabasa.. mareho pala kme ni marisa.. at pareho din pala kme wala sa pinas.. mamaru and marisa madami pede mabilhan ng wedge shoes.. pede ka pa nga magpa-made to-order.. check this site.. I just ordered here.. http://www.medidaco.multiply.com..
Johs last blog post..Hale
Reply
MARU
reply on April 22nd, 2009 4:23 pm:
huwaw! thank you so much joh! ayan, halos maubos oras ko maghapon sa kaba-browse ng site na yan. lol!
Reply
ay mali pala yung site.. dapat medida.multiply.com pala
Johs last blog post..Hale
Reply