Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

Walang Taytol

April 16th, 2009

Ang dami kong naiisip na i-blog kaso pag nakaharap na ako sa computer, mas nai-engganyo pa akong mag-eBay kesa magladlad ng kung anik-anik na saloobin ko sa blog.

Eh kasi naman, wish ko lang sana naka-WIFI na lang ang utak ko. Yung tipong kahit naka-upo ako sa trono at walang laptop, ay pwede akong magla-login mentally sa blog. Tapos siempre with matching give din ng password kunyari sa pamamagitan pa rin ng isip lang tapos yun na yun! Ganun lang.

Astig siguro kung ta-transmit ko na lang agad yung naisip kong blog entry ko from my brain to my computer. Hanep di ba?  (Taena! Kung anu-ano na naiisip ko…teka, baka gutom lang ‘to.)

* * * * 

Nakaka-ilang palit na rin ng webhost ang Maruism noon. Ilang beses din akong napundi at nangunsumisyon sa mga dati kong host. Eh kasi naman nakakapikon yung after sales nila, yung pababayaan ka na lang. Maayos lang sa umpisa pero after ng ilang months halos ayaw na magbigay ng suporta pag may problema.

Masasabi kong pinakamasaya ako sa current host ko na Hostingphil. Abah! Shameless plugging itetch! Tehehe! Walang halong pagsisipsip ‘to. Labs ko lang talaga ang webhost ko ngayon, lam nyo ba kung bakit? Siempre hindi nyo alam.

Howel, bukod sa approachable at mabait ang owner, ramdam na ramdam ko na alagang-alaga ang website ko. Barely four months pa lang ako sa Hostingphil pero eto, last month lang kahit hindi pa ako nag request, ay in-upgrade agad ako.

Last month, binulaga ako sa chat ng poging owner ng Hostingphil. Ganito ang chika namin:

Hostingphil: good am mamaru
M A R U: yo!
M A R U: good morning
Hostingphil: ei, may suggestion ako
Hostingphil: medyo mabagal na ang server na kinalalagyan mo, do you want to move? 
Hostingphil: zero downtime
Hostingphil: actually we can put you there now, palitan lang natin nameservers mo
M A R U: may babayaran ba?
Hostingphil: wala po 
M A R U: awww go ako jan!
Hostingphil: then upgrade ko din space mo
Hostingphil: for free syempre lahat
Hostingphil: mas magandang server kc itong bago and mas mabilis.

O ha! Sino ba naman ang hindi magiging grateful sa ganyan na pag-aalaga? Kaya baka naghahanap kayo ng reliable and affordable webhosting… rekomend ko sa inyo ‘tong Hostingphil. May 1-month free trial sila.

May libreng laruan din ang sinumang mag-avail agad ng service nila. Jokeeeee! Haha! Parang Happy Meal!

* * * *

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
  • Share/Bookmark

Leave a Reply

CommentLuv Enabled