Sinturon Pangkaligtasan Para Sa Dibdib

Kelangan ko na talaga ang bumili ng sports bra! (take note my sentence ended with an exclamation point) As in urgent talaga itetch.

Naiwan ko sa probinsya ang pinakamamahal kong sports bra kaya netong mga nakaraang linggo, ordinaryong bra lang talaga ang gamit ko pag nag dya-jog ako. Parusa talaga pag tumatakbo na ako at ang hirap tumalon gamit ang jumping rope dahil umaalog- alog ang dibdib ko! Lintek! Ang sakit sa suso! (Asus! Feeling size 36B ang Mamaru. Langya!)

Pero pwera biro, masakit talaga. Pucha, naisip ko na nga na pag pinagpatuloy ko ang ganitong pagtitiis… papayat nga siguro ako pero lalawlaw naman ng todo-todo ang dibdib ko at malamang umabot hanggang pusod ko ang bagsak neto! Nyak!

Kahapon lang, medyo madilim pa sa labas ng bumangon ako para mag-jog. Mga past 5am yun. Nagbihis at basta kinapa ko na lang yung sinturon-pangkaligtasan para sa dibdib ko at isinuot. Mga isang oras din na lakad-takbo ang ginawa ko dito sa lugar namin. Pauwi na ako ng mapansin kong tinitingnan ako mga nakakasalubong ko lalo na yung mga pedicab drivers. Inisip ko na baka yung pawisan kong tsura ang tinitingnan kasi basang-basa ang buhok ko sa sobrang pawis.

Abaw gid! Tsaka ko lang natuklasan ang lahat-lahat pagpasok ko sa bahay. Bukod sa basa ng pawis ang damit ko, nakita ko agad sa salamin na bakat na bakat pala ang mga utong nipols ko!  Huwaw! at Syet! Lol!

DSCF0077

Ang nipis pala ng pad ng naisuot kong “sinturon” sa dibdib at di ko agad napansin.

DSCF0075

HAy naku! Ano pa ba dapat ang inaano-ano ko?

Dapat talaga makabili na ng sinturon pang-kaligtasan para sa dibdib ko. Now na!

P.S.: Sensya na kayo sa magka-ibang kulay ng mga pictures. Halatang sobrang hi-tech ng camera ko. Lol!

Related Posts with Thumbnails

6 comments

  1. iba ka talaga ma’am! :D Proud to be a woman!

    callcenterguys last blog post..7 Churches

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Dennis, dati kasi akong lalaki. At ayoko ng bumalik sa dating gender ko kaya proud na proud talaga ako na isa ng ganap na mujer ngayon! :D

    [Reply]

  2. a.r.d.y.e.y.No Gravatar says:

    may bra pa pala yang lagay na yan. hahaha!

    a.r.d.y.e.y.s last blog post..that’s why I’m gonna be on the next plane home

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    sana nga di na lang ako nagsuot ng sinturon…babakat din naman pala. lamig din kasi sa madaling araw kaya baka nilalamig at nanigas . :D

    [Reply]

  3. lenNo Gravatar says:

    inggit ako sa debdeb mo mamaru, wa kasi ako nyan e! nung nagsabog yata ang Diyos ng kasusuhan, mahimbing tulog ko sa pansitan…waaaaaa!

    p.s. girlalu po ako pero muka lang jading.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    len, di ako naniniwala sa yo. kelangan may picture ka ng dibdib mo para mapatunayan na nagsasabi ka ng totoo. lols!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge