Ang iksi naman ng summer ngayon, pakiramdam ko July na agad. Panay ulan. Amp! Natawa tuloy ako dun sa pinadalang SMS sa akin kanina ng masipag kong supplier ng SMS jokes na si Mike. Eto yun:
“Mga mahal kong kababayan, tingnan nyo. Ayan! Dahil sa kakalipat ni PGMA ng holidays, pati tuloy summer, napalitan na rin ng tag-ulan!
Hehehe! Ibunton ba naman kay PGMA ang pag-uulan. Sa isang banda, mabuti nga na nag-uulan kasi hindi masyado mainit. Pag sobrang init kasi ng panahon napipilitan tuloy kami ng bagets ko na lumabas at magpalamig sa mall. Napapagastos ako ng wala sa oras. Sa sobrang init, nagiging tatlong beses ang ligo ko sa isang araw. Eh pudpod agad ang sabon at ang mahal pa naman ng tubig ngayon. Lol.
Naalala ko rin tuloy ang hirit sa akin minsan ni Moo sa text… kung noon daw ay tatlong paligo lang ang lamang sa kanya ni Brad Pitt sa kagwapuhan, nang dahil sa init ng summer ngayon ay nakaka-tatlong ligo na rin daw sya. Kaya ayun! Mag kamukha na raw sila si Brad Pitt ngayon. Ayus! Ang Kafal ha!
Nways, Happy Birthday nga pala kay Defpotec! Nagtatago ang mokong!







