Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

Sa Mga Gustong Magka-syota

April 29th, 2009

May naalala ako nung katatapos lang ng Balentayms 2009 ay may nag-pm sa akin…at nanghihingi ng payo. Binalikan ko ang log ng pag-uusap namin at yung pag-aastang relationship expert/margie holmes/love guru/ o simpleng pagmamarunong ko sa araw na yun.

Hindi ko maiwasan ang mangiti habang binabasa ang mga pinagsasagot ko. Taena! Take note, normal-normalan ang lola nyo sa mga adbayses nya. Kaloka! Eh kasi naman ewan ko ba at sa dinami-dami ng pagtatanungan, ay ako pa ang tinanong ng tungkol sa lablayp.  

Ako pa na walang lablayp :( at walang nagmamahal :( Ako pa na gusto na nga mag soysayd dahil walang boylet! Weeeee! Echoos lang!

Enways, share ko na rin sa inyo at kayo na ang humusga kung may TAMA ba ako… kung hindi ba halatang bangag ako sa katol sa mga pinagsasabi ko.

herbs: how was your valentines
M A R U: nah! di ko naman ramdam ang mga ganyan
herbs: ahaha
herbs: y nman
herbs: ang favorite blogger ko
herbs: wala ka date?
M A R U: para lang yun sa may mga partner
herbs: mamaru pede mag ask ng konting advice?
M A R U: tungkol saan?
herbs: lablayp
M A R U: try ko
M A R U: kasi palpak mga lablayp ko eh. hehehe

herbs: pano mo malalaman kng masaya ka pa sa relationship?
M A R U: nyee!
herbs: bakit?
herbs: d ko tlga kc alam e
M A R U: mararamdaman mo naman yan
M A R U: pag di ka na natutuwa sa relasyon nyo…therefore di ka na masaya
M A R U: pero dapat isipin mo na sa relationship…hindi naman kelangan na araw araw ay inlab ka.
M A R U: nawawala kasi yan…
M A R U: pero bumabalik naman kung aayusin mo.

herbs: d ko kc lam kng pano ko pagdedesisyonan kng msaya pa ba ako o hindi..
herbs: minsan gsto ko
herbs: minsan ayaw ko
herbs: ganun
herbs: pero ayaw ko nman mawala
M A R U: natural lang yun
M A R U: kasi sa relationship…kelangan ang perseverance
M A R U: hindi pare-pareho ang araw
M A R U: may araw na nakakabuset
M A R U: may araw na very inspiring
M A R U: kaso dapat isipin mo na may commitment ka sa partner mo
M A R U: hindi ka dapat padalos dalos na porke nawawalan ka ng gana eh titigil ka na.
M A R U: kahit sino ka relasyon mo…mararamdaman mo talaga ang ganun lalo na pag medyo tumatagal na kayo.

herbs_5: e mamaru pano kng gsto ko na iwan kaso d ko lam kng pano uumpisahan ung bukas
herbs_5: tpos naiicp ko pang solusyon mambababae
herbs_5: kaso nakokonsensiya naman ako
M A R U: bakit ka naman nawawalan ng gana sa kanya?
M A R U: may nagawa ba sya sau para manlamig ka?
M A R U: nanawa ka na ba sa kanya?

herbs: ndi kc gn2..
herbs: nung bago kame
herbs: talagang alam ko sa sarili ko na sweet ako
herbs: tpos pag dating ng ilang buwan
herbs: napatropa ako
herbs: as in tlgang wala na ako time
herbs: ahaha
herbs: tpos un
herbs: bglang cia ung naging cold tpos nag umpisa na manumbat sa mga kalokohan ko
herbs: tpos nagiging sweet na ulit ako
herbs: ayaw pa nia
herbs: ang gulo
herbs: hehe
M A R U: eh ganun lang talaga yun
M A R U: maliit lang naman pala na dahilan
M A R U: sabi ko nga perseverance ang kailangan para tumagal kayo.
M A R U: isipin mo na lang…
M A R U: kung hihiwalay ka…natural maghahanap ka ng bago.
M A R U: pero ano naman ang assurance mo na yung susunod na syota mo eh hindi ka rin mawawalan ng gana?
M A R U: so parang bact to number one ka na naman.
M A R U: back*

herbs: thx mamaru
herbs: iisipin ko yang cnabi mo
herbs: pasencia na kng naabala kita ah
herbs: keep on posting dun sa blog mo
herbs: cool kc
M A R U: its ok. np.

O ha! Kidding aside, pansin ko sa mga panahon ngayon…bihira na lang sa mga bagong sibol na lovers ang tumatagal. Kung magpapalit-palit sila ng syota eh parang nagpapalit lang ng bagong SIM card sa selpon – na napakadali.

Sana nga ay mag isip-isip muna ang mga bagets ngayon na ang pakikipag relasyon ay hindi dahil sa trip-trip lang. May kaakibat ‘to na responsibilidad at kelangan may baon kang sandamakmak na maturity.

Alam ko, masarap na masakit sa ulo ang makipag syota. Not to mention na magastos din. Daming tukso, daming manunulot lalo na pag may tsura ang kapareha mo. Maraming pagsubok kayo na pagdadaanan. Kaya paghandaan ang realidad na hindi araw-araw ay masaya kayo, na lagi kang kikiligin at matutuwa sa syota mo. 

Totoo, andun yung panahon na magiging buset na buset ka sa kanya at minsan pa nga ang pangit-pangit pa nya sa paningin mo. May araw na ayaw mo syang makita, makausap, ayaw mo mag text, wa mo type maging sweet at kung ano pang tsuba ek ek! Pag nagkataon na immature din ang kapareha mo at may pagka KSP – ayus, sigurado tapos na agad ang kwento nyo. 

Kaya, uy mga ineng, mga utoy, sa pakikipag syota, kung wala ka rin lang kakayahan na manindigan, magtiis, magtiyaga o magpasensya, wag na muna mag syota. Kung sa tingin mo ay wala ka pa ng mga ganitong katangian abah eh, magtiyaga ka na lang muna magkamay o mag saltik mag isa mo! 

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
  • Share/Bookmark

5 Responses to “Sa Mga Gustong Magka-syota”

  1. fooNo Gravatar says:

    tama si maru! mabuhay ang mga walang syota! ^_^

    foos last blog post..Umaga

    Reply

  2. MINENo Gravatar says:

    hayyyy singol is the best way to go na ata :D

    Reply

  3. defpotecNo Gravatar says:

    dapat sa ganung mga eksena.. inirefer mo kay dear jones or kay swami…

    defpotecs last blog post..ang pinaka laspag na dahilan ng mga babae sa buong mundo..

    Reply

  4. ay!!! kung ayaw sumakit ang ulo wag mag syota yon lang yon. kung si maru nga walang fafa! sabi nya ha biko tiyak.pro ok ang buhay;

    Reply

  5. AceNo Gravatar says:

    tama ka rin.. anyway first time ko po sa blog nio. like it so much.

    Alam mo ba maru kung bakit kaya mo mag-advice ng tungkol sa love?

    Kasi lahat ng tao, ke nagkasyota o hindi sa buong life nia, marunong magmahal, at minahal din , either ng parents or ni God, at natural gift yun sa lahat.

    About sa pagkuha ng bf/gf, pagod lang yan. at least pag ikaw lang, walang aangil sa iyo tungkol sa one of the greatest reasons ng break up- selos.

    Reply

RSS feed for comments on this post. And trackBack URL.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled