Kakaaliw Ang Pinoy

Sa live streaming video sa internet lang si Mamaru nanood ng laban ni Pacman kahapon. Ok na sana dun sa unang site na napuntahan ko kasi malinaw ang video at audio. Kaso, nakngpekpek, biglang nawala sa ere ang pinapanood ko kaya karipas na naman ako sa paghanap sa ibang site at dun sa justin.tv ako napadpad.

Nagtiyaga ako kahit italian ang salita nung site.

Parang nag quickie sex lang sa laban si Pacman at Hatton, kaaliw! Pero mas naaliw ako sa kababasa ng messages sa katabing chatroom ng video.

Eto yung ilan sa mga na print screen ko:

caps4

Pansamantalang nawala dito ang audio sa live video na sabay-sabay namin pinapanood ng mga nasa chatroom.
Pansinin nyo ang pamimilosopo, pambabara ng mga mokong…ang murahan. Hehehe!


caps5

Naaliw ako sa mga side comments nung naglalaban na. Hindi ko na halos alam kung saan ako magko-concentrate, sa live video ba o sa mabilis na takbo ng thread sa katabing chatroom.

caps3

Ang mga asaran. ..at may panawagan agad sa mga holdaper pagkatapos na pagkatapos ng laban. LOL!

caps2

Ang mga pagbubunyi ng mga kababayan kay Aling Dionisia….kay Ara Mina…kay Jinky … kay Mahal.

caps1

Pati na rin kay Mura…hanggang sa nakapasok din sa room si Aling Dionisia na hindi magkandatuto sa pag type ng “salamat”.

caps6

Aliw talaga ang maging PINOY.

6 thoughts on “Kakaaliw Ang Pinoy

  1. pag nag-ipon ipon at nagsama sama talaga ang mga pinoy, ke sa ibang bansa, ke sa pinas, kahit saang lupalop di mawawala and asaran at kantyawan, pero masaya naman wala lang pikunan. matagal na akong tumatambay diyan sa justin.tv kasi marami rin pinoy broadcaster diyan, karamihan mga taga California.labyu mamaru.

Leave a Reply to mangkepweng Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.