Nasan nga ba ako kahapon? Siempre, araw ng mga tanging-ina kaya nakipag moment ako sa bagets ko. San pa kundi sa malapit lang samin, sa Eastwood, Libis.
![]()
Hindi pa ako nakapagrampa sa bagong mall ng Libis, ang EASTWOOD MALL.
![]()
Kaya GO kaming mag-nanay na naka-holding hands at may pa-sway-sway pa na naglalakad.
![]()
Daming pa-utot at pakulo sa labas ng Eastwood Mall.
![]()
Daming magagandang nanay, ang dami NAMIN dun. Lol!
Type ko mag-malling dito sa Eastwood kasi hindi siksikan, at dahil kokonti lang ang tao ay maliit ang tsansa na magkapalitan kayo ng mukha ng mga nakakasalubong mo.![]()
Stop kami saglit ni Keziah sa sa Live Cooking Demo ng Magnolia. Sumilip kung interesante ang dine-demo, wiz ko type niluluto nila – mga for kids na lutuin. Eh mga binata at dalaga na kaya ang mga junakis ko.
![]()
A shot inside the mall.
![]()
Nabasa ko…sa isang shoe shop.
![]()
Kodak ng kung anik-anik lang.
Habang nagpapahinga sa isang bench. At habang nakatingala.
![]()
Kinakailangan ko bumalik sa Friday, May 15 sa Eastwood. Shhhh! May date ako.
Kanino?
…kay mahal na Poon!







