
Hindi ko alam kung paano at saan ako mag uumpisa sa paglilinis ng bahay ko. Graveh! Wala ako masabi sa bagets kong lalaki sa pagiging burara at pagiging makalat. Spitsless aketch!
Dalawang buwan akong nawala…at dalawang buwan din hindi nakatikim ng walis o linis ang bahay ko. Dahil sa masama ang pakiramdam ko nang makabalik dito sa amin…hindi ako agad nakapag start maglinis.
Sa totoo lang, unang gabi ng pagtulog ko…kinakabahan ako at baka biglang may tumayong lalaki mula sa ilalim ng kama namin at gahasain ako (asa pa ko!). Bakit ko nasabi? Jos ko! Yung alikabok sa loob ng kwarto namin…pormang tao na sa kapal. Lols! Exaj ba? Di nga, pwedeng-pwede na magtanim ng kamoteng-kahoy dito sa loob ng bahay, as in! Hehehe!
Speaking of plants…patay lahat mga tanim ko sa loob ng bahay…namatay dahil sa walang dilig
Eto ang pinakamatindi, mahihiya ang Mount Apo ng Davao sa taas o ga-bundok na mga labahin ang bumungad sa akin.(Exajs na naman ba?)
Minsan lang naglaba sa loob ng 2 months ang bagets kong lalaki. Nakngkuba talaga! Hinintay pa talaga ang pagbabalik ko para maglaba ng mga damit nya.
Nagmumura ang lababo sa dami rin ng huhugasan ng dumating ako. Kaya imbis na gusto ko agad magpahinga dahil sa may FLU ako…minadale ko na ang paggaling. Di pwede sa akin ang mahabang pag iinarte kahit may sakit.
Na-check ko rin ang lagayan ng basura namin. Amp! Puro mga wrapper at styro ng instant noodles at mga de-lata ang nakita ko!
Whew! Wala akong masabi sa mga lalaki. Dapat nagtatalak na ako sa anak ko sa ayos ng bahay na naabutan ko kaso di ko rin talaga trip ang mag NAG. Ayoko ng mahabang diskusyon. Natural na nga yata sa karamihan na mga lalaki ang burara.
Wish nyo na lang ako ng goodluck at nahaharap ako ngayon sa matinding make-over ng pamamahay ko.





waahhh… sinabi mo pa… lalo na sa bahay namin, mga kuya ko hay naku napaka burara, wawa aketch kasi only rose among the thorns ang byuti ko. wakekek talaga.
ang hirap kaya mag linis ng bahay.. lalo na pag mga kasama mo ndi man lang marunong humawak ng tambo…
kainez tlaga…
bka po mabinat ka niyan.
[Reply]
aysus sinabi mo fa! stressed ulit no after two months vacation..hahahay!
joys of motherhood pa rin? hihihi…
[Reply]
MARU
Reply:
June 8th, 2009 at 8:11 am
hays langga, am back to reality na naman. kakapagod lalo na at naka sched ang tubig dito sa amin ngayon dahil ma inaayos yata na linya ng tubig.
but im hoping na babalik din sa normal ang lahat. echoos!
[Reply]