“Boys don’t cry.” Yan ang kadalasan sabihin in english ng mga parents na conyo sa mga bagets nilang lalaki na mga conyo din siempre.
Pero sa mga magulang na jologs,.. “hoisst! wag ka ngang iiyak-iyak diyan! Kalalaki mong tao iyakin ka!” Yan naman ang sigaw nila in tagalog sa mga anak nilang jologs din.
Sabi nila, mga bading o binabae lang daw na lalaki ang umiiyak. Asows!!!
Bakit ko ba nabanggit ang tungkol sa pag iyak ng isang lalaki. Eh kasi baliktad ako, mas humahanga ako sa lalaking keverless kung umiyak. (Wag lang yung ngumangawa kung umiyak with matching papadyak-padyak ng paa. Pucha! Ibang usapan na yun.)
Nakakabilib ang lalaking hindi nahihiya ipakita yung feminine side nila. Yung hindi shy ipakita din ang pagiging sensitive nila lalo na pag nasasaktan na. Sabihin mo ng sign ang pag iyak ng pagiging mahina…eweno naman ngayon? Tao lang naman tayo at lahat ay may kahinaan, di ba? Para sa akin, pagpapakumbaba yun. Isang pag amin na isa ka lang mortal at hindi ka isang Jos.
O sya, sige kunyari si Superman ka na. Pero kahit naman si Superman may kryptonite din na nagpapahina di ba? Maalala ko, kay Iron Man meron ba?
Hindi masama ang umiyak at lalong hindi masama ang maging sensitive. Mas gugustuhin ko pa siguro ang maging sensitibo kesa naman maging manhid.
Kinakailangan nga raw na kasama sa pag angat sa buhay ang pagiging sensitibo. Kung papansinin mo ang mga sensitibong tao ay hindi mayayabang? At ang mga tunay na mayayaman ay hindi rin mayayabang. Ayun! Derpor, pag sensitive ka…may tsansa kang yumaman! ( Ay! Ang gulo!)
Nways, I do agree with FRANCIS J. KONG when he said…
“Some of the most successful businessmen I know are gentle and sensitive people. It seems that the more successful they are, the more humility they show. Unlike a lot of showboats I see, always trying to make a statement, always trying to impress. You find these people in the work place. You see them in your community and you even find them in church. Strong willed, aggressive, ambitious and arrogant, these people will spare no effort in showing you who’s the boss around. Inflated with ego, sure and cocky, you find them all over the place.
But not the truly successful people.
The truly successful people are sensitive people. Concerned with giving kindness and determined to practice humility.”








hai naku sinabi mo pa, im inlove with him because he doesnt have inhibitions to cry in front of me, lalo na pag nasasaktan na talaga siya.
babaw ng luha.
pero astig…
Reply
hindi ko kasi talaga gawi ang umiyak sa harap ng isang lalake (anosiya? sinuswerte?!) kaya hindi ako particular whether he can cry infront of me or not. but of course, sinong babae ba naman ang hindi lalambot ang puso kung sa iyong pag-alis ay hahawakan niya ang kamay mo at matambad mo siyang may tumatakbong isang butil ng luha sa kanyang pisngi at mahinahon ka niyang sinasabihan ng “dont go”?
okey ang maging sensitive, wag lang siyang maging mas pusong-babae pa kaysa sa akin dahil kung hinde, memeyk-upan ko siya!
siangelnawalangpakpaks last blog post..Nang naligaw si Angelnawalangpakpak sa Public Health
Reply
aw!naalala ko ng minsan na muntik kami mag break ng siopauQ.may i cryola talaga ang drama nia habang nagsosori cia..
para sa akin yun ang tunay na lalaki yung handang maging mahina ,handang umiyak kung nasasaktan na talaga pero handa rin magpakatapang sa oras ng kagipitan..
azuls last blog post..nilalangaw na ko…
Reply