Wala Akong Pinagsisihan

Quote from one of my readings on parenthood…

“Your children know you love them by your presence, not your presents.”

Pasintabi sa mga OFW’s na mga nanay na may mga naiwan na mga anak dito sa Pilipinas. Alam ko ang feeling ng isang magulang na nasa abroad na nagsasakrispisyo para lang makapagbigay ng medyo bonggang buhay sa pamilya na naiwan dito.

Si Kevin pa lang ang junakis ko noon ng nag work pa ako sa Dubai at may time na bigla na lang nalalaglag ang luha ko sa plato na kinakainan ko tuwing nakakaramdam ako ng pangungulila sa anak ko. Nakngwekwek! Belib me, ang hirappppp!  Abot-langit talaga ang pagtitiis!

Sure ako na 100% sa mga OFW moms ay  napipilitan lang na iwanan ang mga anak dito sa Pilipinas. Ang sabi ng iba, sa hirap ng buhay dito eh no choice sila. Ewan ko ha, pero naniniwala akong may choice pa naman tayo na iba. Solong-nanay din ako pero iba ang naging choice ko noon. Mas pinili ko ang  iwanan ang Dubai kesa iwanan sa iba ang dalawa kong tsikiting.

Iniwanan ko ang magandang trabaho, luho at mga naging kaibigan ko dun para tuluyan makasama ang  mga anak kahit alam ko na walang naghihintay na work sa akin dito sa Pinas.

Eto ay walang halong biro, pero mas naniniwala kasi akong higit sa lahat, mas kelangan ng mga anak ko yung full time presence ko sa  kanila kesa kikitain ko sa pangangamuhan.

Minsan ko rin sinubukan ang maging empleyado ulit dito sa Pilipinas pero after 2 years eh nag quit din ako. I decided na maging isang stay-at-home mom na lang . Kung paano ko bubuhayin ang mga anak ko, Bahala Na, yan lang ang sabi ko noon.

Siempre for a smart and thinking mom like me (naks!!) hindi pwede na hindi ako rumaket kahit nasa bahay lang, otherwise titirik mata namin sa gutom. Nag home business ako at ang dami ko rin sinubukan nun na para lang kumita.

Hindi naging madali ang resulta ng desisyon ko. Masasabi ko na kahit ngayon ay may kakapusan pa rin kami pagdating sa finances. Kaya wala kami masyadong luho dahil hindi namin talaga afford.

Basta priority lang talaga ay ang mapunan ang basic needs namin at ang schooling ng mga bagets ko. Siempre, nakapag isip din ako noon na ano kaya kung balik na lang ako sa pagwo-work sa abroad?

Kaso mas naiisip ko talaga na maaaring maibigay ko nga siguro LAHAT ng materyal na bagay at luho na kailangan ng mga bagets ko… pero ma-appreciate naman kaya nila yun? Kayanin ko naman kaya ang emptiness na mararamdaman ko sa pag nasa ibang lugar na ako? Baka naman magsisi lang ako.

Siguro naman may nakapanood sa inyo ng pelikulang “ANAK” ni Vilma Santos. Ay! Super-crayola ako sa movie na yun na punong-puno ng aral para sa mga OFWs. Siempre naka-relate din ako.  God forbid, ayokong maging ganun ang mangyari sa mga anak ko.

Kaya mas pinili ko na maging stay-at-home mom kahit solo parent ako dahil gusto ko yung tipong… paglabas ng bahay ng mga anak ko ay andito ako sa bahay at sa pag uwi nila ay dadatnan nilang andito din sa bahay.

Nararamdaman ko naman na kampante ang feeling nila knowing na sa pag uwi nila ay may madadatnan silang nanay o magulang dito sa bahay. Tingin ko rin eh importante ‘to at malaking bagay para sa kanila.

Di ko man naibibigay ang lahat ng materyal na bagay para sa mga anak ko… sapat na siguro sa akin na balang-araw ay maikwento nila sa mga kaibigan nila o siguro sa mga anak din nila na….“si Mama ko, kahit halos tumambling na sa hirap noon sa pagpapalaki at pagpapa-aral sa amin…pero hinding-hindi nya kami INIWAN. (Kasehodang bumalik ang virginity nya at hindi na makapag-asawa.)”

O ha! Ang taroosh di ba?!! Lol.

Ang nabanggit kong desisyon sa itaas isa sa mga NO REGRETS if not dabest kong nagawa sa buong buhay ko.

10 thoughts on “Wala Akong Pinagsisihan

    • haynaku dai! siempre…minsan lang sila maging bata. walang replay yun. gusto ko talaga masubaybayan sila habang lumalaki. tsaka siempre iwas din ako sa guilt feeling na di ko man lang sila naaasikaso o nababantayan.

  1. ang astig mo, isa ka sa mga best mom sa buong mundo.
    yung iba nga diyan iniiwan talaga yung anak nila kahit hindi naman sila mag aabroad.
    apir…
    pag naka pag asawa ako, magiging huwaran ko ang pagiging ina mo sa mga anak mo. hehehe
    asikaso to death..

  2. im an OFW and i do understand the feeling of emptiness kasi me mga anak din ako. i was away for two yrs from them when i decided to bring them sa bansa na pinagtatrabahuhan ko. i think thats the bets i can do rather than lose the job that pays every single bill i have to settle. kagandahan, sama sama kami ngaun dito and happy sila na at long last inde na nila kailangan humiwalay sa kin.
    .-= joyce ira´s last blog ..model? =-.

    • hi joyce. thank you so much for visiting my blog.

      good for you at nadala mo mga kiddos mo diyan sa abroad. that’s one smart move para nga naman makasama mo sila lagi.
      nasubukan ko rin dalhin noon ang Kevin ko dun sa Dubai. mga one year din sya dun kaso inuwi ko rin kasi hirap ako maghanap ng katulong para alagaan sya habang nasa work ako.
      nways…sana mas maging okay pa lalo kayo diyan. ingat.

  3. Agree with that we have to make feel them how much we love them by our presence by giving them to time, with plying them, passing time with them not love shows only by giving presents.

  4. hi ate maru im only 19 but turning to 20 soon binasa ko lahat ng mga blog mo kagabi lang ako nag start grabeh ka gabi ko lang din na dicover tong blog site mo:( bilib poh ko sayo kasi you choose the best na magagwa mo para sa kids mo anyways mudra na din poh ko ng two kids ahhm di pala baby pa din sila 10 months old pa lang sila ate maru i think i need some advice na galing sayo how can i help my self para mataguyod ko yung twins ko gaya ng nagawa mo im not sure kung ma papansin mo yung comment ko but im hpping na sana oo:) thnks poh and i love your sms jokes and some short story na kaka relax basahin! keep safe goodluck poh

    • Hi Jhane, sensya na ha kung ngayon lang ako nagreply dito sa comment mo. sa totoo lang medyo nanghagilap pa ako ng sasabihin eh kasi naman hinihingan mo pa ako ng advices eh. parang na-shy naman ako dun. para bang ang galing galing ko na as a mom. (echoos!)

      gulat ako sau dahil 19 years old ka pa lang eh mother of twin ka na. Jos ko, nung 19 ako…virgin na virgin pa ako nun. hehhee!

      di ko alam kung paano ako mag aadvise sa u at sa anong punto. ganito na lang, every now and then eh nagpo post naman ako ng mga experiences ko as a single mom or about motherhood. from there, siguro pulutin mo na lang ang mga aral (kung meron man) na pwedeng swak sau.

      touch naman ako sa mga papuri mo sa blog ko. maraming salamat ha? nways, sige kung kelangan mo payo sa specific na bagay…email mo lang ako. anytime, dear.

      ingat ka lagi at sana in good health ang twin mo. God bless.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.