Bagets

Nami-miss ko ang mga bagets ko nung mga beybi pa lang sila. Nami-miss ko kung paano ko sila i-wrestling para pupugin ng halik at kiliti noon. Ngayon kasi parang awkward na kung gagawin ko pa sa kanila, eh mas malalaki pa kaya sila sa akin. :(

DSCF0267-1

Pero mas ayus pala na malalaki na sila, ngayon na mga teenagers na sila. Para kaming hindi mag-iina. (Para kaming mag-lola. Lol.)

18 years old na si Kevin at 13 naman si Keziah. And if you do the math, yes that makes me 36 years old now. Bwahahaha!

DSCF0261

Constant companion ko ang unica hija ko. Halos lahat din ng lakad ni Keziah, gusto nya na ako ang kasama nya.  Da-barkads kami kumbaga. Ibang-iba rin talaga ang anak na babae dahil pag nasa Mall kami, kahit ilang oras kami paikot-ikot halimbawa sa ladies shoes section o kaya sa kikay section – never ko mariringgan ng reklamo na kesyo pagod na o gutom.

Magkasundo na magkasundo rin kami kahit siomai, sago at gulaman lang ang kakainin sa lunch namin. Walang arte-arte.

DSCF0263-1

Enjoy ako sa mga teenagers ko. Nang dahil sa mga bagets ko ay kahit papano ay updated ako ng mga latest pop music craze. Sila ang dahilan kung bakit mas gusto ko si David Archuleta kesa kay David Cook. Sila ang dahilan kung bakit alam ko ang number 1 song sa US Top 40 ngayon.

Wala akong magagawa, pwersado rin talaga ako magustuhan ang mga latest pop songs dahil sa mga  MP3 players namin, iPod at kahit sa iTunes sa computer…puro mga choices ng mga bagets ko ang mga naka karga dun.

Sila ang dahilan kung bakit naging labs ko si Avril Lavigne, si Miley Cyrus, si Rihanna, si Taylor Swift at si Beyonce. Sila ang nagtulak sa akin para maging peborit ko ngayon ang Kelly Clarkson’s My Life Would Suck Without You. O di ba, jeproks na jeproks ang dating ni Mamaru. Lol!

At pag naririnig na ang Jai-Ho ng Pussycat Dolls, sabay-sabay kaming iindak ng mga bagets ko na parang mga timang. Sasabayan pa ng birit ng…

“(Dyay Hoo) Yu ar da rison dat ay breeet,
(Dyay Hoo) Yu ar da rison dat ay steel belib,
(Dyay Hooo) Yu ar may destineeee,
Dyay  hoo! Oh! Oh-oh-oh-oh!
Dyay Hoooooo!”

Siempre istir ko lang ‘to at dinadahilan ko lang ang mga bagets ko. Ang totoo nyan ay bagets na bagets pa rin naman talaga ang puso ko. Weeeee!

Related Posts with Thumbnails

5 comments

  1. antukenNo Gravatar says:

    teenager na teenager na ang itsura nya mamaru. parang the last time i saw her, neneng-nene pa sya.

    mas updated ka pa kesa saken tungkol sa mga songs ah. ako, old soul ata. oldies ang mga gusto kong kanta. hahaha.

    mishu sexy mama.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hay chonapie…mas malalaki pa talaga sila sa akin. nakakailang na nga yakapin eh. at dalaga na po yan. :D

    [Reply]

  2. Ako e, yung anak ko na 4 years old hanggang dibdib ko na. Nursery pa lang yun, pano pa kaya kung high school na. At least nalalambing pa din namin ng mommy niya. Ewan ko lang pag nasa harap na ng classmates.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    nakow bro, samantalahin mo na ang ganyan pa sila kaliit dahil totoo pala yun na pag malaki na sila…nakakailang na makipag harutan sa kanila o akap-akapin.

    [Reply]

  3. carlrockzNo Gravatar says:

    ate taga wer kau ganda ng anak muh po ahhhh hehehe pwde po magg tanong tsk tsk ilan taon n xa heheh thanks

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge