Sino Ka Para Mangutya?

Maalala ko lang, minsan nabasa ko sa isang showbiz website ang tungkol sa MALIIT lang naman na girian ni Pokwang at ni Cristine Reyes.  (Hehe! Showbiz tsismax muna tayo ngayon, mga kabagang.)

Sinabi kong “maliit” dahil sa wala naman halos wenta ang naging problema nila kung ikukumpara sa problema na kinakaharap ng bansa natin sa AH1N1.

pokwangchristine_reyes

Enways, eto ang naging wento nun, medyo may ikinasama lang daw ng loob si Pokwang  dahil sa mga pag-iinarte ni Cristine Reyes (na sikat sa pagkakaroon ng attitude problem) sa set ng taping nila sa ABS-CBN, pero ang pinakahigit sa lahat ay ang pagtawag ni Cristine na “matanda” kay Pokwang. Ngek! o di ba, ang babaw nga naman.

Ang tanong, Eh bakit ko pa ibino-blog itetch kung mabababaw nga naman? Howel, gusto ko lang ilabas din ang saloobin ko tungkol sa pagsabi-sabi ng “matanda” sa kapwa natin. Oo aaminin ko, nakaka-relate ako kay Pokwang. At oo aaminin ko, wala na ako kabataan kung edad nga ang pag uusapan.

Ewan ko lang ha kung makakalimutin ako, pero kahit hindi ako lumaking kasama ang mga magulang ko, NEVER kong natutunan yung ugali o maalala na may kinutya akong tao dahil sa may edad na o matanda na sya.

Ibig kong sabihin na hindi nga siguro ako yung taong lumaking may mataas na breeding pero pagdating sa pagbibigay ng respeto sa damdamin ng kapwa ko, kahit papano sensitibo akong magbitiw ng salita na pwedeng ikasakit.

I dunno but I find it in bad taste mocking a person just because he/she is older.

Oo, wala nga sigurong masama ang magsabi ng totoo pero kung may bahid ng pangungutya o kaya ipagdidiinan mo pa kung ano ang obyus – mukhang di naman tama yun. Kung tutuusin, may masama nga ba sa pagiging matanda?

Ilang ulit na rin natin sinasabi o naririnig na lahat naman tayo ay dun papunta (yun ay kung di ka agad matigok) – sa katandaan.

Tama si Pokwang sa sagot nya na hindi na lang daw nya papatulan ang bata sa pangungutya sa matatanda dahil balang araw ang batang yun ay tatanda rin. Pasasaan ba at babalik at babalik din sa kanya ang nagawa nyang pangungutya.

May dagdag na pasaring pa si Pokwang dun sa sexy star na tipong ganito, “hindi habambuhay ay bata ka, at maganda. Bukas, may darating at darating na mas bata, mas maganda, mas sariwa at mas sisikat.” O di ba, ang tarush! Tama nga naman.

Kaya kung ikaw ay nasa edad ng kabataan pa at nagbabasa netong blog ko ngayon, sana ay matutunan mong pahalagahan ang kabataan mo ng hindi naman dapat kinakalimutan ang magandang pag-uugali.

Ang batang edad mo na yan ay lilipas at lilipas din yan. Ok, gawin mo kung ano gusto mo, magpakasaya ka at i-enjoy mo ng todo ang kabataan mo pero tandaan mong hindi mo na kinakailangan ang mangutya pa ng edad ng mas nakakatanda sa yo porke’t nasa batang edad ka.

Sana tandaan mo na lang na pag may kinutya kang tao ng dahil sa edad nya, ay para mo na rin kinutya ang katandaan ng mga magulang mo at mga nakakatandang kapatid. Amen?!!

Related Posts with Thumbnails

16 comments

  1. MelithNo Gravatar says:

    e2 na naman ako..pingi piso ate maru..outdated kc ako pgdating sa local showbiz. hehehe buti nalang napost mo 2 atleast ngaun alam ko na..tnx..parang drugs yung blog mo ate maru. ewan ko ba sa isang araw 4beses ako mgopen..weeeh piso ko san na?hehe

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hehehe! di ko ma-gets ang paghingi mo lagi ng piso, ateng. kaw talaga…

    maraming salamat ulit sa pagsubaybay…iipunin ko ang mga hiningi mong piso. lols.

    [Reply]

  2. pidroNo Gravatar says:

    very good point, sana maging sensitive mga kabataan. Si Pokwie ba talaga nasa photo or si Lucy Liu? :)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    waaaaa! mali yata ang pulot ko ng pics! tama ka, si lucy liu nga yan! naghanap kasi ako ng magandang kuha ni powkie…yung look-alike pala nya ang naharbat ko. hahaha

    [Reply]

  3. Jay DeeNo Gravatar says:

    lucy liu :D

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hahaha! korek ka! waaaa! mali ako. pero ok na rin yan.

    [Reply]

  4. Klet MakuletNo Gravatar says:

    yun kasamahan ko sa trabaho yan lagi ang sinasabi sa amin pag nagtatampo yung boss namin “yaan mo na matanda na kasi” parang ibig nyang sabihin ulyanin na at medyo kung sakin sasabihin yun eh di ko rin gusto…

    Teka si pokwang ba talaga yan? parang si lucy liu (tama ba spelling?) yan?

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    mali nga ako. si lucy pala yan. nakngtokwa! hahaha! sensya na.

    [Reply]

  5. JAYNo Gravatar says:

    I really love this blog, it makes may day so bright..Keep posting…

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Thank you so much Jay, for giving me a read.

    [Reply]

  6. kimpoyNo Gravatar says:

    haha! natawa rin ako dun. akala ko naman pa ti si lucy liu ay sinabihan ng matanda ni christine. lols

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    ang engot ko nga…pero ok na rin yan. look alike naman si lucy ni pokwang.

    [Reply]

  7. blutin13No Gravatar says:

    Amen! Nice read Ms. Maru! No need to say more :)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Hi blutin! Thank you pero pagpasensyahan nyo na ang nai-post kong pic ni Pokwie at medyo sablay. Hehe!

    [Reply]

  8. a.r.d.y.e.y.No Gravatar says:

    walang channel 2 dito sa qatar kaya hindi ko na alam kung nagpaganda na ba si pokwang.

    nanghinayang pa ko sabi ko bat hindi ko naging crush si pokwang may itinatago din palang ganda. hahaha! kung hindi ko pa nabasa yung comment eh patuloy ko pa ring pagpapantasyahan si pokwang. whew!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Pareng Ardyey, tawa ako ng tawa sa comment mo. pwede mo pa rin naman ituloy ang pantasya mo. Laman-tiyan din naman si Pokwie. Hehe! Sumablay ako sa pic nya, eh kasi naman gandang-ganda naman din ako kay pokwang noh…as you know beauty is in the eye of beerholder.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge