My MARUISM blog is turning 3 years old next month.
Olalah! Tatlong taon na pala akong nagbobloger-blogeran. Pero bakit pakiramdam ko parang 5 taon na akong blager? Lol!
Hindi ko alam kung paano ko ise-celebrate ang 3rd year anniversary ng blog ko.
Ano kaya ang magandang gimik? Magpa-contest kaya ako? At mamudmod ng premyo? Siempre may premyo, a cash fries of 30 tawsan pesoses na may kasamang 2 days and 3 nights stay at Villa Estrella. Hehe!
Pero anong contest naman kaya ang maganda?
Naisip ko…ipabilang ko kaya lahat ng VOWEL ng blog entries ko mula noong July 2006? Papatok kaya? Kayanin nyo naman kaya? At dapat tama ang bilang nyo ha? Hahaha! Langya, para ka na rin nagbilang ng stars sa langit nun.
Siempre blog ko to at alam ko ang lahat ng bilang ng vowel dito. Loko! Siempre hindi ko sasabihin sa inyo kung ilan lahat hangga’t hindi natatapos ang contest. Abah! Pucha naman, kung may duda kayo sa bilang ko… eh di bilangin nyo ulit! (Korni! Hmp!)
At dahil 3 taon na ang blog ko, parang type ko ang mag blowout, magpa-cater ng lafang sa CIBO at imbitahin ang lahat ng readers ko para magselebreyt ng blog anniversary ko sa Sofitel Hotel. Hmmmn….nakngpuke talaga! Tunog-adik na naman ako! Hirap talaga pag walang maisip na topic para mai-blog! Hahaha!
Sa totoo lang, eto ang isang hirap sa pagiging blogger at palagay ko lahat ng blogger ay na-experience na ang ganito…yung gusto mo mag update ng blog mo pero wala ka naman maisip na topic na may katuturan o kaya interesante.
Minsan andun yung hinihila ko na nga lang ang sarili ko na lumabas ng bahay at tumambay sa peborit coffee shop ko dito sa Iligan para lang makapag concentrate sa entry na ibo-blog ko. Dito kasi sa bahay, para akong praning. Sabog ang utak ko dito dahil sa daming obstruction of justice distractions.
Kaso nga lang pag nasa coffee shop naman ako…siguradong mapapagastos din ako. Parang nanghihinayang ako sa mahigit sandaan para sa kape lang. Tapos bitin pa sa kape. Whereas dito sa bahay kahit isang balde ng kape ang laklakin ko… libre! (Nanay ako…ekskyus ako pag nagkukuripot. At nagiging praktikal lang po ako.)
Nways, sana kahit dumadaan ako sa paminsan-minsan na blackout ng isip…sana tumagal pa ang blog ko na itetch.








happy 3rd. ok lang ang magblackout paminsan. nangyayari sa lahat yun. pero pag meron namang naisip, parang rain, it floods. hehehe.
go pa rin sa pagblog. hanggang tumanda. =D
Reply
MARU
reply on June 26th, 2009 6:15 am:
Tama ka, pareng ardyey…way of life ko na yata ang pagbo-blog hanggang sa jumatan na ako ng todo. At sana andyan ka pa rin hanggang sa pumuti na ang mga buhok natin. LOl.
Reply
wow ang astig.. magtatagal blog mo pwamiz… may fans k na eh…
anyway, suggestion, bakit hindi na lang vacation dyan sa bahay mo ang price? hehehe… bonding with you. hehehe
kaya lang ala ako maisip na contest… hmmmm… basta sasali ako kahit ano pa contest mo. hehehe
Reply
MARU
reply on June 26th, 2009 6:19 am:
Shea ateng, mas maganda at exciting sa Villa Estrella kesa Villa Mamaru.
Sa ngayon talaga wala akong maisip na pa-kontest kaya kung ako sa yo….wag na lang umasa. Basa lang muna ng basa. Hahaha! Take care, shea!
Reply
wow! happy anniversary maru! ganda ng idea mong pabilang ang vowels. kung gusto mo para mas masaya, pabilang mo din ang consonants tapos pagawa ka ng graph para ikumpara ang dami nila. o di ba, kabog.
anyways, happy anniversary! ur blog is one i visit everyday, so keep posting! fans mo ako! hehe
Reply
MARU
reply on June 26th, 2009 6:22 am:
Zaizai, u never fail to give me a good laugh everytime u drop a comment. Hahaha! Ang tarush ng idea mo talaga kaya labs na kita.
Maraming salamat sau, sister! Mwaaah!
Reply
hapi terd yir anibersari syo mamaru.. kip it ap! Gudlak sa susunod pa na mga taon!
Reply
MARU
reply on June 26th, 2009 6:24 am:
Joh! Mustasa ka na ganda? Sana nga payamanin na ako ng blog kong to sa mga susunod na mga taon. Thanks for being here nga pala.
Reply
pasali ako sa contest ‘pag meron…
Reply
MARU
reply on June 26th, 2009 6:24 am:
Waaaaa! Ayoko magpa-kontest! Gastos yun. Hahaha!
Reply
ako din sali ha!
Reply
MARU
reply on June 26th, 2009 6:26 am:
hehehe! honestly, wala akong maisip na gimik. di kasi ako gimikera. naks!
Reply
hapi threesome years mare! sa wakas nagbukas na din tong site mo, ilang araw din diko ma-access
Reply
ahh! labs mo ako maru? labs na labs din kita.
Reply
congratz! mamaru…kung di ko pa natuntun tong blog mo… cguro di pa rin nakakitaan ng ngiti ang mga araw ko… keep blogging sexy mama…ru… you’re one of a kind!!
Reply