Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

Ang Swerte Nga Naman

June 26th, 2009

Eto ang chika sa akin ng horoscope ko sa Facebook.

pisces

Hindi man ako nagpapaniwala sa mga horoscope, medyo na curious ako sa sinabing “Your lucky day this week will be Thursday.” Bale kahapon yun kasi Friday na ngayon di ba? At pag magtuloy-tuloy ang araw na ‘to, Sabado ang susunod na araw. Pag bukas ay sabado, siguradong Linggo na ang susunod na araw, tama ba ako? Hehehe! Hangkulit!

Siempre pinatapos ko muna ang buong Thursday kahapon kung totoo nga bang LUCKY ang araw ko. Isip isip ko, ano kaya ang magiging swerte ko? Hindi naman siguro ako tatama sa lotto kasi hindi ako tumaya lately.

Hmmmn…may makikilala kaya akong lalaki na magiging fafa ko? Huwaw! Kaka-excite! Kaso mas lalong malabo kasi hindi naman ako lumabas ng bahay at ang nakita ko lang na lalaki kahapon ay si Manong na nagdedeliver ng tubig sa amin. Anoveh!

Kagabi bago natulog, sabi ko, wala naman kagila-gilalas na nangyari sa Thursday ko a. Sabi ko nga ba, mali horoscope ko. Hmp!

At eto na nga ang Friday. TGIF! Kaso paggising ko kaninang umaga, bumulaga sa akin ang balitang dedbol na sina Farrah Fawcett at Michael Jackson. Siempre na-sorpresa na mejo naglungkot-lungkotan din ako. Hindi man ako die-hard fan ng dalawa eh nagmuni-muni na rin ako na sana sumalangit nawa ang soul nila.

Ang iksi talaga ng buhay. Tsk! Tsk! At ang yayaman ng mga celebrities na ‘to pero wala man lang nagawa ang pera nila para lutasin ang sakit nila o kaya pahabain man lang ang buhay nila. Pag ginusto talaga ni Lord, tameme tayong lahat.

Then suddenly something strucked me, I realized that my day yesterday which is Thursday – is my lucky day indeed!

Kasi naman heto ako…ALAYB na ALAYB pa! Haleluya!! Ang swerte nga naman!

Bakit nga pala ako maghahanap ng malalaking swerte gaya ng pagtama sa lotto eh yung malagpasan ko lang isang araw ko na buhay pa ako ay napakalaking SWERTE na pala.

Ang swerte ko kasi…

… nakauwi ng buo at maayos ang mga bagets ko galing sa school kahapon.

…kahit walang nagte-text sa akin para kumustahin ako. Napakaswerte ko parin kasi hindi ako nakakatanggap ng masasamang text message o balita tungkol sa mga mahal ko sa buhay.

…imbes na bad news ang matanggap ko ay andiyan ang mga SMS Jokes ni MIKE ( kahit hindi ko siya kilala personally) na matiyagang sinusuplayan ako ng mga  jokes na nagpapangiti sa akin araw-araw.

…kahit wala akong partner sa buhay hindi ko masasabing malungkot ako. Kever kung wala akong sex layp, as long as kumpleto pa ang mga daliri ko…oks na oks ako. Bwahaha!

Nways, kayo? Ano ang swerte nyo?

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
  • Share/Bookmark

Leave a Reply

CommentLuv Enabled