Techie Nanay

Am sure napapanood nyo ‘tong BayanTel commercial sa TV.

Nangingiti ako lagi pag lumalabas na ‘to. I love it coz the techie lola reminds me of my own mother.

Parang magkahawig pa nga sila. Imperness, beauty din ang ermat ko. Haleerrr!  Saan ko pa nga ba mamamana ang ganda ko??

Maputi din nanay ko. Sakto sa height (yun ang di ko namana) at siya na yata ang may pinakamagandang legs na nanay para sa akin!

Halos kasing-edad lang ng techie lola sa tv commercial ang nanay ko nung namatay. Sabi ko nga, siguro kung buhay pa si Nanay ko…malamang nagpa-install na rin yun computer na may internet connection para maka-chat kami at malamang nagtatampo na rin yun sa mga apo nya pag hindi sya nai-poke back sa Facebook! Hahaha! Tampopot din kasi si Teresita (name ng ermat ko).

Hamisyu ‘Nay! Saan ka man naroroon ngayon sana ayus ka lang diyan…at naalala ko pa nga pala ang birthday mo nung June 16. Hays… kung pwede ko lang sana sabihin na “sige ‘nay, text-text na lang tayo.”

Yaan mo Mader, someday eh magkikita-kits din tayo. Sabi pa nga ni Efren Bata Reyes…“tayo pa rin ang magkikita-kita sa FINALS.” Lol!

* * * *

Quote of the Day:

“The sweetest sounds to mortals given
Are heard in Mother, Home, and Heaven.”
~William Goldsmith Brown


4 thoughts on “Techie Nanay

  1. bitaw ai..si nanay kung buhay a then techie sab saon nalang…tapos naka earphone na bluetooth to kay malamang masuko sa text2x kay kapoyan mu type….jejejeje di nako ma imagine..=D

  2. Pingback: Global Voices Online » Philippines: An Internet-Savvy Grandmother

  3. Pingback: Global Voices sa Filipino » Pilipinas: Ang Lolang Marunong sa Internet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.