Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

Pag Lumawlaw Na

June 30th, 2009

Pangalawang araw ko na ‘tong nakiki-WIFI sa mga coffee shop dito sa bansa (probinsya) namin kasi brownout na naman sa bahay.

DSCF0461.jpg

Adik na kung adik pero hindi pwedeng hindi ako mag-online dahil kelangan ko i-monitor ‘tong pinakamamahal kong blog ko kung naka-UP sya dahil pag down ang blog ko…siguradong magpapaliwanag na naman ako sa presinto este sa mga sponsors ko.

At naiirita pa naman ako pag nagrereklamo sa barangay ang mga sponsors ko kasi kelangan ko ang makipag-balitaktakan o sumagot sa kanila in english. Lol! Eh nag iipon pa naman ako ng english ko kasi malay mo baka sa mga darating na araw ay makapag biyahe ako sa mga spokening-dollar countries. Kelangan marami akong baon.

Pasensya na kayo kung lately ay medyo hindi accessible ang blog ko, hindi dahil sa nag iinarte sya kundi inaayos ng labs kong webhost ang server nila at inilipat ako sa mas bonggang server.

Bilib din naman ako dito sa webhost ko… napaka-pasensyoso at talagang magaling. Hindi ka talaga pababayaan. Kaya kung may balak kayo magpa-webhost…kontakin nyo host ko.

* * * *

ANG LUBID

Cardio exercise ko ang skipping rope sa bahay. At least 300-500 skip ang nagagawa ko tuwing nagbabanat ako ng buto o nagpapapawis. Hindi na kasi ako nakakapag jog dito sa amin.

Enways, eto ang pic ng lumang skipping rope ko na nabili sa Toby’s last year. Sa mga nandun sa Toby’s sya ang pinaka-cheap at the price of P110.00.

Dahil mumurahin lang sya ay ano pa nga ba ang maaasahan ko?

Korek! Wala syang kwenta! Hindi magandang klase at laging sumasabit sa paa ko! Susme, ang ingay pa ng bakal sa may handle pag inikot. Pucha! minsan pa nga ay naipit daliri ko diyan! Ah basta, kung bibili kayo ng skipping rope….wag ang ganito klase.

DSCF0441

Naghanap ako ulit ng skipping rope at gusto ko sana ay yung klase kagaya nung sa hipag ko dun sa Cainta. Yung …..BARBIE ang brand! Wahaha! Kaso nung pumunta ako sa Toy Kingdom, wala na sila nung Barbie brand. :(

Kahapon, sa isang Korean store dito sa amin….may nabili akong bago! Swak na swak sa akin ang presyo! Magkano? THIRTY PESOS!

DSCF0436

Nakapagmura ako sa sobrang mura! Ang ganda kasi at ang gaan tsaka nung sinubukan ko sya, potah! ang ganda ng tunog! whooos whooos! whooos! At hindi sumasabit ang mga paa ko ha! Nakakaganang tumalon! Abah! Buy agad ako, mga ateng!

Binusisi ko rin siempre… matibay sya, imperness.

At ang maganda pa neto ay pwede mo syang lagyan ng pebbles sa loob ng handle nya kung trip mo na may weight ang hawakan.

DSCF0438

Howel, kung sakaling makita nyo ko balang araw sa personal. ..huwag na huwag na kayo magtaka kung lumawlaw na ng todo ang bubs ko kahit walang unggoy na laging naglalambitin dito sa dyugs ko. Side-epek na yun ng skipping rope na ‘to..sa katatalon ko na yun!

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
  • Share/Bookmark

Leave a Reply

CommentLuv Enabled