ANAK: Busog na ‘ko
INAY: Ano ka ba? Ubusin mo ‘yan! Hindi mo ba alam? Napakaraming nagugutom sa buong mundo?!
ANAK: O tapos? Pag inubos ko ‘to, mabubusog sila, ganun?
* * * *
CALENDAR METHOD
MISIS: Sabi mo dok, safe ang calendar method. EH bakit ho nabuntis na naman ako?
DOKTOR: Paano nyo ba ginamit ang kalendaryo?
MISIS: Ginawa ho naming banig!
* * * *
ISANG MALALIM NA KASABIHAN:
“Marami kang alam, hindi mo lang alam.”
* * * *
ATTITUDE SA PAGTE-TEXT:
Kapag nanliligaw: “Lunch time na, kain na u. Wag kang pagugutom. Luv u.”
1st 3 months nilang mag-on: “Baby, kumain ka na?Kain ka na ha? Luv u.”
4-8 months nila: “Baby, kakain muna ako. Kain ka na rin. Luv u.”
9-13 months: “Baby, gutom na ako. Kain muna ako.”
14-20 months: “Eh sa hindi ako makapag reply dahil kumakain ako eh! Kumakain yung tao, txt ka ng txt!”
21 months and above: “Mas uunahin ko pa bang mag txt kesa kumain? Buti sana kung mabubusog ako sa kakatxt! Bad trip!”
* * * *
HOLDAPER: Pare, holdap ‘to! Itaas mo ang mga kamay mo, kung hindi…
ANTON: Kung hindi…ano?
HOLDAPER: Kung hindi…ahh…ehhh! ‘Wag mo kong lituhin! Baguhan pa lang ako!
* * * *
Sa McDo…
CUSTOMER: Miss, may wi-fi ba kayo?
CREW: Ay sir! wala po eh! Apple pie and taro pie lang po.
* * * *
PEPE: Anong parte ba ng babae ang tinatawag na YET?
JOJO: Hindi ko alam. Bakit?
PEPE: Kasi, sabi rito sa dyaryo, “A girl was shot in Malate, and they haven’t been able to get the bullet out of her yet.”
* * * *
NANAY: Anak, haindi ka ba nahihiya? Linis ako ng linis dito tapos ikaw naglalaro lang dyan?!
ANAK: Nay, di ba mas nakakahiya kung ako ang naglilinis dyan at ikaw ang naglalaro rito? Umayos ka r’yan, nay!
NANAY: Sorry na, anak!







