Eto Ang Gusto Ko

July 12th, 2009

student at 77

“Lola, 77, returns to school. Dreaming to be a nurse at 85.”

Read full article HERE.

O ha! Ano naman say mo diyan sa article na yan ng Philippine Daily Inquirer? Ang taray ni Lola di ba?

After 61 years, back to school si Lola Saling bilang high school freshman!  Take note, ume-excuse lang sya sa klase tuwing kukubrahin lang daw yung kadatungan o pensyones nya.

Hindi naman bago ang ganitong wento o balita. Kaya ko lang naman naisipan i-blog ‘to kasi naniniwala din akong hindi hadlang ang edad para ipagpatuloy o balikan ang mga naudlot mong pangarap.

Wala naman akong plano o pangarap na maging nurse din gaya ni Lola Saling. Pero ang totoo, yan pa naman sana ang gusto ng late Daddy (Daddy daw ‘o!) ko  noon sa akin na maging.

Malalim ang rason ng tatay ko kung bakit gusto nya akong maging nurse: BAGAY daw kasi sa akin ang UNIFORM ng nurse dahil sa MAPUTI ako. O di ba, kaloka! Napaka-deep ng rason!

Malayo pa bago ko marating ang edad ni Lola Saling at wala akong balak na hintayin pa ang edad na yun para masunod ang iba sa mga gusto kong mangyari sa buhay ko bago man lang ako matigok.

Sa ngayon kasi, pera, atik, anda, salapi, kwarta, datung ang problema ko kaya hindi ko pa magawa-gawa ang mga gusto ko. Sinimplehan ko na ang mga pangarap ko para hindi naman ako mahirapan na matupad.

Eto ang mga binabalak ko:

    Bumalik sa pagiging estudyante pero Culinary Arts course ang gusto kong kunin.

    Puntahan ang ibang lugar sa Pilipinas na hindi ko pa napupuntahan pa gaya ng Davao, Palawan at Ilocos.
    Kumuha ng tutor para matutong mag-gitara.
    Mag-enrol sa isang YOGA class.
    Magpakasal mag-isa.

Yan lang muna at hindi ko pa maalala yung ibang mga gusto ko.

 

* * * * *

music note While writing this, I was listening to "Barriers" by David Archuleta

Quote of the day:
I detest life-insurance agents; they always argue that I shall some day die, which is not so. – Stephen Leacock

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner

6 Responses to “Eto Ang Gusto Ko”

  1. Balak pa nga daw niyang mag trabhong nurse sa USA. Tamang-tama, nagtratrabaho siya, sabay kuha ng pension.

    Reply

    MARUNo Gravatar reply on July 13th, 2009 6:44 pm:

    tamang-tama rin baka sya na ang inaalagaan ng mga nurses pagpunta nya dun. lol!

    Reply

  2. SHEANo Gravatar says:

    mamaru matutupad rin ang mga pangarap mo, bata ka pa naman.
    salamat nga po pala sa pagdalaw sa aking blogbahay…
    SHEA´s last blog ..in my dreams My ComLuv Profile

    Reply

    MARUNo Gravatar reply on July 13th, 2009 6:47 pm:

    uu naman! matutupad ko ang mga yan. sa pagpapakasal mag isa…pera lang ang katapat nyan. pag iipunan ko. :D

    ateng! magaling ka na ba? sana nga.

    Reply

  3. Joh CaraoNo Gravatar says:

    mamaru, go go go! don’t let anybody stop you! hahaha.. na-miss ko ang blog mo..
    Joh Carao´s last blog ..Hale My ComLuv Profile

    Reply

    MARUNo Gravatar reply on July 13th, 2009 8:12 pm:

    Waw! Galing naman mo naman mag cheerleading, Joh! Yaan mo at pagsisipain ko ang mga hahadlang sa akin.

    Howel, thank you so much ulit sa pagdalaw mo sa akin dito. :D

    Reply

RSS feed for comments on this post. And trackBack URL.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled