Medyo panis na ‘tong chika ko tungkol dun sa bagong laya na si Eugenio Vagni na hostage ng mga Abu Sayyaf dun sa Jolo.
Dapat noong July 13 ko pa ‘to nai-post kaso medyo bisi-bisihan ako sa mga kalandian ko sa buhay kaya eto naabutan ako ng pagkapanis.
As of this writing, nakabalik na yung italyano Red Cruz Cross volunteer sa bansa nya.
Ay sus, eh laya na pala at nakabalik na yung pobreng bihag na italyano, ano pa ang inaano-ano ko tungkol sa ano na ‘to?
Hehe! Gusto ko lang po naman sumaludo at magbunyi… dahil minsan na naman napatunayan ang pagiging ASTIG ng mga ka-gender ko!
Maniwala kayo, pagdating sa kuma-kumander na yan, walang sinabi ang mga lecheng pugot-ulo na mga kumander ng Abu Sayyaf na kinatatakutan dahil ang totoong mga KUMANDER sa mundo ay walang iba kundi ang mga kababaehan! Si MISIS!
Abah! Ayaw nyo maniwala? Read nyo ‘to.
‘Nagging’ wives led to Vagni release’ - Philippine Daily Inquirer
First Posted 19:04:00 07/12/2009
Parang na-imagine ko na kung paano dinaig ang mga automatic armalite ng mga rebelde sa pagratsada ng bunganga ng mga misis ng Abu Sayyaf lider na si Albader Parad! Take note, hindi lang isang misis nya ha, DALAWANG misis nya! Potah! Pag hindi pa ba naman marindi ang lalaki sa dalawang bungangerang misis, ewan ko na lang!
Ewan ko lang kung gaano talaga katotoo ‘tong chika ng Inquirer at baka naman ang katotohanan talaga ay nagkabayaran ng ransom kaya napalaya yung italyano, di ba?
Pero kung totoo na dahil sa “nagging” ng mga asawa ni Parad ang naging dahilan sa pagpapalaya, abaw gid! Kung ganun, mabuhay ang mga bungangera! Lols! Sila dapat ang mga ipinapadala ng gobyerno sa Jolo imbes yung mga sundalo!
Uy, sino may sabi na aping-api kaming mga babae?
Enways bago ako magtapos, kung babae ka at isang api, at nagbabasa ng blog ko ngayon – eto ang para sa ‘yo: JOIN ka na lang sa P.U.K.I! (Pangkalahatang Unyon ng Kababaehang Inaapi) at makipag volt-in ka!
* * * * *
Point To Ponder (courtesy of Mike):
“No matter how often a married man changes jobs, he always ends up with the same boss – his WIFE”.








