Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

Eto Lang Ang Masasabi Ko

July 19th, 2009

7-19-2009 3-07-43 PM

Dear Bakekang, dito na ako sasagot message mo ha? Sabi ko, talagang bibigyan ko ng espasyo dito sa blog ko ‘tong iniwan mong chika sa CBOX ko.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, alam mo ba kung bakit ginawan ko talaga ‘to ng blog entry? (Siempre hindi mo alam). Yun po ay dahil diyan sa huling sinabi mo. Yan oooo! Oist! dahil yan sa sinabi mo na “…ang seksi u mamaru kainggit!” Nyahaha! Sus, joke lang!

Pero siempre naniwala ako diyan sa sinabi mo. Ako pa na ang daling bolahin!  Sa totoo lang, parang kinilig pokengkeng ko sa sinabi mo.

Ops, teka maging seryos muna tayo.

Lalahatin ko na at hindi lang ‘para kay Bakekang ‘tong mensahe ko:

Sa lahat ng nagbibigay sa akin ng messages nila sa YM ko, yung mga nag iiwan ng mensahe sa CBOX, at dun sa lahat na masisipag magbigay ng mga komento nila na kesyo naaaliw daw  sila sa blog ko, na kesyo nawawala  daw ang mga antok nila sa trabaho habang nagbabasa ng mga SMS jokes ko, na kesyo kahit papano daw ay medyo nababawasan ang lungkot-lungkotan nila sa buhay habang nagbabasa sa mga walang kwenta at walang  humpay kong mga kalandian at kadramahan sa buhay…sa inyong LAHAT—— MARAMING SALAMAT PO!!

Wish ko lang na sana dumating ang araw na may magsabi din sa akin ng…”Mamaru, tenkyu! nang dahil sa kababasa ko ng mga SMS jokes mo ay nabayaran ko lahat ang mga utang ko. Walang biro, yumaman ako!  Nga pala, ano ang bank account details mo at idedeposito ko ang balato ko sa ‘yo!”

Hehehe!

Hindi na ako magpapaka-plastik pa, pero ang sarap pala talaga sa pakiramdam ang malaman na kahit sa maliit na paraan ay may napapangiti akong mambabasa.

Feeling ko para akong artista dahil di ba ang mga artista lalo na yung mga komedyante eh ang hilig nila magsabi na “basta ang sa akin lang ay makapagbigay ako ng karangalan para sa mga kababayan ko at sa bansa natin, you know!” Oppps! Sori, linya pala yan ni Pacman tuwing may laban sa boksing. Lol!

Hindi nga, wagi pala talaga sa pakiramdam pag may napapatawa kang tao.

Nga pala, dun sa mga sumusubaybay ng mga SMS Jokes ko…pasalamatan po natin yung mga senders ko. Sila dapat na pinasasalamatan talaga dahil ang tiyaga nila mag forward sa akin ng mga SMS lalong lalo na yang si MIKE!

MIKE, hindi man kita kilala personally…THANK YOU so much sa walang sawa mong pagsusuplay sa akin ng mga SMS. Bilib talaga ako sa yo, pre! Ang dami mong napapangiti hindi lang ako kundi pati na rin yung mga readers ko na nasa ibang bansa. Grabe! Hindi yata bumababa sa 8 SMS ang pinapadala ni Mike sa akin halos araw-araw!

Yaan mo, Pareng Mike, balang araw gagantihan din kita. Lintek lang ang walang ganti! Kung pwede nga lang pati ‘tong pinaglumaan kong puri ay ibigay ko sau bilang ganti ay gagawin ko. Pero siempre, alam mo na joke ko lang yan, di ba? Lol!

O sya, nagiging korni na ako. Once again, MARAMING SALAMAT po sa inyong LAHAT!

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
Related Posts with Thumbnails
  • Share/Bookmark

10 Responses to “Eto Lang Ang Masasabi Ko”

  1. ReggNo Gravatar says:

    SIS Maru, naantig ako sa message mo yung temang pang-MMK bwahahahaha, tama naman yung ibang nagbabasa ng BLOG mo at nakakaaliw lalo na yung commercial ng bayantel ba yun na ngayon ginagaya na rin sa Goin Bulilit hehehehe at no. 1 ang mga jokes, salamat rin, sexy ka naman talaga hehehehe

    Reply

  2. sheaNo Gravatar says:

    mamaru, walang anuman po hahaha
    Your welcome.

    keep on blogging, sabi mo nga sa akin.

    ayan nainspire tuloy ako.
    ano po ulit email add nyo, dali inonominate kasi kita sa blog awards…
    shea´s last blog ..Vindicated – DASHBOARD confessional My ComLuv Profile

    Reply

  3. sheaNo Gravatar says:

    mamaru…

    papampam lang si ako…

    Reply

  4. b@kekangNo Gravatar says:

    huwaw!..mamaru tenchu at welcome ..natats aq sobra..d q sukat akalain n bibigyan mo ng ganyang atenxon ang isang tulad q(singhot)(hikbi)(singa)

    Reply

    ikayNo Gravatar reply on July 27th, 2009 12:52 am:

    ate b@kekang di ba d2 ka sa kuwait??
    ikay´s last blog ..Ang paBURRITO ala IKAY Style. My ComLuv Profile

    Reply

  5. b@kekangNo Gravatar says:

    p.s hmn bka yung Mike n mamaru ang future fafa u?dnadaan lng sa sms jokes..d kaya?heheh

    Reply

  6. zaizaiNo Gravatar says:

    keep blogging sexy mama maru. ako din mawawala ang akeng longkot at lombay pag binabasa ko ang iyong blog. naisip ko lang, mag eb kaya kayo ni mike. malay mo! :)
    zaizai´s last blog ..Oh No My ComLuv Profile

    Reply

  7. kleNo Gravatar says:

    May magbasa nga lang nakakatuwa na, lalo pa kapag ganyang may nababasang nagpapasalamat at nagpapatotoo na may positive silang napapala sa pagbabasa ng blog mo. Mabuhay ka! wehehehhe
    kle´s last blog ..Klet Makulet’s Want List My ComLuv Profile

    Reply

  8. ikayNo Gravatar says:

    well sa totoo lng nman talaga mamaru napakalaking tulong mo smeng mga OFW kc sa tuwing dadaan kmi d2 sa blog mo…hindi pepedeng walang ngiti na maiiwan sa aming mga (magagandang) muka..hehehe…at alam mo bng isa k rin sa mga naging inspirasyon ko kya ako nakagawa ng blog.. ^_^kya tenchu rin syo mamaru..muawh!
    ikay´s last blog ..Ang paBURRITO ala IKAY Style. My ComLuv Profile

    Reply

RSS feed for comments on this post. And trackBack URL.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled