Ang Alipin at Ang Torete

music note … Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa ‘yong yakap ako’y nasasabik
music note

(Click here for the complete lyrics.)

Alam mo bang walang humpay kong pinakinggan ‘tong kanta na ‘to? Sabi mo nga ay dedicated mo ‘to sa akin. Kaya ang nangyari, ayun at walang patayan ng computer at mula 10pm last night hanggang sa oras na isinusulat ko to ay paulit ulit ko na pinapakinggan. Eto na ang naghele sa akin hanggang sa makatulog kagabi.

At di ba sabi ko nga sa ‘yo, ipo-post ko ‘tong song na ‘to dito sa blog ko kaya sinamahan ko na rin ng vids para masaya. Lols!

Atta coincidence! Ang nadikwat kong You Tube video ay may mga eksena pa ng isang peborit kong chick flick….My Sassy Girl. Ang saya!

Just love the actress here – Jeon Ji-Hyun and in fact, take a look of the wallpaper of my HP netbook:

wallpaper

DSCF0539

Nways, mabalik tayo dun sa kanta.

Trip ko sana magpaka-senti sa reaction ko kahit saglit lang kaso parang hindi yata bagay sa akin. Sabi nga nila, humor blogger ako, pang sex-comedy lang ang beauty ko at hindi pang-drama.

Kaya gusto ko man ibuyangyang (buyangyang daw o!) ang saloobin ko habang nakikinig sa song na dinedekeyt mo sa akin, worid naman ako baka mawalan ako ng readers dito sa blog ko pag nagpaka-cheesy ako.  Hehe! Sa ‘yo ko na lang sasabihin yung tunay na nararamdaman ko.

Pero baka curious din ang mga tsismosa/tsismoso kong mambabasa sa nararamdaman ko sa ngayon…idadaan ko na lang din sa kanta. Eto yun:

Klik nyo ‘to!

* * * *

music note While writing this, I was listening to “Alipin” by Shamrock.

2 thoughts on “Ang Alipin at Ang Torete

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.