Shet! Pag-Ibig!

Sa chat, may nag quote nito sa akin: (Note: Bebeko ‘di kaw yun)

“Ang pag-ibig ay hindi hinahanap, ito’y kusang dumadating sa hindi inaasahang panahon sa hindi inaasahang pagkakataon. Ito’y bigla mo na lamang mararamdaman na hindi mo alam kung kailan ito nagsimula at kung papaano. Mamahalin mo na lamang ito na hindi alam kung bakit at kung anong dahilan. Naiintindihan mo siya, inaalagaan, at handa mo siyang tanggapin kahit ano o sino pa man ito. Hindi mo iisipin ang mga pagkakamali nito bagkus siya ay iyong iintindihin. Handa kang magparaya para sa kaligayahan niya.”

“Ok, ok, ok, may tama ka (sa utak)” … yan ang naisagot ko dun sa kausap ko. Pasensyahan na lang kami nung kausap ko kasi wala ako sa mood noong sinabihan nya ‘ko at umandar bigla ang pagka-maldita ko. Siempre, bara-bara pa ang ibang naging sagot ko.

Sabi ko pa dun sa ka-chat ko… “Urur! Alam ko na lahat yan! Bakit hindi mo na lang ako turuan kung paano kumain ng buhay na manok, tumambling na hindi gamit ang kamay, kumain ng bubog na colored, etc, etc.”

“Susme, ako pa kasi ang tinuturuan mo ng tungkol sa Pag-ibig. Pag-ibig? Op kors, alam ko ang pag-ibig! Ano ako, bobo? Ang Pag-Ibig ay ay isang kagawaran kung saan ka pwedeng mangutang ng pera pambayad ng bahay at lupa o kaya kotse. Sabi pa nga ni Noli de Castro, “Pag-Ibig ang kasagutan, kabayan!”



O ha! Alam ko korni ‘tong entry ko. ‘La kayo magagawa, blog ko ‘to.

O sya, Happy weekend sa inyo, mga mortal!

* * * *

Quote of the Day:

“”There’s definitely a dangerous feeling when you’re in love–it’s giving your heart to someone else and knowing that they have control over your feelings. I know for me, who always tries to be so tough, that’s the dangerous thing.” ~Beyonce Knowles

music note While writing this, I was listening to “You’ll Be Safe Here” by Rivermaya

4 thoughts on “Shet! Pag-Ibig!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.