Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

Bob Ong’s Philosophy on Love

July 25th, 2009

Matagal na ‘tong Bob Ong’s Philosophy on Love na nakatambay sa Gmail inbox ko. Natripan kong bulatlatin ulit. May dahilan siempre kung bakit gusto ko ulit mabasa ang forwarded mail na ‘to.

FallingInLoveSa ngayon, medyo hindi pa rin ako makapaniwala na inlove ako kaya kinukurot-kurot ko pa rin sarili ko at baka nga naman naiidlip lang ako sabay nananaginip ng maganda.

Siempre, pinigilan ko sarili ko na huwag masyadong maging ilusyonada. Gusto ko dilat pa rin mga mata ko sa mga totoo kahit may nagmamahal na sa akin ngayon. Naks!  Nagpipigil pa rin ako sa nararamdaman ko na huwag masyado magpaka-adik na akala mo ay high na high sa kasisinghot ng mothballs. At higit sa lahat, nire-remind ko pa rin ang sarili ko na huwag basta-basta padadala sa tawag ng kati ng pekpek. Wahahahahaha!

Nways, peborit ko talaga si Bob Ong at imperness may napulot din naman ako dito sa pilosopiya nya tungkol sa pag-ibig. Share ko na rin sa inyo at baka sakaling may mapakinabangan din kayo at mahimasmasan ng konti ang pag-iisip.

Bob Ong’s Philosophy on Love:

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4.. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.."


* * * *

Thoughts To Ponder:

“Risk c0-exist with opportunities…
If you do not go after what you want, somebody else will…
If you do not ask, then you will never know…
If you do not step forward, you will always be in the same place..
Only those who risk can tell how far they can go.”

music note While writing this, I was listening to “People Are People” by Depeche Mode.

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
  • Share/Bookmark

17 Responses to “Bob Ong’s Philosophy on Love”

  1. kamilNo Gravatar says:

    ganda nung # 14.
    sapol ako, haha. :) )

    ganda ng mga quotes. pede ko po to i-copy tas save ko? (for future use) ;)

    Reply

    MARUNo Gravatar reply on July 27th, 2009 10:32 am:

    Kamiiiiil! kumusta ka na, langga?

    Sige, hakutin mo o harbatin mo lahat ng magustuhan mo diyan at walang problema. Maraming salamat sa pagbisita mo, dai!

    Reply

    kamilNo Gravatar reply on July 27th, 2009 10:45 am:

    weeeeee miss maruuu! (siyagit kau oi haha) :lol:
    ;) ayos lng po. lagi ako sumisilip sa site mo eh. pero ngayon lang nag lakas loob mag comment hehe.

    tenx tenx…kinopya ko na. send ko to mamya sa amiga kong heartbroken hehe. :D

    Reply

  2. boiNo Gravatar says:

    ahmm morning..’di mo pa ako kilala..well im boi from batangas at presently in UAE…

    ayan sige namnamin mo ang lasa at pakiramdam ng pagiging inlove mo…

    uhmmm…laging ganyan diba?

    nga pala gaganda sobra ng mga pics sa flicker…

    love it…
    boi´s last blog ..boilang ama My ComLuv Profile

    Reply

    MARUNo Gravatar reply on July 27th, 2009 10:35 am:

    “boi…ang awiting kong ‘to para sa ‘yooo…”

    naks! napapakanta tuloy ako nung nakita ko name mo. musta naman ang init ng araw na namumutawi jan sa UAE?

    Tsaka maraming salamat sa comment mo….at sana ay hindi ‘to ang huli.

    Best regards.

    Reply

    boiNo Gravatar reply on July 27th, 2009 4:57 pm:

    dalaw ka rin sa bagong tayong bahay ko…

    sana kung gaano kailap ang ulan sa lugar ko ngayon ay di maging ganun ang pagbisita mo sa blog ko…

    sino nga pala ang original singer ng kinanta mo…

    buo ang paniniwala kong kaakit-akit ka…’yon ang unang dahilan kaya ko pinapansin ang mga coment mo kay pareng jon…

    at sana ay ‘di mo un ikalungkot…
    boi´s last blog ..kill bill chapter tres My ComLuv Profile

    Reply

  3. sheaNo Gravatar says:

    10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

    11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

    hmmm TOINKS.. DITO AKO TINAMAAN..

    SAPOL O..

    SAPOL NA SAPOL

    WASAK NGA PUSO KO DITO EH..

    HAHAHA.. BASE ON EXPERIENCE… TOINKS
    MAY BUKOL PA NGA PUSO KO..
    MAY SUGAT DIN NA DI PA NAGHIHILOM KAYA ETO..

    TIKLOP AKO..

    God Bless po!
    shea´s last blog ..Sunday –muni-muni My ComLuv Profile

    Reply

    MARUNo Gravatar reply on July 27th, 2009 10:38 am:

    NYahahaha! Natawa naman ako dito sa sinabi mo. Ramdam na ramdam ko ang mga TOINKS mo.

    ALL CAPS ba naman. hehehe! Wag ka mag alala at wag ka sana madala ateng…ipagpatuloy mo lang ang mga kalandian sa buhay. We only live once kaya kever ang mga sugat sugat na yan ever!

    Reply

  4. jonNo Gravatar says:

    …been reading those love quotes from Bob Ong…even posted them at my FB wall…most of the time bullseye talaga…pero syempre sarap pa din ng feeling pag you are aboard the love train…and hi ms maru!,,,,
    jon´s last blog ..State of the Nation Address My ComLuv Profile

    Reply

    MARUNo Gravatar reply on July 27th, 2009 10:44 am:

    Jooooon! Mustamos na?

    Korek ka sa tinuran mo kapatid. Maganda tong chuva ni Bob Ong kasi walang halong kaplastikan talaga. Sapul ang masasapol.

    Reply

    jonNo Gravatar reply on July 27th, 2009 10:50 am:

    ok na ok poh!…your famour blog is my daily habit…kasabay ng pag-********* :-) …and recently made another blog at wordpress…been visited by the literary muse lately and bitten by the love bug recently…just like you if i may add…
    jon´s last blog ..State of the Nation Address My ComLuv Profile

    Reply

  5. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
    Napasarap isipin na mhulog sa imburnal kung ikaw ang imburnal na kakahulugan ko pipiliiin ko na ang magpakadumi. sabi nila walang gamot sa tanga. kung sa iyo lang ako magpapakatanga di baleng maging tanga na lang habang buhay basta kapiling kita. sa mundo di kayang sukatin kung gaano kita kamahal tulad ng sinabi ko sa iyo MAGTIWALA KA AT AKO ANG BAHALA SA IYO MAHAL KO.

    Reply

  6. boiNo Gravatar says:

    ano ba sa tagalog ang “best regards”

    pasensya na…
    boi´s last blog ..kill bill chapter tres My ComLuv Profile

    Reply

  7. Joh CaraoNo Gravatar says:

    As always mamaru this post has made me laugh, think, and think some more. I have to tell this blog is entertaning and at the same time educational. thank you!
    Joh Carao´s last blog ..Hale My ComLuv Profile

    Reply

  8. annaNo Gravatar says:

    Pa-copy po nung Philosophy ni Bob Ong ah? Salamat :D
    anna´s last blog ..~La la la. My ComLuv Profile

    Reply

  9. :)gLhai08No Gravatar says:

    hi..

    ang galing nman ng mga qowtz nyan..

    ngeun ngbabasa ak ng mga ganyan kc broken hearted pero kpag inlove nman.. aHy naku..

    cguro tama c bob ong na hnde nma tlga lhat ng relationship mg.eend ng maganda.. nde nman kc ntin hawak kung anu mangyayari sa future ntin..

    aku expect ko tlga na kmi na pro nde nman pla..
    masakit pa kya hanggang ngeun

    ahmp.. cguro prang aku nman kc sumira ng relatinship nmin ehh.. but ngeun eto were friends nlan.

    tnx.. na inspire na nman ak..

    Reply

  10. grabe hanep ng mga banat ahhhh!!!!!!!! sakin ung no,20 astig ang lalin ng meaning nun!!!!!pls add nlng aq irene_revilla18@yahoo.com! tnx

    Reply

RSS feed for comments on this post. And trackBack URL.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled