Pikon na pikon na ako to the highest level dito sa palaging bumubulaga sa akin tuwing binubuksan ko ‘tong blog ko.
Palagay ko nanggagaling ‘to sa gamit kong template ang malware, spyware, hardware, tupperware, dinnerware at kung anu-ano pang lecheng ware na yan na papampam sa akin. Pag ibang site naman ako nagba-browse, wala naman ang pampam na yan!
May protection naman akong gamit at lagi ko ini-scan ang pc ko. Bakit kaya panay bulaga pa rin ‘tong mga lintek na ‘to. Magugulatin pa naman ako at baka mamaya eh magkaroon na lang ako ng atake de corazon ng dahil dito. Hays…ay derpor desayd na kelangan ko na magpalit (for the nth time) ng blog template o theme! Waaaa! I like my current template pa naman.
Mauubos na naman oras ko neto sa kahahanap ng bagong design at sa pag aalsa-balutan, sa paghahakot ng mga muwebles (plugins, widgets, codes) ng blog ko sa bagong lilipatan na template. Nyeta talaga!
* * * *
Quote of the Day:
”If you really want to do something, you will find a way. If you don’t, you will find an excuse.” –Anonymous
While writing this, I was listening to “State of the Nation” by Industry









mahirap din pala mag maintain ng blog pag me sariling domain.
relaks lng po miss maru.
alalahanin mo, ang wrinklessssss
Reply
MARU
reply on July 27th, 2009 10:56 am:
Dai, hindi biro ang magmaintain ng sariling domain. Nakaka-stress din minsan.
Madami na akong wrinkles, Kamil. Kaya wag ka magugulat pag nakita mo ang face ko na parang kutis-betlogs na rin. Daming wrinkles.
Reply
weeee nde kaya. kita ko pix mo dun o.
Reply
babes base sa avira mo ang virus nasa pc mo lang kaya lang sya nag trigger kasi sumama sya sa temp files ng site mo naka save sa pc mo makikita mo yun sa path na nakalagay sa avira kung saan nya na detect walang kinalaman ang site mo. madali lang maalis yan pede mo type sa run ang path na detect ng avira para mapuntahan at ma delete mo. try mo rin delete lahat ng temp files mo.
“Im Always here for You”
Reply
mamaru wag mo na palitan themes mo..
sundin mo na lang yung sinabi ni mike hehehe
danda ng bahay mo eh.. kainggit nga…
shea´s last blog ..TARA SANTELICES – RIP
Reply
MARU
reply on July 28th, 2009 7:28 pm:
uu nga, ateng! dehins ko na lang papalitan ang template ko. labs ko na to eh.
Reply
go to google.com, type malwarebytes, download malwarebytes and run a quickscan…
Reply
MARU
reply on July 28th, 2009 7:32 pm:
hi frederick! yep, i’ve downloaded malwarebytes and same time changed my anti-virus…Antivir to AVG. Thank you so much for the help.
Reply
Relax! BP mo.
Reply
wahehehe, labs ko na rin ung theme mo..
shea´s last blog ..I’m confused…
Reply
okey baka makatulong lang po, try mo kunin yung path ng file na sinasabi nyang malware, base sa larawan sa post mo nasa local drive sya, sa user na maria teresa reyes, kaw ba yun? anyway, idelete mo yung file na yun or, gawin mo magdisk clean up ka, kasi palagay ko mga cookies lang yan or temporary internet files, during disk clean up, make sure na tanggal ang temporary internet files… let me know kung nakatulong, anyway i am working on my link page, just send me a 100 x 100 px avatar to be included
Mars / Kulot´s last blog ..6 Images You Won’t Believe Aren’t Photoshopped
Reply