![]()
Aktwali, mas madalas akong tanungin kung bakit kami naghiwalay ng mister ko kesa bakit single pa ako.
For the record, hindi pa po ako nagka-mister ever! Never pa ako nag-asawa o ikinasal. Oo nga may mga junakis na ako. Pero kelangan ko ba magka-mister para magka-anak? Haler!!
Neweys, galing ulit ‘to sa Gmail ko: Reasons Why You Are Still Single.
Maraming rason ang mga single kung bakit single pa rin sila at eto daw ang madalas na mga palusot. Palagay ko naman swak sa akin ang number 7 . Tehehe!
11. Destiny Adik
Eto yung mga naghihintay kay “destiny” na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “partner in life”. Ayannn! Kapapanood nyo ng “Serendipity” feeling nila ang nangyari sa movie ay mangyayari rin sa kanila. Such a cliche! Hindi ba nila alam na kung walang effort, destiny is useless?
10. Perfectionist
Mapili. Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong dapat ganito ang magiging kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait – boring daw, gusto ng bad boy o kaya pilya pero kapag pinaiyak ka, tatanungin ka… “Bakit ang sama mo? Bakit mo nagawa yun!?”
Ayaw sa cute. Ayaw din naman sa panget. Meron dyan gusto ka pero ayaw mo naman. At yung nagugustuhan mo eh halos magtambling ka na para mapansin lang kaso deadma pa rin sa kanya ang mga stunts mo!
9. Busy-busyhan
Opo, eto yung ang mundo ay gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka, o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Aalis ng bahay ng alas 6 or 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 -8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na.
Kapag Sabado, masaya na sila sa Internet (o sa Multiply/Friendster), sa pagkain na niluluto ni mama at sa Linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes.
8. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na sa loob ng mahabang panahon na pagsasama ay hindi masabi-sabi kay friendship ang nararamdaman dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at baka iwasan sya.
Eto yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na kahit wala naman sa lugar. Pero syempre ayaw ipahalata, kunyari happy sya for friendship.
7. Born-to-be-one (Autistic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta na lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang daw. Sus! Asa ka pang tatanggapin ka pa noh!
*** Dito ako nabibilang. Pangangatawan ko talaga ang madalas kong sabihin na kung ipinanganak akong virgin, dapat lang na mamamatay din akong virgin! Plis, wag na kayo komontra, mga indot!
Trulili! ‘La na ako mahihiling pa tutal, natupad rin naman ang dream ko na maging madre. Madre de pamilya!
6. Happy-Go-Lucky
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at tripping. Kahit sino nalang basta no strings attached. For fun lang daw. Walang halong seryosohan. Aba hoy! Yang init ng katawan mo, makakahanap ka rin ng katapat mo!
5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo ay nasa ibang mundo ka. Yung mga nakakaharap mo ay mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun?
Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo eh yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman eh nasa sarili mong bayan ka nga at nasa normal na lipunan, pero ikaw naman ang abnormal! Hindi mo nakakayanan sabihin na abnormal din ang hanap mo. Hehe! Siempre dahil ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.
4. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na “hindi pa ako ready eh, bata pa kasi ako” o kaya naman “hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki.. “
Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Aww! Aba kelan naman kaya yun? Pag uugod-ugod ka na at yung time mo ay bitin na?
3. Si Parents Kasi!
Yes, factor din ang komunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf.
O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba! Ikaw ba naman ang sabihan na , “Alam mo hindi kayo bagay…langit at lupa kayo..”
2. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami. “Ayaw ko na! Takot na ako mangyari pa ang nangyari dati!” O divah! Ang drama ng layp!
Eto yung dahil sa past relationship mo kaya ayaw mo na magkaroon ulit ng partner at sinumpa pa yata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka!
1. EX to the nth power
Aminin na! LOVE mo pa rin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. Eto yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi pa rin makalimutan si ex, dahil daw dun sa pinagsamahan, sa tawanan, sa iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa.
Anoveh! Malungkot man o sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyong magpaalam na sa isa’t isa. At give yourself a Kitkat, take a break!
* * * *
Quote For Today:
“”I don’t like to be labeled as lonely just because I am alone.” - Delta Burke
While writing this, I was listening to “Your Universe” by Rico Blanco.





base
.-= shea´s last blog ..Napansin mo ba? =-.
[Reply]
tama lahat yan saken..ahehe
[Reply]
Nice post Ms. Maru! Tinamaan ako ng todo sa Number 9.. Hahaha!
[Reply]
Ms. Maru meron lang po akong question sa iyo tsaka sa mga mambabasa mo sa site mo. meron na bang nagmahal sa iyo ng totoo? kung sakaling meron bakit mo tinapon? kasi kung sadyang magulo ang dahilan natin kaya tayo single di ba dapat paminsan minsan tayo na rin ang magtanong sa ating sarili bakit tayo single? narinig ko na rin ito sa iyo ms. maru love its a matter of risk kung di ka mag risk di mo malaman kung mahal ka. tama po ba? pero ikaw ms. maru nag risk ka na rin ba o sadyang wala ka lang tiwala sa pagmamahal ng partner mo? ito po ay katanungan na cguro dahil sa iyong malikot na kaisipan ay madali mong masasagot. pag nasagot mo ito bibigyan kita ng kape ALAMID dito na sa akin papadala ko na lang sa iyo….. happy gud day
[Reply]
waaaahhhhh….parang na-bull’s eye ako sa 7 out of 10 na sinabi mo….pers taym ko pa naman mapadaan….at syempre babalik-balik
.-= kikayness´s last blog ..Ako’y Likod – The Updated Version =-.
[Reply]
yun din mga dahilan ko dati e.
[Reply]
sapol ako sa #9. haha. uu, ganyan ka boring ang layp ko. juk!
[Reply]
Weeee sapul ako sa number 9 and 4… he he h ehe… sino kaya pede makabago ng pananaw ko sa number 4… he e he he he
[Reply]
ayos,ms.maru…sarap-sarap nga ng tingle eh,..pero may masarp kng may tumitingle sau hehehe…
[Reply]
maraming dahilan kung bakit nanatiling single ang isang single. Pabor ako sa mga binanggit mong rason ayon na rin sa mga nakasalamuha kong mga single at personal na karanasan ko. Ayon sa survey (ko), pangunahing dahilan ang ayaw o takot sa commitment, kc nga naman kulang pa ang oras para sa sarili magdadagdag pa ng isa pa gayong threat ang may umangkin ng oras para sa sarili? Pangalawa, Traumatic experience. Totoo ito. Ang pag-ibig parang alak, pag nagsuka ka hanggang madaling araw, yung tipong berde (juice na ng apdo) mo ang lumalabas, isusumpa mo ito. Para rin sa pag-ibig yan, yung pagsusuka mo ay parang dinurog ang puso mo at talagang aayaw ka na. Ewan kung pareho lang ng mekanismo, kung nahimasmasan ka na sa alak, sige na naman basta ba maganda ang ambience at mga kainuman, at sarap pa ng pulutan. Sa pag-ibig, ganun din kaya? ne ways, just check my blogs tungkol sa pilosopiya ng pag-ibig, ng pagiging single!
[Reply]
..it’S suiTs mE..hehe
..i bLong to d CLAN.. bEing SINGLE is masaya.u can do everything,anythng u want in life..THE FREEDOM IS YOURS kumbaga,although minsan d maiwasan n mainggit ka s iba n my mga jowakits jan.hehe. BUT above all? bsta masaya mgng single..
[Reply]
MARU
Reply:
August 20th, 2010 at 12:03 pm
Staying single is cool.
[Reply]
thanks for sharing you page..
[Reply]
MARU
Reply:
December 1st, 2010 at 9:52 pm
@wakai79, u are most welcome, my friend.
Hope to see ur name again.
[Reply]