Salamat, Tita Cory

cory-aquino

Aminado ako, yung late nanay ko never liked her. In fact she hated Cory so much. Lol. Ino-off agad ni mader ang TV noon tuwing nakikita nya si Cory. Obyusli, masasabi kong hindi close si mader ko at si Cory. Hehe!

Well, nagkataon lang na loyalista ang nanay ko sa mga Marcos. Siguro kung si Marcos  noon ay isang relihiyon, malamang una sa pila para magpa-convert ang dakilang ina ko sa sobrang fan ni Marcos.

Hindi ko naman masisisi si mader…isa syang titser noong nabubuhay pa. At alam naman siguro natin kung paano inalagaan noon ni Marcos ang mga titser. Parehong titser mga magulang ko at parehong loyalista sa mga Marcos.

Siempre iba si Mamaru. Hindi ko naman sinasabing maka-Cory ako. Sabihin na lang natin na hinahangaan ko rin si Ginang Aquino, unang-una sa pagiging babae nya. Uliran na maybahay, hanga ako sa pagiging dakilang ina nya lalo na sa pasaway nyang anak noon na si Kris (hehe!) at higit sa lahat…sa kasimplehan  nya, sa sinseridad nya at tunay naman talagang madasalin na tao.

Nakikiisa ako sa lungkot ng sambayanan ngayon sa pagkamatay ni Ginang Aquino kanina. Oo iyakin ako at aminin ko tumulo din luha ko sa balita na pumanaw na sya.

Rest in peace, Tita Cory. Salamat sa tulong mo sa pagbabalik mo ng demokrasya sa Pilipinas.

I HAVE FALLEN IN LOVE
(with the same woman three times)

Composed by Jose Mari Chan
Lyrics by: Benigno Aquino

I have fallen in love
with the same woman three times;
In a day spanning 19 years
of tearful joys..and joyful tears.

I loved her first when she was young,
enchanting and vibrant, eternally new..
she was brilliant, fragrant,
and cool as the morning dew.

I fell in love with her the second time;
when first she bore her child and mine
always by my side, the source of my strength,
helping to turn the tide..

But there were candles to burn
the world was my concern;
while our home was her domain..
and the people were mine
while the children were hers to maintain;

So it was in those eighteen years and a day..
’till I was detained; forced in prison to stay.

Suddenly she’s our sole support;
source of comfort,
our wellspring of Hope..
on her shoulders felt the burden of Life..

I fell in love again,
with the same woman the third time.
Looming from the battle,
her courage will never fade

Amidst the hardships she has remained,
undaunted and unafraid..
she is calm and composed,
she is God’s lovely maid..

* * * *

Quotes For Today:


” I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life.” - Corazon Aquino

” I’ve reached a point in life where it’s no longer necessary to try to impress. If they like me the way I am, that’s good. If they don’t, that’s too bad.” – Corazon Aquino

Related Posts with Thumbnails

20 comments

  1. peacat nice and well said marami dapat din ipagpasalamat at ikahanga sa isang tulad ni cory aquino. una hanga ako sa kanya bilang babae meron syang paninindigan kaya ka nyang ipaglaban kahit isa kang ordinaryong tao. ang pinakahangaan ko sa kanya ang pagiging matulungin nya sa kapwa at ang pagiging matatag sa lahat ng problema na kanyang kinaharap. peacat gagamitin ko ang site mo bilang pagpugay at pagpasalamat sa isang tao pinagkautangan ko ng edukasyon ko. mahirap lang ang aming pamilya mapalad at maswerte ako dahil isa ako sa mga nabiyayaan ni ginang aquino ng kanyang mabuting kalooban sya ang nag sponsor sa akin cmula ng aking elementarya hanggang high school. wala akong masabi sa kanya dahil ang scholarship na tinanggap ko ay galing sa isang taong malaki ang puso at pagmamahal. salamat peacat dahil naging daan ka para mapasalamatan ko si ginang aquino. Muli SALAMAT.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    bah! ayus yan a. dami mo pala dapat ipasalamat talaga.

    [Reply]

  2. sheaNo Gravatar says:

    pareho tayo may tribute blog sa kanya.

    san u nakuha ung kanta?
    .-= shea´s last blog ..Thanks for the Legacy =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    secreeeet! di ko sasabihin sa u. hehehe!

    [Reply]

  3. dennisNo Gravatar says:

    Well said maru. :D

    [Reply]

  4. badoodlesNo Gravatar says:

    magkakasundo kami ng nanay mo.

    pero malungkot din na wala na si cory. sa canteen nga sa makati med ako laging naglalunch, nagbabakasakaling mahagingan ng camera for exposure este makita si noynoy aquino at makamayan.

    anlungkot ko sobra. pasayahin mo ako mamaru. aliwin moko.
    .-= badoodles´s last blog ..Boob Job =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    pareng badoodles, unga pala…ilokano ka nga pala kaya LOYALISTA. hehehe!

    tsaka…. ang LANDI moooooo!

    [Reply]

  5. zaizaiNo Gravatar says:

    sad no maru. nuod ako ng tribute sa kanya sa tv..huhu
    .-= zaizai´s last blog ..Salamat SSS =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    di ako makapg update-update ng aking blog ng dahil kay Tita Cory. lagi na lang akong HU HU HU sa harap ng tv. :(

    [Reply]

  6. kamilNo Gravatar says:

    isa din sa hinahangaan ko sa kanya ay yung pagiging positive ng pananaw nya sa buhay.

    alas dos ng umaga na ata ako nakatulog kanina kakapanood ng tribute nya.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    such a gracious woman indeed. dapat lang din naman na pangaralan sya ng todo-todo without preno.

    [Reply]

  7. u210No Gravatar says:

    makiisa tau ky tita cory,kaya bigyan din ntn cia ng pagkakaisa,wag tau mgbrush ng ngipin ntn ng 10 araw pra maging yellow din nag ngipin ntn pra maiba lngf nmn di ba ms.maru,sali na,….

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    loko ka talaga! saan mo ba pinagkukuha yan mga naiisip mo. tsinelasin kaya kita?

    maraming salamat sa mga komento mo, parekoy.

    [Reply]

  8. It’s very sad. I watched the services this afternoon. Kaka iyak.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    as in you cried?

    [Reply]

    callcenterguyNo Gravatar Reply:

    konti lang,

    [Reply]

  9. MINENo Gravatar says:

    truli, ikaw na magka anak ng isang kris . . . masusubukan talaga pagiging isang ina .. (ouch)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hehehe! miney dear..hamisyu!

    sa pagiging pasaway ni kristeta noon sa nanay nya… para na rin kinukudeta si Tita Cory nun sa kunsumisyon.

    [Reply]

  10. MarvinNo Gravatar says:

    isa sa mga magaling at marangal na presidente si dating pangulong Cory Aquino. sana magkaroon pa ng presidente na katulad niya.

    [Reply]

  11. NoyNoy aquino will be our symbol for our hope that the Philippines will someday be a better country.’-”

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge